Ang primetime hunk actor ng Kapuso network na si Dingdong Dantes ang gaganap bilang Fredo sa pinakabagong telefantasyang Dyesebel, na gagampanan naman ni Marian Rivera. Second team-up nila ito after the phenomenal success of Marimar, kaya siguradong may pressure para mahigitan nila ang natamong tagumpay.
Ayon kay Dingdong, "Ang maging malapit lang sa naabot ng Marimar ay malaking karangalan na sa amin, e. Actually, mahirap talagang mag-expect na mahihigitan namin ang nakuhang mataas na ratings nun dahil phenomenal naman talaga ang Marimar. Ibang klase 'yon. But with Dyesebel, I assure the televiewers na worth watching ito talaga. Ang ganda ng story at mae-explore pa nila ang kagandahan ng dagat ng Palawan.
NO PRESSURE OR OVEREXPOSURE. "Wala akong nararamdamang pressure na kailangan naming pantayan ang narating nung Marimar, mahirap kasi ang ganun dahil parang may nagpupuwersa sa aming dapat ganito, dapat ganyan. Pangit magtrabaho kasi 'pag ganun. Mas okey yung relaxed at confident naman ako about this project.
"Malaki ang potensyal ng Dyesebel and with the big support na ibinibigay sa amin ng GMA, I don't think we will go wrong. We're enjoying sa set at hangad talaga naming mapaganda ang telefantasyang ito," pahayag ng young actor nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) during the press launch ng Dyesebel last April 21 sa Sofitel Hotel, Roxas Boulevard.
Umaasa rin si Dingdong na tatangkilikin at lalo silang mamahalin ng mga tagahanga nila ni Marian, this time bilang Fredo at Dyesebel.
"Sana po ganun pa rin ang pagsuporta ng mga fans sa amin," saad niya. "Honestly, ibang klase ang naramdaman naming pagmamahal nila sa amin bilang Sergio at Marimar. I'm also thankful to GMA dahil binigyan nila ulit ako ng pagkakataong makatrabaho si Marian. Ang sarap ng pakiramdam sa tiwalang ipinagkakaloob nila sa amin. I just hope I could live up to their expectations at hindi ko sila mabibigo."
Hindi rin daw naiisip ni Dingdong na posibleng ma-overexpose sila ni Marian at madaling pagsawaan ng tao dahil magkasunod na magkasunod ang proyektong kanilang pinagtatambalan.
"I don't believe in overexposure, actually. Strike while the iron is hot, ‘ika nga. Kumbaga, nandun kasi ang clamor ng tao sa amin ni Marian, maybe because of Marimar nga. Feeling ko, nabitin namin sila doon kaya magandang follow-up talaga itong Dyesebel for us. This time, ibang side ng personality naman namin ang makikita nila. Mas light ito at pambata. They would surely enjoy watching us," pahayag ng guwapong binata.
PROTECTING MARIAN. Since mermaid nga dito si Marian, pa'no naman niya pinuproteksyunan ang dalaga sa set, especially kapag naka-topless na ang kapareha?
"Siyempre, ‘pag may mga times na naka-standby ako kunwari, before or after the take, siyempre ako ang pinakamalapit sa kanya, ako ang tumatakip sa kanya sa lahat ng anggulo. Saka alagang-alaga si Marian sa set. We make it a point na protected talaga siya from any harm. Hinding-hindi namin siya pababayaan," lahad ni Dingdong.
Sa tingin ba niya mas nakakakilig ang tambalan nila as Fredo at Dyesebel kumpara kina Sergio at Marimar?
"Sa tingin ko, mas kikiligin sila sa tambalan namin dito sa Dyesebel," sagot niya. Mas playful yung mga characters namin dito. Sa umpisa pa lang, kumbaga, very light yung mood, yung setting. So ito yung isang side namin as Marian and Dingdong na hindi pa nila nakikita sa Marimar."
FRUITS OF HIS LABOR. After all these years, nagbunga na rin ang kanyang pagsisikap, isa na siya sa hot properties ng Kapuso network.
"Kasi naniniwala ako sa patience, e, patience and waiting for the right project. Sa akin naman, kahit gaano ka katanda, kahit ano mangyari sa 'yo in the past, kung baguhan ka man but given the right project, many things can happen. Maraming puwedeng mangyari, and sa akin, yung paghihintay, yung mga nangyari, lahat yun learning experience yun, e. Kumbaga sa ipinundar na taon, na experience, kumpara sa mga baguhan, marami akong naipundar kahit papaano. Also, nagkataon ding dumating yung magagandang opportunity sa akin ngayon.
"Ang mahirap sa part ko ngayon, yung kailangan kong i-sustain ang lahat ng ito. Naniniwala akong hindi naman kami forever na nasa itaas. I mean, nasa tao talaga paano pangangalagaan ang kanyang career. Dapat talagang matutong mahalin ang propesyong ito," pahayag niya.
Hiningan din namin si Dingdong ng reaction tungkol sa mahigpit na competition nila ngayon ni Richard Gutierrez.
"I really don't want to comment on that," pag-iwas niya. "Wala naman kasing friction sa amin ni Richard. Never ding nagkaroon ng competition between us. Inaalagaan naman kami pare-pareho ng GMA kaya nothing to worry."