Nagbigay ng kanyang mensahe si ex-president Cory Aquino na ipinalabas sa The Buzz kahapon, April 20, halos isang buwan pagkatapos i-announce ng kanyang mga anak na sina Kris Aquino at Senator Noynoy Aquino ang pagkakaroon niya ng colon cancer.
Naganap ang paghahatid ng pasasalamat ni Cory Aquino sa lahat ng nanalangin para sa kanyang mabilis na paggaling sa coverage ng The Buzz sa first birthday celebration ng kanyang apo na si Baby James, ang anak nina Kris at James Yap, last April 19.
"Well, I'd like to take this opportunity to thank everybody who's been praying for me. I'm very, very overwhelmed," bungad niya sa The Buzz host na si Boy Abunda.
"I never knew so many people cared. So, continue to pray for others who are also in the similar situation. I really am fortunate. I have no pain. I just get tired easily. So, I guess whatever the Lord wants, I'm prepared to accept it."
Sabi naman ni Kris na katabi ni Cory, "Di ba, Mom, nakaka-touch talaga? Everybody keeps praying. And I think that's what has kept all of us strong. And all the cards from people I know and I don't know, it's really amazing. I really cannot ask for more."
Masaya naman ang pamilyang Aquino dahil, at least, Cory was strong enough to make it to Baby James's birthday. Nagpasalamat din si Kris sa lahat ng nagmamahal sa kanyang ina.
"I think, on behalf of everybody din, sa family, di ba, I'll take the opportunity to say thank you! Touched na touched po everybody talaga kasi sa pagmamahal na ipinapakita sa ‘yo," sabi ni Kris sa kanyang ina.
Dagdag niya, "Yung mom ko talaga kasi feeling namin sa family, lumalakas siya talaga and nagre-respond well sa chemotherapy dahil sa lahat ng taong nagdadasal para sa kanya. I think what my mom is going through is difficult, pero dahil nararamdaman niya na ang daming people who love her, who care about her, nakakatulong naman talaga yun."
Mas lalo raw tumibay ang pagmamahalan sa kanilang pamilya dahil sa kalagayan ng kanilang ina.
"I think kaming mga anak niya, gusto lang namin talaga to make her as comfortable as possible and to ease the suffering. Gusto lang namin sabihin sa mom namin na we love her very much. Super-prinay ko lang talaga na she'll make it to this birthday," pahayag ni Kris.
Kasunod nito ang pagkanta ng birthday song ni Cory sa kanyang apo.
"To Baby James, I hope you will be a good, good boy and a better basketball player than your dad," mensahe niya sa apo.
Dasal naman ngayon ni Kris na sana ay mai-celebrate pa nila ang Mother's Day next month.
"After Mother's Day, birthday naman ni Josh [anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador]. Kasi ngayon, kung ano man ang extension na ibigay ni God sa life niya, super-thankful kami," ani Kris.
Sa huli, muling nagpasalamat si Cory Aquino sa ating mga kababayan.
"Thank you very much, mga mahal kong kababayan," kasunod ang pagyakap sa kanya ni Baby James.