PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ryan Agoncillo sets his sights on hosting "Fear Factor"

Ryan looks at the bright side for not being chosen as PDA host.
by Nitz Miralles
Published Apr 28, 2008
"Nabalitaan kong Fear Factor is coming, I'd take the shot and take the chance to host it," announces Ryan Agoncillo. Ryan is also set to do the series Pieta and a sitcom with girlfriend Judy Ann Santos for ABS-CBN.

Naimbita ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Regal Entertainment. Bagong kontrata ito at nakasaad na bukod sa pelikulang pagtatambalan nilang dalawa, may project din ang actress with different leading men at ganun din si Ryan.

SCRATCHED FROM PDA WITHOUT WARNING. Nagkaroon ng chance ang PEP na makausap si Ryan, dahil umalis sandali si Judy Ann para mag-guest sa The Buzz. Ang pagkaka-out niya bilang host ng Pinoy Dream Academy (PDA) ang agad naming itinanong. Pinag-react namin siya sa balitang ang Endemol—owner ng show—mismo ang pumili kay Billy Crawford na mag-host nito. Ano ang masasabi niya?

"Paano ba sasagutin ang isyung ‘yan, kung Endemol talaga ang pumili, okey lang, kanya-kanyang choice ‘yan. Hindi tamang mag-comment ako. Pero if I remember right, I met with Tita Cory [Vidanes, ABS-CBN Head for TV Productions] late last year at sinabi niyang gagawin ko ang PDA at nasa calendar pa ‘yan, posted by ABS. Dapat, start ng PDA ay January and immediately, isusunod ko ang [series na] Pieta, gusto nila, start kami agad ng Pieta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Inisip ko naman, three months lang ang PDA at puwede kong gawin ang Pieta, pero naiba ang istorya. Pagbalik ko from the States, akala ko start na ang PDA and even Direk Joey [Reyes] called me if I signed up already. Sabi ko, inaayos pa ang calendar, kaso naurong sa June ang PDA at dun na nagkaproblema."

"Ang hirap ng schedule ng PDA. Seven days, andeveryday you are on call, physically taxing at imposibleng magawa nang maganda kung may gagawin kang iba. Ayokong mahati ang atensyon ko sa dalawa. We asked kung puwedeng weekend host na lang ako para hindi masira ang three times a week taping ng Pieta.

"Naghintay kami, hanggang nalaman ko na lang at nabasang hindi na nga ako ang host ng PDA. That's weird. The whole time, kausap kami at wala silang binabanggit sa amin na hindi na ako ang host.

"I'm being patient with it. ‘Di panahon makipag-away, ang dami ng trabahong dapat asikasuhin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ganito lang yun, kung natuloy ang PDA ng January, ‘di ako makakasama sa Cuyo [for Juday's Ploning] at kung ako ng host nito at eere sa June, May kami aalis ni Juday for Europe."

GETTING READY FOR FEAR FACTOR. Ano ang kapalit sa pagkawala niya sa PDA?

"Nabalitaan kong Fear Factor is coming, I'd take the shot and take the chance to host it. Siguro, ito na ang hosting job na hinihintay ko and even better, dahil hindi ko kalaban ang Pinoy Idol. I have my eyes set in hosting Fear Factor, kaya ko siyang gawin at kumpiyansa akong magagawa ko nang tama."

Natatawa si Ryan, dahil ang mga kaibigan ang concerned na hindi na siya ang host ng PDA at marami ang nagsasabing dapat siya ang host nito. Ang lagi lang niyang sagot ay "let's not bicker" at ito rin ang sagot niya sa mga nagtatanong kung bakit five months na siyang walang regular show sa ABS-CBN. Maghihintay daw siya, but up to when? Hindi niya sinagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilang months na lang siguro ang ipaghihintay ni Ryan at ng kanyang fans para muli siyang mapanood sa Channel 2, dahil bukas, presentation ng sitcom na gagawin nila ni Judy Ann at may Pieta rin siya.


"Hindi ako bitter na for five months, wala akong show. Marunong ang Diyos, binigyan niya ako ng time na makasama sa Cuyo Island, Palawan, at para magawa ang coffee table book na matagal ko nang gustong gawin."

FOR THE FANS. For sale at P1,900 ang coffeetable book na birthday gift ni Ryan kay Judy Ann. Limited copies ito, kaya bumili na at hintayin ang announcement ng book signing. Meron itong 150 black and white photos na kuha mismo ni Ryan at ng kanyang crew kay Judy Ann at sa pelikula.

"We really wanted to keep the cost under P2,000, pinakamababa na yun. But, it's really a coffeetable book at first movie ang Ploning na tie-up ng coffeetable book. Piece of history ito at natuwa kami na puwedeng ibenta at P1,900.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kung kikita kami? Mababawi, at ang inaalala namin ay ang fans. Anything for the fans to buy and something you can put sa sala," pagtatapos ni Ryan.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nabalitaan kong Fear Factor is coming, I'd take the shot and take the chance to host it," announces Ryan Agoncillo. Ryan is also set to do the series Pieta and a sitcom with girlfriend Judy Ann Santos for ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results