Obvious sa back-to-back birthday celebration nina Angel Locsin at Luis Manzano sa ASAP ‘08 last Sunday, April 20, na may relasyong namamagitan sa kanila. Pero kamakailan ay may nakakita diumano kay Luis sa isang restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN na kasama si KC Concepcion.
Ayon pa sa balita, sweet na sweet daw ang dalawa at magka-akbay pa habang palabas ng restaurant. Nalito tuloy ang mga nakakita kina Luis at KC dahil nali-link din si Luis kay Angel. Lumabas tuloy na pinagsasabay daw ni Luis sina KC at Angel.
Paliwanag ni Luis sa The Buzz last Sunday, April 20, "She [KC] was having dinner with someone. Dumaan ako to say hi. 'Tapos hinatid ko siya sa labas. Nung time na yun, medyo makitid yung daan, so I was making sure na okey yung lakad niya. Hindi naman ako nakasakal sa kanya. I walked her to her car. Of course, being a man, ‘pag alam mong tatawid yung babae, you carry her stuff."
Kinunan din ng The Buzz ng reaksiyon si Angel sa nabalitang dinner at pag-aakbayan nina Luis at KC.
"Wala," sagot ni Angel. "Dapat ba akong mag-react doon, di ba? Ano ba ‘yon? Magkaibigan talaga sila. Kung anuman yung sa amin, personal yun. Balato n'yo na lang sa amin."
Dahil dito, parang inamin na rin ni Angel na may namamagitan nga sa kanila ni Luis.
Hindi naman makunan ng pahayag si Luis dahil kasalukuyang nasa loob siya ng Pinoy Big Brother house kasama ang teen housemates. Pero sa huling VTR ng The Buzz kay Luis, ibinahagi niya ang damdamin ni Angel sa isyu sa kanila ni KC.
"Never ko na-feel yung selos or insecurity on her part. Never! And I highly doubt na she would ever feel that way. She's very secure sa kung anuman ang namamagitan sa amin," pahayag ni Luis.
Kasunod nito ay nagpadala ng text message si KC sa kaibigan niya at host ng The Buzz na si Ruffa Gutierrez giving her side of the story. Napanood kasi ni KC ang naturang segment kaya nagbigay agad siya ng kanyang reaksiyon.
"Sabi ni KC, they're friends and they're like brother and sister. They've known each other since they were babies," sabi ni Ruffa tungkol sa text message sa kanya ni KC.
