"He doesn't even ask. My BF is too busy for that. At saka si Binoe, ganoon lang talaga. Makulit, malambing. Very nice. Kaya hindi ko dapat ma-misinterpret yun dahil magkapareha kasi kami," says Iza Calzado when asked about a rumored issue between her boyfriend Gerry Garcia and her Joaquin Bordado leading man Robin Padilla.

Photo: Noel B. Orsal

May lumabas na chika na parang gusto raw kausapin ni Gerry Garcia, ang boyfriend ni Iza Calzado, si Robin Padilla pagkatapos ng mga lumabas na chikang tila pumoporma si Binoe sa aktres na kapareha nito sa Joaquin Bordado.

Nagulat si Iza nang ungkatin ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) nang makorner namin siya sa dressing room for S.O.P. kahapon.

"Sa kung anong dahilan daw?" naibalik na tanong ni Iza. "Kung anuman ang dahilan, kung gusto lang sigurong makilala ng boyfriend ko si Binoe, sana, noon pa niya ginawa yung kinausap niya ang leading man ko, 'di ba? Madali lang naman yun.

"At kung kakausapin man ni Gerry si Binoe, baka dahil humahanga lang siya. Yun ngang mga cousin ni Gerry, kinukulit ako na ipakilala raw sana sila kay Binoe dahil idol nila yung tao. Palagay ko, parang ganoon lang ang dating.

"Wala namang dapat maging isyu roon. I don't think na magseselos ang BF ko kay Binoe dahil walang dahilan para magkaganoon," paliwanag ni Iza.

Never daw na naungkat man lang sa usapan nila ng BF niya ang tungkol kay Binoe.

"Naiintindihan ng BF ko ang situwasyon ko. Kung may mga lumalabas man na kung anu-ano tungkol sa amin ni Binoe, hindi niya basta paniniwalaan yun, unless ako na ang magsasabi sa kanya.

"He doesn't even ask. My BF is too busy for that. At saka si Binoe, ganoon lang talaga. Makulit, malambing. Very nice. Kaya hindi ko dapat ma-misinterpret yun dahil magkapareha kasi kami," sabi na lang ni Iza.

FAMILY FIRST. Matino ang love life ni Iza, at very supportive ang BF niya sa career niya. By June or July, kapag natapos daw ang teleseryeng Joaquin Bordado, kung nasa bansa si Gerry, isasama niya ito sa balak niyang mahaba-habang bakasyon sa U.S. at Canada.

"Mahirap nga lang magplano, alam mo naman sa showbiz," sabi ni Iza. "Normally, pagkatapos ng isang teleserye, pinagpapahinga ako for a month or two. Hindi ko lang alam baka may movie offer na sumingit, o ibang project.

"Pero, gusto ko talagang um-attend ng kasal ng isa kong pinsan sa Canada. Both sa mother and father side, marami kaming kamag-anakan sa Canada at matagal na nila akong ini-invite na magpunta roon.

"Before anything else, mahalaga ang family para sa akin, e. Puro ako trabaho for the past years, it's about time na maglaan naman kasi ako ng oras para sa kanila.

"If my boyfriend is here in Manila by that time, siya naman ang isasama ko to travel. Baka nga manood pa kami ng laban ni Manny Pacquiao sa Las Vegas, which by that time, baka nga naka-schedule na.

"'Yan ay mga balak pa lang naman," naibalita pa ni Iza sa amin.

COMING SOON IN JOAQUIN BORDADO. Habang nalalapit na rin ang ending ng Joaquin Bordado, nagiging kapana-panabik pa rin ang mga puwedeng mangyari sa tele-fantasyang ito.