Kahit matagal-tagal na ring wala sa Pilipinas at sa showbiz si Sandara Park, masasabing updated pa rin siya at never na nawalan ng contact, lalo na sa mga kaibigan niya sa showbiz. Hindi rin naman maikakaila na at one point ay sumikat din nang husto si Sandara after niyang maging runner-up kay Hero Angeles sa kauna-unahang Star Circle Quest ng ABS-CBN.
Malaking tulong ang Internet at iba't ibang online account na nagagamit ni Sandara para magkaroon siya ng regular communication sa mga naging kaibigan niya when she was still active sa kanyang showbiz career dito sa Pilipinas. Sa pamamagitan nito kaya nakausap at nakumusta ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sandara.
Kuwento niya, naging busy raw siya last weekend. Patuloy pa rin siyang nagta-try ng luck sa iba't ibang auditions at casting calls sa Korea.
"Okay naman ako dito sa Korea, happy naman ako dahil uma-attend ako ng mga auditions and mga casting call. Hindi pa rin ako naggi-give up. Kumbaga, I've gotten this far na so there's no turning back na. Nawalan man ako ng career diyan, hindi ako sumusuko," pahayag ni Sandara.
Nilinaw rin ni Sandara ang tungkol sa isang project na ginawa niya sa Korea, kung saan nakasama siya sa isang MTV.
"Hindi po ako part ng band. Ako lang po ang leading lady ni T.O.P., who is part of the band Big Bang sa isang music video ni Gummy. Si Gummy po ay isang singer pero hindi po siya part ng Big Bang na band. Bale po, sa video ni Gummy, kinuha po nila ako as the female lead, tapos si T.O.P. po of Big Bang band as my male lead naman," paliwanag niya.
Naitanong namin kay Sandara kung wala ba siyang planong bumalik ng Pilipinas or kahit bumisita man lang.
"As of now, wala pa po akong plan to come back to Manila," sagot niya. "Nami-miss ko din po lahat diyan. I left with a heavy heart, but I'm okay now. I'm surviving, I'm happy, and I am determined to become successful here [Korea].
"Malay natin, ang Koreanovela ko na ang patok na patok diyan sa Philippines, o, di ba? Mamahalin ulit ako ng mga Filipino fans ko. Wala naman po kasing nangyari after ng Crazy For You. Akala ko mase-save nun at ng Super Noypi ang career ko, pero okay lang naman sa akin," very honest na pahayag ni Sandara, na minsang nakilala sa taguring "Pambansang Krung-Krung ng Pilipinas."
What if mag-offer sa kanya ang GMA-7, will she consider na magbalik-showbiz? Pumasok ang ideyang ito dahil ang kanyang dating ka-love team na si Hero Angeles ay isa nang Kapuso ngayon at nagsisimulang maging visible muli sa telebisyon dahil sa Dyesebel.
Ayon kay Sandara, "Sana nga dati pa nag-offer ang Kapuso. I did guestings in GMA before, but it was just for promotion of Super Noypi. I thought they will offer me something."
Pero updated daw siya at alam niyang ang dating kasamahan sa ABS-CBN at kaibigang si Heart Evengelista ay isa na ring Kapuso.
"I'm so happy because Heart told me that she already signed up with the Kapuso channel. I can't wait for her to become active on TV again. I read some of her articles on PEP. I'm so happy for her," saad ni Sandara.
Nang tanungin naman namin kung ano ang reaction niya sa pagiging Kapuso ng dating ka-love team na si Hero, ito ang naging sagot niya: "I have nothing much to say about Hero. Basta good luck na lang sa kanya ngayong Kapuso na din siya. For the most part, I am happy for Heart because she's my good friend."
