In-announce ni Angel Locsin sa kanyang birthday presscon na ginawa sa 9501 Restaurant ng ELJ Bldg., ng ABS-CBN, na tuloy na ang pelikula nila ni Piolo Pascual sa Star Cinema.
"Before the year ends" ang narinig ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na shooting ng pelikula na wala pang title.
Nabanggit din ni Angel na nakaka-challenge ang movie at acting talaga ang kailangan. Mabigat daw ang story nito at si Rory Quintos ang director. Ipinaalam din nitong nag-o-occular inspection na para sa ibang location, pero magsu-shoot sila for two weeks sa isang probinsya at two weeks sa ibang bansa at hindi na binanggit kung saan.
Sa ibang source nalaman ng PEP na sa bansang Israel tina-target ng Star Cinema na kunan ang ibang eksena ng Angel-Piolo movie, at kung matutuloy ito at kundi kami nagkakamali, ang pelikula ng dalawa ang first movie na kukunan sa Holy Land.
REGAL REACTION. Timing naman na pagkatapos ng birthday presscon ni Angel, nakita ng PEP ang mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo. Naalaala ng PEP na may isyu kay Angel at sa Regal Entertainment at kaya hindi siya makagawa ng pelikula sa Star Cinema, dahil may existing contract pa siya sa Regal.
Kaya, pinag-react ng PEP sina Mother Lily at Roselle sa napipintong paggawa ng pelikula ni Angel sa Star Cinema with Piolo Pascual.
Disappointing for a reporter ang "good" na sagot ni Mother Lily at hindi na talaga nag-elaborate. Kahit may mga follow-up questions pa sa kanya, gaya ng, may gagawin ba siyang hakbang ‘pag natuloy na ang pelikula?
Mas may anghang ang sagot ni Roselle, kahit maiksi lang at hindi na rin nag-elaborate. Sabi nito: "Gawin na muna nila at tingnan natin. You have to commit the crime first, before you can do anything. Gawin na lang muna nila, bago ang reaction."
Hindi na dinugtungan ni Roselle ang pahayag. Feeling nito, nasabi na niya ang gusto niyang iparating sa kinauukulan. Ano nga kaya ang mangyayari ‘pag itinuloy ng Star Cinema ang Angel-Piolo movie?
Magandang abangan ito!