PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"PBB Teen Edition Plus" evictees talk about life outside Bahay ni Kuya

Jieriel, Kevin, and Linda pick their Big Four.
by Nora Calderon
Published Apr 29, 2008
(From left) Teen housemates Jieriel Papa, Kevin Garcia-Flood, and Linda Backlund share their experiences while inside the Pinoy Big Brother house and their future plans.

Iniharap na sa entertainment press ang unang tatlong evictees ng Pinoy Big Brother Teen Edition Pluskahapon, April 28, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN. Sa kanilang tatlo, tanging si Jieriel Papa—the "Bubbly Girl" from Davao—ang na-evict through text votes. Ang "Bikini Babe" from Iriga na si Linda Backlund at ang "Spanish Stallion" from Madrid na si Kevin Brendan Garcia-Flood ay parehong nag-voluntary exit.

BIKINI BABE. Nanlalamig ang mga kamay ni Linda nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kaya biniro namin siyang huwag nerbiyosin dahil mababait naman ang entertainment press.

Medyo nag-tan si Linda dahil kababalik lang nila ng family niya from a four-day vacation sa isang beach sa Batangas.

Hindi ba siya nagsisi na nag-voluntary exit siya samantalang mukhang malaki ang chance niyang makasama sa Big Four ng PBB?

"Nanghihinayang din po, pero it's worth it naman na mas pinili ko na makasama ko ang family ko kesa mag-stay sa bahay ni Kuya," nakangiting wika ni Linda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Three years din pong hiwalay kami sa father ko, hindi sila nag-uusap ng mommy ko. Kahit paano, nagkaayos na sila, although mayroon pa rin pong dapat ayusin. Gusto na sana naming makasama rito ang daddy ko. Kaya lang, hindi pa po naaayos ang pagkuha niya ng insurance niya dahil naaksidente siya habang nagtatrabaho as a painter. May titanium implant siya sa kanyang spinal column, kaya nahihirapan din siyang makakuha ng trabaho sa Norway," kuwento ng half-Filipino at half-Swede na dalaga.

Ang insurance daw na makukuha ng daddy niya ang makatutulong sa kanilang pamumuhay.

Kuwento pa ni Linda, mahilig daw mag-travel ang daddy niya kaya nakarating ito ng Boracay. Doon na-meet ng daddy niya ang mommy niya na nagtatrabaho sa restaurant ng auntie niya. Sa pagmamahal ng daddy niya sa mommy niya, binili nito ang restaurant sa auntie niya at sila na ang namahala sa restaurant.

Linda was born in Boracay, pero lumaki siya sa Iriga. Napunta pa rin daw sila sa Bantayan in Cebu at nag-stay doon ng four months.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mahilig sumali sa mga beauty pageants ang 16-year-old na si Linda who stands 5'7" kaya nang malaman ng mommy niya ang audition para sa PBB Teen Edition Plus, pinasali siya. Pero hindi raw niya in-expect na makuha siyang isa sa teen housemates.

Incoming fourth year student si Linda at kung magiging successful siya na pasukin ang showbiz, gusto niyang tapusin na ang fourth year sa Manila.

Last Sunday, April 27, naramdaman na ni Linda kung paano nagtilian ng mga fans pagkatapos ng dance number nila ni Jieriel sa ASAP '08 na ginanap sa Stadia in Dagupan City.

Noong araw ring ‘yon ay bumalik na ng Norway ang daddy ni Linda at hindi niya nakita ang pag-alis nito dahil nasa ASAP '08 nga siya, pero nagkausap daw sila last Saturday evening, April 26. Kasama pa rin ni Linda sa Manila ang mommy niya.

Tinanong namin si Linda kung sino ang gusto niyang manalo among the teen housemates at kung sino ang ayaw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang Top 3 ko po sina Valerie, Nan, and Robi," sagot ni Linda. "Kahit sino po sa kanila ang manalo, deserving naman sila. Mababait po naman silang lahat, siguro may nami-misunderstood lang o kung minsan, hindi maiwasang may magtaas ng boses."

THE SPANISH STALLION. Parehong English teacher ang Spanish-Irish mom at Filipino-Spanish father ni Kevin. Sa Madrid, Spain, nagkita at nagpakasal ang parents ni Kevin, at doon na rin isinilang ang 18-year-old na binata. Umuwi sila ng Pilipinas when Kevin was three years old at ngayon na lang siya muling bumalik sa bansa nang papuntahin siya ng PBB bilang one of the Top 30 teen housemates.

