Totoo kaya ang balitang kumakalat na nagkaroon daw ng mabilisang relasyon sina Mo Twister at Joyce Jimenez?
Ayon sa aming reliable source, nagkaroon daw ng isang madalian pero intimate na relasyon ang host ng Showbiz Central na si Mo at ang Pantasya ng Bayan na si Joyce.
Hindi nga raw maiwasan na ‘di mapag-usapan ito sa mismong radio program ni Mo at hindi nga raw makasagot ng diretso si Mo kapag inuungkat ang tungkol sa kanila ni Joyce.
Tuwing tinatanong nga kay Mo ang tungkol sa kanila ni Joyce, ngumingiti lang daw ito at sinasabi na mahusay na conversationalist si Joyce. Para kay Mo raw ay malaking turn-on sa kanya ang babaeng magaling magsalita and can talk about anything under the sun.
Pero lumabas din ang issue na "one night stand" lang daw ang nangyari kina Mo at Joyce. Ayon sa isa pang source ay hindi raw seryoso ang naging relasyon ni Mo with Joyce dahil purely physical lang daw ang nangyari sa kanila.
Para malaman ang katotohan, wait na lang natin magsalita either si Mo or si Joyce kung totoo bang may nangyari sa kanila dalawa o wala.
