"Hiling ko na super-special, na sana magparamdam man lang sa
akin yung nanay ko. Kahit konti lang, kahit slight lang," says Kim Chiu about
her special wish for her coming debut.
Kim Chiu excited over her 18th birthday celebration
Thursday, April 17, 2008
05:14 PM
Rating
Baka sakaling mabasa ng kanyang mama ang artikulong ito meron ba siyang mensahe sa kanyang mama?
"Ah, kung nasaan ka man ngayon, mag-iingat ka diyan. ‘Tsaka sana okey ka."
BIRTHDAY GIFTS. Ano naman ang birthday gift niya sa sarili?
"Nakabili na ako, e. Yung malaking aircon sa sala. Kasi ang mahal. Sabi ko sige na nga, ito na lang ang gift ko sa sarili ko. Lalo na ngayong summer kaya kailangan ng aircon."
Suut-suot naman ni Kim ang set na gold necklace and earrings na may malalaking pearl na bigay ng Auntie Helen niya sa Cebu sa birthday presscon niya. Bukod sa mga nabanggit, meron pa ba siyang gusto sa birthday niya?
"Wish ko, sana magkaroon ako ng kotse na kulay pink. Wish ko lang po yun," natatawang tapos ni Kim.
COMING BACK TO CEBU. Nung huling guesting niya sa The Buzz last Sunday, tinanong siya ng guest co-host ng show na si Anne Curtis tungkol sa kanyang first kiss. Ni-reveal niya na natikman niya ang kanyang first kiss not from co-star Gerald Anderson, but from her ex-boyfriend back in Cebu.
"Si Gerald po, sa I've Fallen For You, kiniss niya ako. Offcam? Sa ex [boyfriend] ko lang po," kuwento pa ni Kim.
Bahagi ng TV special ni Kim for her 18th birthday ay ang homecoming niya sa Cebu. Nakita ba niya roon ang kanyang ex-boyfriend noong nag-tape na sila roon for her TV special?
"Hindi, e. Tinawagan lang kasi kung sino yung pupunta sa school, kung sino ang available."
Ano nga ba ang nangyari sa pag-uwi niyang muli sa Cebu?
"Ah, nung pagdating ko, pumunta kami agad doon sa store [tindahan ng lola niya]. Pinakita yung sinasakyan ko, kung anong number ng jeep papunta doon. ‘Tsaka ano, kung saan ako lagi naglalakad, sa may school. Ano ang ginagawa namin ng mga classmates ko," kuwento pa ni Kim sa kung ano ang mga kinunan para sa kanyang TV special.
"Pagkatapos ng klase nagba-basketball kami lagi ng mga classmates ko, ‘ayun. Marami, maraming-marami," tukoy ni Kim tungkol sa kanyang fun memories nung nag-aaral pa siya noon sa Cebu before PBB Teen Edition happened. "Na-miss ko nga ang Cebu. Ang dami nang nagbago. May mga stores na sa Fuente. Nawala na yung dating kinakainan namin ng mga kaklase ko."
PREVENTING PREGNANCY. Sa edad ni Kim ngayon, may mga kabataan nang nabubuntis. Ano ang gagawin niya kapag nangyari sa kanya ang ganun? Ano ang gagawin niya para hindi siya mabuntis agad tulad ng iba?
"Ah, unang-una, nasa isip ko na yun. Ang dami ko nang napapanood sa TV ngayon na nabubuntis. Pero ako, ayoko. Priority ko kasi ang pamilya ko.
"Kung mabuntis ako mawawalan na kami ng kabuhayan. Kasi itong showbiz lang talaga yung kinakapitan namin. Ako kasi yung breadwinner ng pamilya ko. Kapag nabuntis ako siyempre wala na. Wala nang career, wala na lahat. Saan na mapupunta ang mga kapatid ko?
"Kaya yung love life, huwag muna yun. Darating naman yung time na magkaka-baby. Magpapakasal muna, ganyan."