Back in Madrid, horseback riding ang naging sport ni Kevin. Sumali siya ng iba't ibang equestrian competitions at ilang beses na rin siyang nag-champion.

A friend from the Philippine Embassy in Madrid ang nagsabi sa kanya tungkol sa PBB Teen Edition Plus at doon siya nag-audition. Nagulat na lamang siya nang sabihing pupunta siya ng Pilipinas at hindi rin niya in-expect na magiging isa siya sa 14 teen housemates.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit siya nag-voluntary exit, dahil ba sa controversy between his Daddy John and Auntie Anna, Josef's guardian?

"Maybe one of the reasons," sabi ni Kevin. "Yes, I regret leaving the house, but there are more deserving to belong in the Big Four. Among them is Nan and I hope Nan will win. He really needs the money."

Inamin ni Kevin na, most of the time, misunderstood siya lalo na kung hindi naglilinis o naghuhugas ng dishes ang mga kasama niya. Hindi raw siya makatiis magsalita dahil back in Madrid, marunong siya ng mga household chores.

Ano ang balak niya ngayong nasa labas na siya ng bahay ni Kuya?

"I want to stay here and try my luck. I'll try how to speak Tagalog. Konti lang ang alam ko, but I can understand. But if it will not work, I will go back to Madrid and stay with my horses," sabi ni Kevin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kevin has two brothers and a stepsister. Hiwalay na ang daddy at mommy niya. May iniwanan din siyang girlfriend sa Madrid na nagngangalang Sylvia.

Sinabi ng PEP na here in the Philippines, alam na nilang hindi siya circumcised at baka lagi siyang biruin tungkol dito.

"It's okay, I don't care," sagot niya. "I won't mind sana if I was circumcised when I was young, not now that I'm already 18 years old."

At present, nag-i-stay pa rin sila ng Daddy John niya sa isang part ng Bahay ni Kuya, pero lilipat daw sila in Manila, marami siyang aunties doon.

BUBBLY GIRL. Binansagan siyang "reklamadora at pasaway" at iyon ang nakita ng mga text voters kay Jieriel kaya siya ang unang na-evict sa Bahay ni Kuya.

"Ako po kasi ‘yong kapag may gustong sabihin. Hindi ko po ‘yon itinatago kaya kung ano ang nararamdaman ko, sinasabi ko. Hindi ko po mapi-please ang lahat at kung iyon po ang nakita sa akin ng mga nag-text para ma-evict ako, wala po akong magagawa," pahayag 16-year-old na si Jieriel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong nasa labas na siya, ano ang balak niyang gawin, itutuloy ba niya ang pagpasok sa showbiz?

"Opo, at gusto ko rin pong ituloy ang studies ko rito habang nag-aartista ako," sagot niya. "Dentistry po ang gusto kong kuning course. At na-amaze nga po ako nang una akong lumabas ng Bahay ni Kuya at kinabukasan ay nag-co-host na ako kay Ate Bianca [Gonzales] sa isang Coke event. Napakaraming tao at nakilala na nila ako. Nagulat po ako kasi nga, ang nakikita ko lang ay yung mga housemates ko at yung mga tao sa labas ng Bahay nang ma-evict na ako. Same thing noong Sunday, sa ASAP '08 sa Dagupan City, ang dami-dami pong tao," kuwento ni Jieriel.

Sino ang top four para sa kanya at sino ang gusto niyang manalo?

"Sina Robi, Josef, Jolas, and Beauty. Sana po either Robi or Jolas ang manalo," sagot niya.

Nominated for eviction this week sina Robi, Jolas, Josef, at Rona. Ano ang masasabi niya rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sana po si Rona na lang. Marami po akong nakausap at sabi nila, ayaw nila kay Rona at dapat daw ay lumabas na ito," walang kagatol-gatol na wika ni Jieriel.

Bubbly nga si Jieriel at hindi niya itinago ang kilig niya dahil sa Friday, May 2, one year and nine months na sila ng boyfriend niya na iniwanan niya sa Davao.

Ang high school graduation niya sa Bahay ni Kuya ang hindi malilimutan ni Jieriel.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(From left) Teen housemates Jieriel Papa, Kevin Garcia-Flood, and Linda Backlund share their experiences while inside the Pinoy Big Brother house and their future plans.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results