Ang actor-producer na si Rudy Fernandez ang napili ng officers and regular members ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. ngayong taon, bilang recipient para sa isang natatanging gawad-pagkilala—ang Ulirang Artista Award.
Taun-taon ay ibinibigay ito ng nasabing entertainment writers' club tuwing sasapit ang kanilang Star Awards for Movies. It's Daboy's turn to be recognized sa kanilang upcoming 24th PMPC Star Awards for Movies.
Mula sa iba pang mga naging nominado para sa Ulirang Artista Award (mga batikan at beteranong aktor at aktres), na-trim down ang choices of names for this year's awardee to a shortlist.
Hanggang sa nagkaroon na nga ng demokratikong delibration among the PMPC officers and members, just last week, at ang pangalan nga ni Daboy ang nakakuha ng pinakamaraming boto.
Kabilang sa factors na kinu-consider ng Club taun-taon para sa mataas na karangalang ito ay ang body of work in film, credibility, various achievements as a film practitioner (actor or producer), good image, and reputation in local movie industry.
Ang past Ulirang Artista honorees ay sina Dolphy, Eddie Garcia, Joseph Estrada, Susan Roces, Ramon Revilla, Armando Goyena, Boots Anson-Roa, Perla Bautista, Eddie Rodriguez, Charito Solis, Armida Siguion-Reyna, Gloria Romero, German Moreno, Chichay, Gil de Leon, Leopoldo Salcedo, Alicia Vergel, Rosa Rosal, Mona Lisa, at Anita Linda.
DABOY'S FILMOGRAPHY. Lingid sa kaalaman ng karamihan, tatlong taong gulang pa lamang noong nagsimulang umarte sa pelikula si Daboy sa Luksang Tagumpay (1956), na ang kanyang amang si Gregorio Fernandez ang nagdirek.
Noong nagbibinata si Daboy, una siyang napanood sa Sampaguita Pictures noon (isa sa early film contracts niya) sa pelikulang For Your Mama (1970) at sinundan ng Sweet Matutina (1976).
Puro mga teenage parts ang ginawa niya after that, hanggang sa dumating ang pinakamalaking breakthrough niya bilang isang action star, ang Bitayin si Baby Ama (1976). Dito sumikat nang husto si Daboy.
Nagwagi rin ang amang ito ni Mark Anthony Fernandez ng ilang Best Actor awards. Dalawa mula sa FAMAS Awards para sa Batuigas: Pasukuin si Waway (1984 at Victor Corpuz (1987), at dalawa rin mula sa Film Academy of the Philippines (FAP) para pa rin sa Batuigas at Birador noong 1998.
He also earned a number of Best Actor nominations sa FAMAS—Bitayin Si Baby Ama (1976), Anak Sa Una, Kasal Sa Ina (1981), Pepeng Shotgun (1981), Sumuko Ka, Ronquillo (1983), Lumuhod Ka sa Lupa (1987), Sandakot na Bala (1988), Ipaglalaban Ko (1989), Kaaway ng Batas (1990), Tumbasan Mo ng Buhay (1993), Matimbang Pa sa Dugo (1995), at Birador (1998).
Ang kanyang tatlong Gawad Urian Best Actor nominations naman ay para sa mga pelikulang Pepeng Shotgun, Kaaway ng Batas, at Diskarte (2002). Sa huli ay nominado rin siya as Best Actor sa FAP.
Ang Diskarte at Hula Mo, Huli Ko ay mga last movies na nagawa ni Rudy, so far, dahil nga humina ang local action films simula ng mga taong 'yon. Both films were released noong 2002.
Nakilala rin si Daboy sa pagbibigay-buhay sa pelikula ng ilang controvesial figures. Ginawa niya ang Bingbong: The Vincent Crisologo Story (1991), Markang Bungo: The Bobby Ortega Story (1992), Lagalag: The Eddie Fernandez (ama ni Pops) Story (1994), at Ping Lacson Story (2000).
Sa pag-lie low ng action films, nakalabas sa telebsiyon si Rudy sa GMA-7 shows like Da Boy En Da Girl kasama si Rosanna Roces, Twin Hearts, at ang telefantasyang Atlantika.
OTHER ACHIEVEMENTS. Remarkable din ang achievements ni Rudy bilang three-term president ng Kapisanan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino (KAPPT), at naging producer din ng ilang mga pelikula under his own Reflection Films, na nagbigay ng trabaho sa maraming taga-industriya.
Nito lang November 2007 ay ginawaran si Daboy ng FAMAS ng Fernando Poe Jr. Memorial Award sa Le Pavillion, Roxas Boulevard, Manila.
The following month, December 2007 ay muling ipinagkaloob kay Daboy ang FPJ Lifetime Achievement Award, gayon din kay Director Celso Ad. Castillo, mula naman sa Luna Awards (bagong pangalan ng FAP Awards), sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.
Ngayong 2008, it's PMPC's turn to honor Rudy Fernandez bilang recepient ng natatanging Ulirang Artista Award, isa sa pinakamataas na karangalang iginagawad sa sinumang deserving na artista.
Produced by GARP Productions, ang 24th PMPC Star Awards for Movies ay gaganapin sa AFP Theater sa Quezon City this June.