PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nadia Montenegro on friendship with Gretchen Barretto: "Tapos na yung kabanata sa buhay namin at ayoko nang balikan."

Nadia also dismisses rumors that her youngest child was fathered by Baron Geisler.
by Melba R. Llanera
Published Apr 19, 2008
"Kung anuman ang bahong ilalabas niya, ilabas na nilang lahat kasi kulang na lang sabihin nila kriminal ako, kulang na lang sabihin nilang drug lord ako. Hindi ako takot," says Nadia Montenegro (right) about former friend Gretchen Barretto (left).

Sa kasagsagan ng away ng dating magkaibigan na sina Nadia Montenegro at Gretchen Barretto, pinagtakhan ng marami kung bakit pinili ni Nadia ang manahimik sa isyu at ipahayag lamang ang kanyang saloobin sa pamamagitan ng text messages na ipinarating niya sa showbiz talk shows.

Kung tutuusin ay mabibigat na mga paratang ang ipinukol ni Gretchen kay Nadia. Nandiyan ang bintang na siya raw ang nagpasimula at nagpakalat ng isyung hiwalay na si Gretchen sa live-in partner nitong si Tonyboy Cojuangco dahil sa relasyon ng aktres kay Dody Puno. Lumabas din ang anggulong kaya raw gumanti si Nadia kay Gretchen ay dahil hindi raw siya pinautang ito ng kulang-kulang isang daang milyon para ipantubos sa nakasangla raw na bahay ng mga Asistio.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Nadia last April 16, nagbukas ng kanyang saloobin ang dating aktres sa naging alitan nila ni Gretchen. Dito rin niya tinuldukan ang mahigit dalawang dekadang pagkakaibigan nila ni Gretchen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos na yung kabanata sa buhay namin at ayoko nang balikan," mariing sabi ni Nadia. "I will not allow anyone to hurt me again. Masyado nang pangit yung mga nangyari at hindi na dapat buksan pang uli. Ako, I live for myself, I have a million friends and hindi ako nanghihinayang sa mga nawala.

"Alam mo, the most painful part when you were in that situation, yung mga akala mo na nandun for you, wala; at yung mga di mo inaakalang nandun, biglang bumalik. May mga nawala na hindi ko pinagsisihan na nawala, na dapat lang siguro na wala na sa buhay ko. Pero may mga bumalik na ipinagpapasalamat ko na bumalik."

KEEPING HER SILENCE. Ipinaliwanag din ni Nadia ang dahilan kung bakit mas pinili niyang manahimik na lamang pagkatapos ng kanilang kumprontasyon sa Hotel Rembrandt.

Aniya, "I have my family to protect, I cannot go out on TV and lie. ‘Ika nga, kung wala kang sasabihing maganda, huwag ka na lang magsalita. So to make the story short, I kept my mouth shut. I also have a lot of other people to think of na mahal ko at kailangan ko ring protektahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nangako ako kay Claudine [Barretto, Gretchen's younger sister], nangako ako sa mga magulang niya.. And again I kept quiet ‘coz may mga taong dapat kong protektahan talaga.

"Sa pananahimik ko, I think I did the right decision. I think that was the best decision for somebody in my stature, who is a mother of eight na may pinag-aralan. Alam ko na malinis ang konsensiya ko and I'm proud of myself ‘coz I'm handling it well," pahayag ni Nadia.

Matatandaang nagbigay ng press statement si Nadia sa mga showbiz talk shows sa kasagsagan ng alitan nila ni Gretchen. Pero balitang ikinagalit daw nang husto ni Nadia ang pagkaka-edit nito at kung paano ito inilabas sa publiko.

"If you really read the statement, I wasn't asking for an apology, I was aking for dispensa dahil nasabi ko ang mga nasabi ko dala ng sobrang galit. Pero opinion ko yun, wala akong binabago, wala akong binabawi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang mga anak ko tinuturuan kong lumabas sa buhay, so di akong puwedeng lumaban sa isang bagay na babawiin ko. Yun ang point ko dun. Alam mo after all of these, marami nang taong nasaktan. Nasaktan din ako, ayokong makasakit ng ibang tao," saad niya.

GRETCHEN-DODY "AFFAIR." Si Nadia ang itinuturong nagpasimula at nagkalat ng diumano'y illicit affair nina Gretchen at Dody Puno. Ayon kay Nadia, isa pa ring malaking tanong sa kanya kung bakit siya ang nadiin sa isyung ito.

"Hanggang ngayon ‘yan ang tanong ko sa sarili ko, bakit ako?" sabi ni Nadia. "Because from the beginning naman, ang hinihingi ko lang ay pruweba at wala silang pruwebang maipakita sa akin.

