Sayang at wala sa immediate plans ng young actor na si Dingdong Dantes ang muling magdirek ng pelikula, kahit nominado siyang Best Director sa Star Awards for Moviesng PMPC (Philippine Movie Press Club) para sa paggawa niya ng isa sa three episodes ng pelikulang Angels.
Busy kasi si Dingdong sa taping ng Dyesebel and by July, magsisimula na siyang mag-shooting para sa Amnesia ng GMA Films, kasama sina Iza Calzado at Marian Rivera.
Ikinuwento ni Dingdong sa PEP (Philippine Enetrtainment Portal) kung paano siya sobrang na-excite sa nakuhang nominasyon mula sa Star Awards. Bumili raw siya ng DVD copy ng Angels at muli itong pinanood.
Hindi niya alam kung kailan siya muling magkakaroon ng time na magdirek uli. Pero sa ngayon, sa kanyang acting career muna ang focus ni Dingdong.
Para magkaroon naman siya ng time for his family, hindi muna lumalabas si Dingdong sa Sunday musical variety show ng GMA-7 na SOP.
Hindi naman siguro magagalit ang GMA Films kay Dingdong sa ibinigay nitong spoiler sa PEP tungkol sa Amnesia na working title lang daw. Kuwento raw ito sa struggle ng isang lalake na naghihintay kung ano ang tunay na pag-ibig. Mac Alejandre will direct the love story na may September playdate.
Kinumpirma rin ni Dingdong ang napabalitang inurong ang playdate ng pelikula nila nina Iza at Marian dahil magbibigay-daan ang GMA Films sa showing ng pelikula nina Richard Gutierrez at KC Concepcion sa Star Cinema.
END OF NETWORK WAR? Kinumpirma rin ni Dingdong ang pagsasama nila ni Angelica Panganiban sa pictorial para sa Mario ‘D Boro shoes. Hindi sure ang young actor kung ipinalit si Angelica kay Francine Prieto o idinagdag lang ito bilang celebrity endorser-image model ng brand ng sapatos.
"Nag-pictorial na kami two weeks ago at okey naman. Parang na-starstruck ako, although nakikita ko na siya. Pero siyempre, iba ‘pag kaharap at nakakausap mo, mai-i-starstruck ka talaga," lahad ni Dingdong.
Hiningi rin ng PEP ang reaction ni Dingdong sa pagsasama-sama ng ABS-CBN at GMA-7 talents sa ilang proyekto at product endorsement. Halimbawa nito'y sina Marian Rivera at Piolo Pascual for Blue Spa; and Marian, Nikki Gil, and Maja Salvador for Sunsilk shampoo.
Pero ang bigger example ay ang pagpayag ng GMA Films na ipahiram si Richard Gutierrez sa Star Cinema para makapareha ni KC Concepcion, at ang pagpayag naman ng Star Cinema na ang GMA Films ang gumawa ng Valentine's Day movie ng dalawa.
"It's good! It's a good sign for the industry. Maganda naman talaga if they communicate at nagbibigayan," sambit ni Dingdong.
Mapula ang kutis si Dingdong nang makausap ng PEP. Dala raw ito ng maraming beach scene nila ni Marian Rivera para sa Dyesebel. Imagine, two weeks na puro sa dagat ang taping, pero walang narinig na reklamo kay Dingdong na gustung-gustong nagbibilad. Pero hindi siya umiitim, namumula lang.
Samantala, gaya ni Marian Rivera, tuluy-tuloy ang pagdating at pagtanggap ni Dingdong ng product endorsements. Bukod sa Mario ‘D Boro nila ni Angelica Panganiban, may tinanggap pa siyang isang endorsement na bawal na bawal pang isulat at magbigay ng clue.
Nag-shoot na nang solo si Dingdong para sa TVC, pero babalik pa siya para sa shoot kung saan magkasama sila ng kanyang kapareha na isa ring sikat na young actress.