Hangga't maaari, hindi raw muna nagga-grant ng ambush interview si Pia Guanio dahil sumusunod lang siya sa sinasabi ng kanyang manager na si Ms. June Rufino. Aniya, baka magalit daw ito if ever na magpa-ambush interview na naman siya.
Pero out of curiousity, tinanong na rin niya ang PEP (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang gustong itanong sa kanya.
Sinabi ng PEP ang sadya nitong kuhanan siya ng reaksyon hinggil sa isang write-up na nagsasabing iba raw ang sweetness na ipinapakita ng TV-host-comedian boyfriend niyang si Vic Sotto sa bago nitong leading lady na si Riza Santos sa shooting ng movie nito with Dolphy.
Maagap na "no comment" muna ang isinagot ni Pia. Pero sinundan iyon ng pagsasabi niyang ‘di naman daw talaga dapat patulan pa ang isyu.
Ayon kay Pia, hindi pa raw niya nami-meet si Riza nang personal, but just the same, alam daw niyang hindi ito totoo. At sanay na rin daw siya na tuwing may bagong movie at leading lady si Vic ay naiintriga ito.
On the other hand, naniniwala naman si Pia na bawat gawing movie ng boyfriend ay siguradong maganda kaya hindi siya naniniwalang kailangan pa ng anumang intriga tulad nga ng paghingi ng reaction niya about Vic and his new leading lady just to sell the movie.