"Even nga ang asawa ko [former Caloocan mayor Boy Asistio], ang hiningi niya ay proof lang na may ginawa ako at hihingi kami ng tawad. Pero hindi umabot sa point na humingi ako ng tawad dahil wala naman akong dapat na ipag-sorry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WASHING DIRTY LINEN... Sa past interview ni Gretcen ay nabanggit din ang kulang-kulang na 90 million pesos na halaga raw ng bahay nina Nadia na nakasangala sa bangko at dahil hindi raw nila kayang bayaran ito ay iilitin na raw ito. Ayon kay Gretchen, ito raw ang nakikita niyang rason kung bakit nagalit at sinaraan siya ni Nadia.

"There's a pending case and I cannot talk about it. There's a case about the house and she has nothing to do with her," ani Nadia.

"Alam ninyo," patuloy niya, "siya [Gretchen] na lang ang tanungin ninyo kasi may mga nakarating sa akin na pinag-aral daw niya ang mga anak ko. Alam mo, matagal kaming magkaibigan, we've been friends since we were in Grade Four. I'm 35 now, we're talking about 25 years. Siguro naman sa tagal na yun, marami na rin akong naitulong sa kanya at marami rin siyang naitulong sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako ang isang tao na nanggaling sa hirap, nakaranas ng sarap, naghirap, sumarap. Alam ko siguro kung sino ang pinagkakautangan ko ng loob at marunong akong tumanaw ng utang na loob. Saka ‘pag tumulong ka sa isang tao at sinumbat mo yun, di na tulong yun."

May balita rin na nagbanta diumano noon si Gretchen na kapag nagsalita si Nadia ay mas marami siyang bahong ibubulgar tungkol sa dating kaibigan. Sa isip tuloy ng iba ay ito siguro ang dahilan kung bakit pinili na lang noon ni Nadia na manahimik kaysa idepensa ang sarili.

"Wala na siyang ilalabas," sabi ni Nadia. "Alam mo si Gretchen that time, galit siya. Kung anuman ang bahong ilalabas niya, ilabas na nilang lahat kasi kulang na lang sabihin nila kriminal ako, kulang na lang sabihin nilang drug lord ako. Hindi ako takot. Kung may isa mang bagay na natutuhan ako, matatag ang pamilya ko. Anything na nangyari dun sa kumprontasyon, ang katabi ko asawa ko, nakahawak sa akin, hindi ko hahayaan na wala siya sa tabi ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BARON'S CHILD? Isa rin sa isyung lumabas nung kasagsagan ng away nina Nadia at Gretchen ay kung sino raw ang tunay na ama ng bunsong anak ni Nadia. Lumitaw ang pangalan ni Baron Geisler na ama raw ng bata dahil bukod sa hindi raw kamukha ng bata si Boy Asistio ay iba raw ang kulay ng mga mata nito, na iisipin mong may dugong banyaga ang ama.

"Actually, ang dami-dami," sabi ni Nadia. "Hindi lang ‘yan ang pangalang nabanggit. Alam mo sa totoo lang, nahihiya ako, di ako 36-24-36 [vital statistics], nakakahiya.

"Si Baron, nung nasunugan sila ng dalawang beses, nung namatay ang dadddy niya, they were shooting Recuerdo de Amor sa house namin. Naging close kami ni Baron, naging boyfriend siya ni Matet [de Leon], who happens to be Lotlot's sister. Alam ninyo naman sa atin, when you see a man and a woman drinking in a bar, iisipin kayo na, tapos ang isyu pa may anak kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ninyo, kunan ninyo lahat ng pictures ang anak ko, walang magkakamukha. So it also means din ba na walo ang tatay nila?" tanong niya.

Sa huli, sinabi ni Nadia na sa kabila ng mga isyung ito ay hindi naapektuhan ang pagkakaibigan nila ni Baron, lalo't alam naman niya na wala talaga siyang ginawang masama.

"Why would I end my friendship with people who loves me, with people who makes difference in my life? Sabi ko, ang pinakamasarap na gawin ay yung maglakad ka na nakataas ang noo mo. Kahit na tanungin ninyo ang asawa ko, we're happy, we are complete, and I am contented woman, mother, and friend," pagtatapos ni Nadia.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kung anuman ang bahong ilalabas niya, ilabas na nilang lahat kasi kulang na lang sabihin nila kriminal ako, kulang na lang sabihin nilang drug lord ako. Hindi ako takot," says Nadia Montenegro (right) about former friend Gretchen Barretto (left).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results