PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aga Muhlach raring to go back to wakeboarding after being sidelined for muscle injury

The eager sportsman Aga is getting ready to go back to the wake parks to ride the water and jump the ramps.
by Rommel R. Llanes
Published Apr 25, 2008
"Wakeboarding is a fun sport, but don't take it lightly because it's also a dangerous sport. Ako nga, ang dami kong injuries sa likod," reveals Aga Muhlach about the latest watersport he is into.

Naging issue ang pagkaka-delay ng production ng When Love Begins allegedly dahil kay Aga Muhlach.

Kinailangan daw kasing mag-workout nang husto muna ni Aga para makipagsabayan sa co-stars niyang naggagandahan ang mga katawan na bibilad sa Boracay beach. During the second presscon of When Love Begins noong April 23, Wednesday, na ginanap sa 14th floor lounge ng ELJ Bldg, ABS-CBN Compound, humingi ng paumanhin si Aga sa kanyang co-stars for the delay but did not specify kung ano nga ang dahilan ng pagkaka-delay niya ng pagsu-shoot.

Para naman sa co-stars at press people na naroon, hindi na rin naman mahalaga kung ano nga ang dahilan ng pagde-delay ni Aga ng shooting. Ang mahalaga ay nag-sorry na siya, and hey, it's Aga Muhlach! Sabi nga ng isang showbiz reporter na naroon, "You don't get to hear too many stars with a stature like Aga saying sorry, and to a big group of people pa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For Aga, ayaw niya rin kasing ma-disappoint ang mga manonood, especially his fans, kung makikita nila ang isang out-of-shape na Aga Muhlach. May dahilan din naman kasi ang pag-lay low muna ni Aga sa mabibigat na gawain.

"I had a torn muscle on my back. That's why I have to rest and lay-off muna sa wakeboarding for six months," rebelasyon ni Aga sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the interview.

Sa mga bago sa terminong wakeboarding, ito ay kinokosiderang isang extreme sport. Hinihila ng isang kableng nakakabit sa isang lantsa o motorboat ang "rider" or wakeboarder habang nakasakay sa isang especially designed board.

Kinakailangang ma-maintain ng rider ang kanyang balance habang nag-e-execute ng stunts, lalo na ‘pag sumasampa sa mga rampang nagsisilbing obstacles.

May mga "wake parks" na ring matatagpuan na imbes na motorboats ay hanging cables na ang humihila sa riders. Mas matipid daw ito dahil walang masyadong konsumong gasolina para sa lantsa at mas safe dahil walang puwedeng magkabanggaang motorboats kung may higit pa sa isang wakeboarder ang nasa wake park.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

THE WAKEBOARDING FREAK. Sa Pinas, unti-unti na ring pumi-pickup ang extreme sport na ito, lalo na't isang Aga Muhlach pa ang tila tumatayong ambassador ng sport na ito. He loved this sport so much, that he held his own Muhlach Cup Invitational Wakeboarding Championships na ginanap sa Batangas, October last year.

"After my movie, I will go back to wakeboarding," paniniyak ni Aga sa PEP. Miss na raw kasi ni Aga ang thrill at adrenaline rush na dulot ng wakeboarding. Naka-line up na nga ang mga lugar na kung saan magwe-wakeboarding si Aga.

"Iba-iba, Lago [de Oro, Batangas], Camsur [Camarines Sur], Tagaytay, Taal Lake. Kasi nagbe-behind the boat din ako. May lugar kami doon sa Taal, doon ako nagwe-wakeboard."

Tinanong na rin ng PEP kung kailan ang next Muhlach Invitational.

"I think I might do it October again." Open daw sa lahat ang kanyang wakeboarding competition, especially beginners and fellow celebrities who are either curious o naging fans na rin ng sport na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I'll try to invite celebrities. Pero alam mo naman, mahirap kasing mag-invite ng celebrities kasi some of them are also busy. Basta whoever wants to join is free to join. I mean, we also have international riders, from all over Asia, some from Singapore. Marami. Both beginners and professional riders are welcome."

But with all the stories Aga is hearing about certain celebrities who have developed a love for extreme sports like wakeboarding, may warning pa rin si Aga.

"Wakeboarding is a fun sport, but don't take it lightly because it's also a dangerous sport. Ako nga, ang dami kong injuries sa likod." At binanggit niya nga ang latest niyang injury na nakapag-sideline muna sa kanya from wakeboarding for six months.

THE FAMILY MAN. Malayo naman sa topic na wakeboarding ay itinanong din kay Aga kung bakit tila lumalabas na one movie per year lang ang ginagawa niya.

"Well, yeah. Parang you can also prepare, saka yung excitement mo, ‘andun," sagot agad ng mahusay na aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Plus kino-consider niya rin kasi ang oras niya sa para sa kanyang pamilya.

"I want to spend time with my family also. I don't want to miss out those months and years with my kids and my wife. I mean, mahal ko ang trabaho ko, pero mas mahal ko ang pamilya ko."

Read Next
Read More Stories About
Aga Muhlach
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Wakeboarding is a fun sport, but don't take it lightly because it's also a dangerous sport. Ako nga, ang dami kong injuries sa likod," reveals Aga Muhlach about the latest watersport he is into.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results