Gabby Eigenmann says nude photos of sister "no big deal"

Archie de Calma
Wednesday, April 30, 2008 @ 06:04PM  |  129 views

 

"'Pag may pagkakamali at pagkukulang ang isa, hindi dapat kinukunsinti. Kaya lang, may mga bagay na kami-kami na lang ang dapat nagkakausap at nakakaintindi, para hindi naman malagay sa alanganin ang buong clan namin," says Gabby Eigenmann about sister Katherine "Ira" Eigenmann's nude photos on the Internet.

Photo By: Noel B. Orsal (Gabby) Internet photo (Ira)














Hindi pa man eksena ni Gabby Eigenmann ang kukunan sa Magdusa Ka! nang dalawin namin ang taping nito, nasa set na si Gabby at naghihintay na ng instructions. Kaya sinamantala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkakataon para makatsika siya sa isa sa private rooms ng Marinara, isang girlie club sa may Quezon Avenue.

ABOUT IRA. Itinanong agad namin ang isyu tungkol sa kapatid niyang si Katherine "Ira" Eigenmann (magkapatid silang buo sa parents nilang sina Mark Gil at Irene Celebre) na diumano'y pinagpipistahan ngayon ang hubad na larawan sa Internet. (Click here for related article)

"As much as possible, ayoko nang magsalita pa tungkol sa isyung 'yan," sabi pa ni Gabby habang napapailing. "I have to protect my sister, kaso nga, nariyan na 'yan.

"Ang sa akin lang, ayoko nang palakihin pa. With what has happened, we're all just here to support her. Hindi naman din tama na ilaglag siya dahil doon.

"The family is behind her, and we just don't want to make a big deal out of it. But, it's not true that my parents are disowning her dahil doon," paglilinaw ng aktor.

Naitanong namin kay Gabby na sa loob ng 12 years niya sa showbiz, ano ang stand niya sa ganitong mga bagay? The Gils and the Eigenmanns of showbiz are considered a royal family, kaya isang kamalian lang ng isang miyembro nito, tiyak na damay ang lahat at hinihingan na sila ng reaction.

"Kaya nga it entails a lot of responsibilities," sabi ni Gabby. "Naririto agad kami sa showbiz dahil sa pangalan ng parents and elders namin, so, it's just proper na protektahan namin yun by staying away from troubles at kung anu-anong controversies.

"'Pag may pagkakamali at pagkukulang ang isa, hindi dapat kinukunsinti. Kaya lang, may mga bagay na kami-kami na lang ang dapat nagkakausap at nakakaintindi, para hindi naman malagay sa alanganin ang buong clan namin.

"The family remains intact. 'Yan ang stand namin, kahit ano pa ang mangyari, dapat ay sama-sama kami sa pagharap sa problema, sa challenges. For us, yung nangyari kay Katherine, it's really no big deal," katuwiran ni Gabby.

LOYAL KAPUSO. Sa Magdusa Ka!, Gabby plays the role of Roland, half-brother ni Dennis Trillo sa istorya.

"This time, good boy role ito," nangingiting sabi pa niya. "I was given good boy roles na rin before, but for a long time, puro bad characters ang naa-assign sa akin. Na wala namang problema.

"Kaya masaya rin ako dahil naiiba itong latest assignment na ibinigay sa akin."

Sa totoo lang, Gabby may be just on the sidelines as a character actor, pero he remains loyal sa GMA-7. Parang kaunti na lang sila na genuinely proud to be Kapuso talaga.

"Kokonti lang ba? Hindi naman," parang nadiyahe si Gabby sa observation namin.

"Marami pa ring iba riyan. Ang sa akin lang, GMA-7 talaga ang nagtitiwala sa akin, hindi naman ako napapabayaan.

1  2  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name