PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alfred Vargas says being a merman is demanding

With his career on a roll, Alfred finds no time for love.
by Archie de Calma
Published Apr 11, 2008
Instead of the traditional siyokoy costume used in past Dyesebel movies, hunky Alfred Vargas wears a fish tail as one of the mermen in the GMA-7 telefantasya Dyesebel.

Gumaganap ng isang kontrobersyal na papel si Alfred Vargas sa Dyesebel, ang pinakaaabangang telefantasya ng GMA-7. Isa siyang sireno (merman) na may buntot at kaliskis. Makaka-triyanggulo niya rito sina Marian Rivera (in the title role) and Dingdong Dantes.

"Sa tradition kasi ng Dyesebel, siyokoy yung other man," sabi muna ni Alfred. "May bagong bihis ngayon, kasi, may mga sireno na rin sa bagong istorya. Physically demanding ang role kaya dapat na paghandaan."

POSITIVE VIBES. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na hindi basta tumatanggap ng exposures ngayon si Alfred para makapag-concentrate sa role niya sa Dyesebel.

"So far, name-maintain ng GMA-7 yung tatlong regular exposures for me. Happy na ako sa ganoon. Nakakapag-comedy ako sa NUTS Entertainment, then may pagka-suspense naman ang ESP, then itong sa Dyesebel.

"Huli akong napanood sa afternoon drama na My Only Love, pero siyempre, iba ang dating ng primetime soap. At saka naniniwala akong may dalang suwerte si Marian, and she really deserves the good breaks, dahil mabuti talaga siyang tao," nasabi na lang ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging suporta ni Alfred si Marian sa Muli, ang afternoon soap na sinasabing nag-umpisa ng pagtataas ng ratings ng afternoon shows ng GMA-7.

"Nagtuluy-tuloy ang suwerte ko dahil doon, at pati si Marian, 'di ba? Nagkaroon siya ng Marimar, and the rest is history. Sa palagay ko, pareho kaming suwerte sa isa't isa kaya magiging very positive ang dating ng bagong soap sa amin, na magkasama kami," sabi ni Alfred.

BREATHLESS ROLE. Naglalagi na nga sa Batangas si Alfred at kapag nagsu-swimming, kailangang suot niya ang half-fish costume niya. Nakabuntot na nga kung lumangoy si Alfred.

"Kailangang very creative ang movement," nasabi pa ni Alfred. "At talagang mahirap. Limitado pa naman ang galaw kapag ganoon. At saka iba yung umaakting ka na hindi humihinga sa ilalim ng tubig, but you have to convey different emotions.

"Kadalasan, sa taping, mga dalawang oras kami sa ilalim ng tubig. Naka-respirator muna siyempre, pero 'pag take na, wala na talaga, as in hindi na ka hihinga. It's really physically demanding," dugtong pa ng aktor.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naniniwala siya na kahit ang isa pang bida rito ay si Dingdong Dantes, mapapansin din siya rito. Idiniin ni Alfred na hindi kontrabida ang labas niya sa telefantasyang ito. Makaka-sympathize ang marami sa character niya rito.

FREE OF GOSSIP. Meanwhile, sa pamimili ng exposures, nakaluwag-luwag si Alfred sa schedule niya. Bukod pa rito, mahabang time din yung hindi na siya nagiging laman ng gossip columns.

"Oo nga, wala munang tsismis. Ang pinakahuli ay yung kay LJ [Reyes]. Natutuwa nga ako na kahit naghiwalay kami, we remained friends. 'Pag nagkikita kami, walang negative.

"Kasi, nag-usap naman kaming mabuti ni LJ bago nag-decide. Hanggang ngayon, very good friends kami. Lumalabas pa rin kami kung may libreng panahon, wala na nga lang commitment.

"To be honest about it, mas masaya ako ng ganitong single. Walang masyadong pressures. Iba kasi kapag naka-focus ka sa career mo, 'tapos, mayroon pang love life. Talagang mayroong magsa-suffer. Sa kaso ko, it was my love life, kaya single ako muna. Mahirap din yung may nasasaktan," napapailing na sabi pa ni Alfred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Instead of the traditional siyokoy costume used in past Dyesebel movies, hunky Alfred Vargas wears a fish tail as one of the mermen in the GMA-7 telefantasya Dyesebel.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results