PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rhian Ramos excited to be included in "Asero"

Rhian had no idea she would be working again with Richard Gutierrez and Director Mark Reyes.
by Nitz Miralles
Published Apr 26, 2008
"Matutuwa ang Rhiannatics na magkasama uli kami ni Richard. Magkasama lang kami at wala siyang sinabing ganyan. Kaya pala, may hint-hint siya sa akin, ang lakas mang-asar noon," relates Rhian Ramos. She will be one of Richard Gutierrez's leading lady, along with new Kapuso Heart Evangelista, in Asero.

Pumalakpak nang sunud-sunod at may kasama pang sigaw ni Rhian Ramos, nang ibalita ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasama siya sa Asero, ang next series ni Richard Gutierrez sa GMA-7.

Ang actor mismo ang nagbanggit ng pangalan ng young actress nang mag-renew siya ng two-year contract sa Kapuso Network.

"I am? Really? Wow! What's my role? Wala akong alam tungkol sa project na ‘yan. Astig! Sino'ng nag-announce?" sunud-sunod nitong tanong sa PEP na hindi alam kung ano'ng uunahing sagutin.

Napangiti si Rhian nang ipaalaala ng PEP na just two weeks ago, sa interview sa kanya sa press visit sa shooting ng My Monster Mom, nabanggit niyang isa siya sa GMA Artist talents na walang regular show ngayon at mabuti na lang, may dalawa siyang pelikula. Ngayon, magkakaroon na uli siya ng regular show at natupad pa ang wish niyang muling makasama si Richard.

Okey sa kanya na isa siya sa makakapareha ng actor and she's also looking forward working with Heart Evangelista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matutuwa ang Rhiannatics na magkasama uli kami ni Richard. Magkasama lang kami at wala siyang sinabing ganyan. Kaya pala, may hint-hint siya sa akin, ang lakas mang-asar noon. Happy rin ako to be working with Direk Mark [Reyes] again. Yehey!" parang batang reaction nito sa magandang balita.

PARTY WITH THE CREW. Of course, excited din si Rhian na mapanood na ang I.T.A.L.Y., at sa pictorial ng movie sa studio ni Rene Mejia last Friday afternoon siya nakausap ng PEP.

Bagay na bagay sa kanya ang role ng spoiled rich girl sa kanyang ayos sa pictorial. Para siyang model, habang pabalik-balik na naglalakad.

"I'm very, very happy with this movie. I don't know why. Ang saya namin sa shooting at totoo ang sabi nina Ate Jolens [Jolina Magdangal] na we had a great time at grabe ang bonding namin. Nalungkot nga kami when we finished shooting, kaya sa last day namin, may party kami with the Pinoy crew."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ni-request namin sa captain of the ship na papuntahin sila sa party. Marami sa kanila ang hindi magkakakilala and to think, eight months silang magkakasama sa ship. Kinuha namin ang contact numbers nila para pagbalik nila ng Pilipinas, kami naman ang mag-aalaga sa kanila, dahil sa ship, inalagaan nila kami," mahabang pahayag ni Rhian.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Matutuwa ang Rhiannatics na magkasama uli kami ni Richard. Magkasama lang kami at wala siyang sinabing ganyan. Kaya pala, may hint-hint siya sa akin, ang lakas mang-asar noon," relates Rhian Ramos. She will be one of Richard Gutierrez's leading lady, along with new Kapuso Heart Evangelista, in Asero.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results