"Lagi akong may assignments. Nag-decide man silang maging semi-regular na lang ako sa S.O.P., still, nabigyan ako ng chance to concentrate more on drama and other kinds of roles.
"Hindi ako nawawala sa mga teleserye. Ako naman, I'm just here to work. Kung ano ang ibigay sa akin, pinagbubuti ko at ipinagpapasalamat ko. Wala akong karapatang magreklamo. Walang dahilan para gawin ko 'yun," sabi na lang ni Gabby.
CONTENTMENT. Kung gugustuhin lang talaga ni Gabby, puwedeng naging pambida siya. Hindi lang naging ganoon ang packaging niya.
"Kuntento na kasi ako sa ganito. Kung bibigyan man ako ng opportunities na ganyan, why not? Pagtatrabahuan ko rin.
"Like here in Magdusa Ka, medyo nagbawas na ako ng timbang dito, para may makita naman silang bago sa akin. Kung mayroong pagkakataon, just give me enough time, I will work on the physical equirements.
"Sa ngayon kasi, I also have my musical career. Diversified pa rin, kaya I am not much into that. Basta, kung ano yung ibigay na role sa akin, pinagbubutihan ko na lang," sabi ni Gabby.




