Hindi pala totoo ang napabalita noon na nagkaro'n ng relasyon sina Isabel Blaesi at Mikee Lee at pagkatapos ay naghiwalay sila.
Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Isabel kahapon, April 24, itinanggi niyang naging boyfriend niya ang binatang Atenista. Nilinaw niya ang lahat habang masayang nakikihalubilo sa press people at iba pang April birthday celebrators sa birthday presson na ibinigay sa kanila ng ABS-CBN Star Magic.
BUSY MIKEE. Sabi ni Isabel, "Totoo pong nanligaw sa akin si Mikee, pero hindi ko po siya naging boyfriend. Sabi ko po sa kanya, let's be friends na lang."
So binasted niya si Mikee?
"Hindi naman po basted na ayoko. Basta parang gusto ko pong maging magkaibigan na lang kami," sagot ni Isabel.
Bakit hanggang friends lang ang gusto niyang maging relasyon nila ni Mikee, hindi ba niya ito type na maging boyfriend?
"Hindi naman po sa ganoon. Basta...‘pag may na-feel ako sa ‘yo."
Wala ba siyang na-feel kay Mikee?
"Meron po, kaya lang parang eventually nawala. Nawala yung spark."
May nakita ba siyang hindi maganda kay Mikee kaya nawala ang feelings niya rito?
"Hindi, e. Nawalan na lang talaga kami ng ano, e. Parang nawalan ng gana pareho."
Sa ngayon ay wala nang communication sina Isabel at Mikee. "Matagal ko na po siyang hindi nakakausap simula nung matapos yung show naming Abt Ur Luv.
"Ang pagkakaalam ko po, busy siya sa school, sobra. Alam ko po ngayon focused siya talaga sa school. Alam ko nga po natanggap siya sa Georgetown [University, in Washington DC, U.S.A.]."
STUDYING KIKO. May mga nanliligaw ba sa kanya ngayon?
"Karamihan po non-showbiz. Pero may isa pong taga-Siyete, yung sa StarStruck, si Kiko Junio."
May maasahan ba naman sa kanya si Kiko?
"Okey lang, pinag-aaralan ko pa muna siya."
NO TO DINO. Sa ngayon ay regular na napapanood si Isabel sa seryeng Prinsesa ng Banyera na pinagbibidahan ni Kristine Hermosa. Kapareha niya rito si Dino Imperial.
Paano kung na-develop sa kanya si Dino at ligawan siya nito?
"Ayoko sa kanya, ayoko talaga," tigas sa tangging sagot ng dalaga.
Bakit ayaw niya kay Dino, e, guwapo naman ito?
"Ang liga-ligalig kasi niya at ang kulit-kulit. Diyos ko!"
May mga nagsasabi na hawig sila ni Dino.
"Oo nga po marami nga ang nagsasabi," agree niya sa amin.
So possible kayang maging sila, since kasabihan na ‘pag magkamukha ay nagkakatuluyan?
"Ngiii!" nakasimangot na sagot ni Isabel sa amin.