WHAT TO EXPECT ON HER DEBUT PARTY. Ano naman ang magaganap sa kanyang
debut on April 26?
"Ito ang unang-unang modern debut na gagawin. Hindi na siya old style na debut na may 18 roses. Naka-gown kami pero nakausot kami ng rubber shoes."
Si Kim daw mismo ang gumawa ng listahan ng mga iimbitahin. Siya ang namili kung sino ang kanyang iimbitahin. Pati ba sa cotillion ay siya rin ang namili na makakasama?
"Ako rin po. Sina Olyn [Meimban], sina Brenda [Fox], si Cathy Gonzaga, si Regine [Angeles], si Wendy [Valdez)], si Carla [Humphries], si Melissa [Ricks], si Erich [Gonzales], marami sila. Sa mga lalaki naman sina Jason [Abalos], si Rodjun [Cruz], mga PBB na kasamahan ko, marami. Ano, nakaka-touch nga kasi ginagawa nila ‘yon for the love lang."
- Kim Chiu on talk that Xian Lim is only using her: "Hindi naman...Actually, love team kami. Nagtutulungan kami, yun lang ang masasabi ko."
- Kim Chiu serenaded by Xian Lim on the set of My Binondo Girl; but says she wants to take things slow for now
- Xian Lim on Kim Chiu: "Sana pagkatapos ng My Binondo Girl , magkita pa rin kami. Sana makita ko pa rin siya."
- ONLY IN YES! : Christmastime in Kim Chiu's dream house
- Are Kim Chiu and Xian Lim falling for each other?
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- Marian Rivera on working with Dingdong Dantes: "Mas tumindi kung ano man meron kami ni Dong. Hindi lang as partners...pati friendship namin."
- Comedienne Mosang says she lost P105,000 in a scam
- JC Tiuseco denies rumors he's courting Sarah Lahbati
- Alex Gonzaga hosts new game show with Chris Tiu
- Saab Magalona enjoys playing a villainess in new series
- Liz Uy keeps mum about rumored romance with Ely Buendia; refuses to comment on PNoy-Grace Lee hookup
-
Hobbies
Marian Rivera hopes to take culinary classes while working on My Beloved
She prefers to take a full-time school program over a quick crash course.
-
PEP Finder
Sharmaine Suarez says showbiz will always be her home
After seven years, Sharmaine is back to acting.
-
Movies
Jim Paredes excited for APO music-inspired film, I Do Bi Doo, Bi Doo
Sam Concepcion and Tippy Dos Santos are part of this musical film.
-
Events
David Archuleta to perform at Pyropalooza event
Zia Quizon, Indios, Never The Strangers, and JAMICH will join David Archuleta in serenading the crowd.
Most Popular
- Marian Rivera explains visit to taping of a TV5 show; comments on Iza Calzado's transfer to ABS-CBN
- Grace Lee on President Noynoy Aquino: "I like him."
- Kris Aquino: "Annulment is not a cause for joy. The truth is, it was a marriage that failed but it's a cause for optimism."
- Talent manager Shirley Kuan on columnist Dolly Anne Carvajal: "She can stick to her story. She has a story to tell, fine. But it's a lie."
- PEP SPECIAL REPORT PART I: Why the marriage of Kris Aquino and James Yap was declared null and void
- Mark Bautista remains friends with Piolo Pascual after being involved in the actor's breakup with KC Concepcion
- Hayden Kho, Jr. insists there is "NO infidelity issue" between him and Dra. Vicki Belo; apologizes to Nancy Castiglione
- Director Mac Alejandre talks about his four-year contract with TV5 and reveals the real reason he left GMA-7
- Part 2 Ynna Asistio to Annabelle Rama: "Bakit napakahirap na pakawalan kami kung talagang ayaw mo sa amin at ipinilit lang kami ng nanay ko sa iyo?"
- Is it over between Dra. Vicki Belo and Hayden Kho, Jr?
Advertisement

