Asia's Songbird Regine Velasquez will celebrate her 38th birthday on April 22. Then, on April 27, her birthday special billed as The Best of Me, Regine Velasquez, will be aired in GMA-7.

Photo: Noel Orsal

Sa April 22 ay ise-celebrate ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez ang kanyang 38th birthday. The said date is also the celebration of Earth Day kaya may ilang convictions daw siyang ipararating sa mga manonood ng kanyang first TV birthday special sa GMA-7, ang The Best of Me, Regine Velasquez, na mapapanood sa Sunday, April 27, pagkatapos ng Ful Haus.

 

"Hindi naman ako nagmamarunong, pero may mga natutunan na rin ako. Like, natutunan ko na kung mahangin naman, bakit kailangan mong magbukas ng air conditioner unit? Kung maliwanag naman, bakit kailangang magbukas ka ng ilaw? Ngayon ko lang din natutunan ‘yong segregation ng mga basura, mga ganoon lang... Na-realize ko talaga ngayon na kailangan magtulung-tulong tayo to conserve energy para makatulong pigilan ang global warming," sabi ni Regine nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Taste of L.A. restaurant sa Quezon City kagabi, April 15.

 

For the first time ay ipakikita rin ni Regine ang kabuuan ng bago niyang bahay sa may 530 sq. m. lot sa Ayala Hills side sa Capitol Hills, Quezon City, na venue ng kanyang birthday special.

 

"Hindi naman ako nagpapaka-Barbra Streisand, pero ‘yon ang naisip ko nang wala na kaming makuhang venue for the special. Tamang-tama naman, kahit nasa loob ka ng bahay, dahil nasa hills ito, kitang-kita mo lahat ang view ng Quezon City at kalapit na bayan nito, plus mahangin din.

 

"I just hope na magustuhan n'yo ang aking birthday special dahil pinaghirapan namin talaga. One whole day kaming nag-taping, may 300 people yata ang pumasok sa bahay ko!" natatawang kuwento ni Regine.

 

Ayon kay Regine, bukod sa production crew ni Direk Louie Ignacio, na siyang namahala ng TV special, may lugar din sila para sa audience na limited lamang ang bilang.

 

Dumating din ang pamilya ni Regine at ng boyfriend niyang si Ogie Alcasid. Nakisaya rin ang mga kaibigan ni Regine na sina Mikee Cojuangco; Kuh Ledesma with daughter Isabella; Jaya and her whole family; si Ai-Ai delas Alas na kapitbahay ni Regine; Mr. Tony Tuviera of APT Productions and TAPE, Inc.; and Marian Rivera, na nagdala ng cake pero hindi raw masyadong nagtagal.

 

"At saka ang best friend kong si Direk Joyce Bernal, ang sikat na sikat na direktor na sira-ulo at sadista. I-quote n'yo 'yan," natatawang wika ni Regine.

 

Dagdag ng singer-actress, "For a change, naiiba ang repertoire ko. Mapapansin n'yo na ang mga songs ko ay hindi ‘yong usual na kinakanta ko sa mga concerts ko. Magdu-duet kami ni Ogie ng favorite song namin, ang ‘Falling Slowly,' na theme song ng nanalong movie sa Oscars, ang Once. For the first time, kakanta ako ng isang Italian song, ang ‘Per Te,' a song from the album of Josh Groban."

 

Ilan pa sa repertoire ni Regine ay "Bubbly," "Hotel California," "Footloose," a medley of Claire Mario music, at ang theme song ng first Filipino animation movie, ang Urduja.

 

Bukod kay Ogie, special guests din ni Regine sina Jay-R at Kyla. "Pero may dapat kayong abangan. Isang surprise number na first time kong gagawin with them. Abangan n'yo, ha?" pahabol ni Regine.

 

BUSY SONGBIRD. Kahit tapos na ang taping ng kanyang birthday special, hindi pa rin mapapahinga ang Asia's Songbird.

 

"Pinaghahandaan naman namin ngayon ang bago kong musical show, na matagal ko nang nami-miss at wala na ring gumagawa ngayon sa TV, ang Songbird Sings," pagbabalita ni Regine,

 

Magsisimulang mapanood ang Songbird Sings sa May 15 bilang kapalit ng E.S.P. ni Iza Calzado.

 

Sa May 1 naman ay magsisimula na siyang mag-taping para sa romantic-comedy series na My Name is Kim Sam Soon, kung saan makakatambal niya sina Mark Anthony Fernandez at Wendell Ramos. May mga nagsasabing hindi bagay sina Mark at Wendell para kay Regine, pero okay lang ba sa Asia's Songbird na makaperaha sila?

 

"Oo naman," mabilis niyang tugon. "Kasi sa story, kailangang younger sa akin ang gaganap na Cyrus, si Mark Anthony ‘yon. Wendell will play my ex-boyfriend. At si Danny, ‘yong doctor na mai-in love din sa akin, will be played by Dr. Hayden.

 

"Hindi ko pa alam kung sino ang gaganap na other girl, who should be fragile-looking kasi may sakit siya. It will be directed by Dominic Zapata at Khryss Adalia at malamang ipalabas sa June. I'm leaving for Las Vegas last week of May, pero babalik ako agad dahil sa taping," lahad ni Regine.