PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joross Gamboa gets to play more challenging roles

Joross admits he and Cristine Reyes had a mutual understanding in the past.
by Rose Garcia
Published May 1, 2008
Young actor Joross Gamboa plays an offbeat character in Eva Fonda, 16, and a gay role in Your Song.

Bukod sa Your Song, kung saan isang bading ang role na ginagampanan ni Joross Gamboa, ngayong May 2 ay magsisimula na ring mag-taping ang young actor para sa isa pa niyang series sa ABS-CBN, ang Eva Fonda, 16—ang first project ng dating Kapuso star na si Cristine Reyes sa ABS-CBN.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), maganda naman daw ang role niya sa Eva Fonda, 16 nang ini-explain na sa kanya kung kaya't walang problema sa kanyang gawin ito.

"Very challenging tulad nga ng sinabi nila. Medyo daring nga lang ako rito dahil sa medyo bad yung character, marami rin kissing scenes. Yung magiging kapareha ko rito, si Hazel Ann Mendoza na dating kapatid ko sa Gulong ng Palad!" natatawang sabi ni Joross.

DEMOTED CHARACTER? Itinanggi naman ni Joross ang balitang demoted ang role niya sa Eva Fonda, 16. May nauna kasing nasulat na siya ang ina-eye as Cristine's leading man, pero kay Jason Abalos napunta ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa totoo lang, may nagsabi nga sa akin. Parang naka-write up yata na ako raw yung leading man ni Cristine. Pero wala, wala talagang ganoong offer. Umpisa pa lang, alam ko na talaga si Jason. Yung role ko, yun ang tinatawag na second lead," pagbibigay linaw ni Joross

Pinaalaala ng PEP kay Joross ang nangyari sa kanyang character sa dating soap na Natutulog Ba ang Diyos? kung saan nakasama niya sina Roxanne Guinoo at Jake Cuenca. Although silang tatlo nina Roxanne at Jake ang mga bida rito ay tila naging so-so lang ang character niya sa soap. Hindi ba niya naiisip na baka mangyari ulit ito sa Eva Fonda, 16?

"Well, tine-take ko na lang ulit ang risk. Kesa naman magmukha akong nagmamaganda, di ba? At saka si Jason naman, matagal ko nang kaibigan. Para ko nang kapatid," saad ni Joross.

PAST WITH CRISTINE. First project ni Cristine sa Kapamilya network ang Eva Fonda, 16. Sa parte ni Joross, masaya raw siya na Kapamilya na rin ang young actress at welcome sa kanya ang idea na mas marami at iba't ibang artista ang puwede niyang makatrabaho.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naugnay rin dati sina Joross at Cristine. Sa katunayan, may kumalat pa nga na mga litrato nila sa cell phone noon. Okey na ba silang dalawa ngayon?

"Okey naman na kami ni Cristine," sagot ni Joross. "At least, medyo napag-usapan na namin. Alam din namin na puwedeng mapag-usapan ulit yung mga ganoong bagay dahil magkasama kami ngayon sa isang project. Pero wala nang problema. Nakabuti yung workshop namin. Kasi last day na lang ako nakasama, pero nakapag-usap kami. After kasi ng isyu, parang bigla na lang din, hindi na kami nagkausap."

Naging sila ba talagang dalawa ni Cristine noon?

"Parang MU [mutual understanding]," saad ng young actor. "Pero it happened before na maging kami ni Roxanne [Guinoo]. So, hindi totoo yung sinasabing nag-two-timing ako. That's not true. Ang nangyari lang kasi noon, yung picture sa cell phone, lumabas siya, yung time na kami na ni Roxanne."

Expected na raw niyang kahit hindi sila ni Cristine ang magkapareha sa Eva Fonda, 16, posibleng maintriga pa rin sila. Pero aniya, "Tapos na naman yun. Ang importante naman sa ngayon, nakakapag-usap na kami ni AA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAY ROLE. Naitanong din ng PEP kay Joross kung bakit tinanggap niya ang gay role sa Your Song opposite Victor Basa. May sinabi kasi siya before na hangga't maaari, gusto muna niyang limitahan ang pagtanggap ng gay role dahil nagkasunud-sunod nga ito. May short film din kasi siyang ginawa for an independent film na gay rin ang role niya.

Katuwiran ni Joross, "Wholesome naman kasi itong Your Song. Walang kissing scene, walang love scene, ano lang...kilig! At saka yung Your Song naman, kilala siya as youth-oriented show, so wholesome talaga. Matatawa, at the same time, may kilig din kapag pinanood na."

Tingin ni Joross, yung feature niya na madaling gawing babae ang isa sa dahilan kung bakit madalas sa kanya nao-offer ang ganitong klaseng role. Kung matatandaan, he also played one of his most challenging roles as transvestite sa Maalaala Mo Kaya last year.

"Siguro rin, bihira lang din naman sa mga young actors ngayon yung tumatanggap ng mga ganitong role," banggit ng young actor na produkto ng kauna-unahang Star Circle Quest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

From Star Magic, lumipat na si Joross sa pangangalaga ni Becky Aguila bilang manager niya. Ayon sa young actor, masaya naman daw siya sa takbo ng career ngayon. Aside kasi sa mga shows niya sa ABS-CBN, magiging visible na rin siya sa ABC-5 dahil sa dalawang bagong shows na kasama siya—ang series na Oranges na tila may pagka-High School Musical ang theme, at ang sitcom na Fly Boyz kung saan makakasama raw niya sina John Estrada at Dominic Ochoa.

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa, Cristine Reyes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Young actor Joross Gamboa plays an offbeat character in Eva Fonda, 16, and a gay role in Your Song.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results