Regine Velasquez leads the all-star cast of My Name is Kim Sam Soon.

Photo: Noel Orsal

The local version of the Koreanovela My Name Is Kim Sam Soon is about to start.

Nag-story conference na ng alas-tres ng hapon ngayong Linggo, April 20, para sa pagbabalik sa primetime soap ni Regine Velasquez sa 17th floor ng GMA Network Center. Ang Kim Sam Soon ang ipapalit sa Joaquin Bordado ni Robin Padilla kapag nagtapos ito this July.

As earlier announced, Asia's Songbird will portray the title role of a woman who falls in love with a younger guy. Sina Mark Anthony Fernandez at Wendell Ramos ang magiging partner niya at na-announce na rin ang pagganap ng dalawa pang artista as major characters, sina Nadine Samonte at Hayden Kho.

Sa story conference, ipinakilala na rin ang iba pang magsisiganap na artista:  Ms. Tessie Tomas, Carmi Martin, the pair of Jennica Garcia and Mart Escudero, Pauleen Luna, Marky Lopez, Arthur Solinap, Sheena Halili, Maureen Larrazabal, Kevin Santos, at John ‘Sweet' Lapus.

Sina Dominic Zapata at Khryss Adalia ang magdidirek at si Denoy Navarro ang head writer.

Sa May 1 and 2 ang first two taping days ng My Name Is Kim Sam Soon at sa Baguio ito kukunan.