PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo is the latest celeb endorser of Bench

A champion herself, Sarah was accompanied by top ice skaters during her launch.
by Rose Garcia
Published Apr 16, 2008
Sarah Geronimo says Bench's HerBench clothing line is her first-ever clothing brand endorsement.

Another grand launching ang ipinagkaloob ng HerBench sa bago nilang celebrity endorser na si Sarah Geronimo. Hindi lang basta-basta sa isang stage sa Mall of Asia ginanap ang grand launching ni Sarah kundi sa mismong skating rink ng tinataguriang one of the biggest malls in Asia.

That means, of course, isinara ang skating rink that day at exclusive lang talaga para sa pagpapakilala kay Sarah. Habang may mga rumarampang modelo ng Bench, kasabay nito ang pag-a-ice skating naman ng ilang girl skaters.

Nang lumabas na si Sarah sa isinet-up na stage sa loob ng skating rink, nag-perform na ang mga kinikilalang champion naman sa skating. Ayon sa taga-Bench, nabuo nila ang concept na 'yon since Sarah is a champion. So, they thought of bringing the top skaters in for the launching of a champion for a champion brand too.

Obviously, very happy naman si Sarah sa importansiyang ipinagkaloob sa kanya ng clothing line na ine-endorse. "I'm very happy po, thankful, and honored. Kasi po, ang tagal ko na rin po na gustong maging part ng Bench family."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Iba raw ang pakiramdam niya nang i-introduce na siya para kumanta sa launching niya sa ice-skating rink. "Nakakatuwa po. Natutuwa po akong talaga na sa Bench po ako unang naging endorser ng clothing line."

Habang nagpe-perform nga si Sarah, ilan sa mga entertainment press na invited ang nagtatanungan at nire-recall kung ano ang dating clothing line na ine-endorse niya. Reason kaya walang maisip ang mga press ay sa dahil ngayon pa lang pala siya naging endorser ng isang damit.

"Wala, wala po talaga. Parang pinag-isipan po talaga ni Boss Vic del Rosario [Viva Films big boss] kung ano po ang tatanggapin or kukuhanin nilang endorsement ko. At yun nga po, ang Bench na nga po."

Natawa ito nang sabihin ng PEP na ang Bench pala ang nagwagi sa kanya.

Pero sinabi ni Sarah na kahit noon daw na wala pa siyang ine-endorse na damit, isa na ang Bench sa brands ng damit na isinusuot niyang talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ay, opo naman...ever since pa po noong bata pa po ako, isinusuot ko na po talaga."

Read Next
Read More Stories About
Sarah Geronimo, Bench
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo says Bench's HerBench clothing line is her first-ever clothing brand endorsement.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results