PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby and KC Concepcion briefly talk about their surprise meeting

Gabby cried while KC jumped for joy on their reunion.
by Julie E. Bonifacio
Published Apr 15, 2008
"Obviously, sobrang excited ako kasi dito pa kami nagkita sa ABS-CBN. The last time kaming nagkita, nasa States pa siya. So, super ganda ng linya namin kahit sandali lang," narrates KC Concepcion about first meeting with father Gabby Concepcion after his homecoming.

Naging very private ang pagkikita ng mag-amang Gabby at KC Concepcion sa ABS-CBN compound noong April 9, two days after KC's 23rd birthday. Ipinakita sa The Buzz last Sunday, April 13, ang footage kung saan paalis na si KC pagkatapos batiin ang kanyang ama na nasa Chronicle room ng 9501 restaurant sa ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Paglabas ni Gabby sa kuwarto, kung saan may mga ka-meeting siyang ABS-CBN executives, kinunan siya ng pahayag ng The Buzz na nakaantabay sa pagkikita nila ng kanyang anak na si KC.

"Kani-kanina nandito. Kakaalis lang niya. Ano, talagang naiyak ako," lahad ni Gabby.

Kinabukasan, April 10, sa story pitching para sa una niyang pelikula sa Star Cinema, ibinahagi naman ni KC ang naramdaman niya sa pagkikita nila ni Gabby.

"Yung talon ako nang talon. Obviously, sobrang excited ako kasi dito pa kami nagkita sa ABS-CBN. The last time kaming nagkita, nasa States pa siya. So, super ganda ng linya namin kahit sandali lang. Bumabalik lagi talaga yung pagkabata ko tuwing magkikita kami," pahayag ni KC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil hindi nagkasama ang mag-ama noong birthday ni KC last April 7, pinaplano nilang magkaroon ng isang maliit na reunion sa susunod na linggo.

Sa kasalukuyan, naghahanda na si Gabby sa una niyang teleserye sa ABS-CBN na pagsasamahan nila ni Claudine Barretto with Diether Ocampo and Angelica Panganiban, ang Iisa Pa Lamang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, KC Concepcion
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Obviously, sobrang excited ako kasi dito pa kami nagkita sa ABS-CBN. The last time kaming nagkita, nasa States pa siya. So, super ganda ng linya namin kahit sandali lang," narrates KC Concepcion about first meeting with father Gabby Concepcion after his homecoming.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results