Anne Curtis off to Europe next week

Nora V. Calderon
Thursday, May 08, 2008 @ 03:08PM  |  34 views

 

Anne Curtis will take her much-needed break from showbiz by going to France and Spain next week. Anne will still be in circulation while away with TV ads, two TV shows and her movie still playing next week.

Photo By: Noel B. Orsal













"Next stop ko sa Spain. Tamang-tama na iyong stepsister ko sa daddy ko, lilipat sa Ibiza, Spain, sa May 14. Kaya pagdating ko roon, nandoon na siya. Gusto ko ring puntahan ang Barcelona para makita iyong Sagrada de Familia Church. Talaga pong magpapa-picture ako roon."

Natanong din si Anne kung bakit hindi mag-join sa kanya si Sam, para may kasama siya.

"May show po siya sa New York and from there, tutuloy siya ng Australia, may show siya roon sa May 22 and 23 at doon na siya magsi-celebrate ng birthday niya. Saka gusto ko po talagang mag-travel na mag-isa. Next year, gusto ko namang sa Italy pumunta."

WANTS TO WORK WITH ANNABELLE. May nagtanong kay Anne kung sakaling papiliin siya ng gusto niyang makasama sa movie, sino ang pipiliin niya?

"Gusto ko pong maka-work si Tita Annabelle [Rama]. Maganda po ang feedback na naririnig ko sa movie nila ni Ruffa [Gutierrez] na My Monster Mom.

"If you still remember, ako ang unang gumanap na young Annabelle nang gawin ang story nila sa Maalaala Mo Kaya. Pero noong araw po ayaw sa akin ni Tita Annabelle nung kami ni Richard, kasi may reputation po raw ako na papalit-palit ng boyfriend. Pero later on, gusto na rin po niya ako dahil na-prove ko naman sa kanyang hindi totoo ang intrigang iyon sa akin."

Sinu-sino ba ang naging boyfriend niya?

"Si Chubi [del Rosario] noong TGIS days namin, then si Oyo Boy [Sotto], si Richard and then si Paolo [Araneta]. Naging dates ko lang noon si Derek [Ramsay], si Luis [Manzano], na muntik ko na ring maging boyfriend, pero hindi siguro kami talaga, soulmates lang kami. Then there's Brad [Turvey].

"Nang makilala ko si Luis, huminto na akong makipag-date kay Derek. Kami na sana ni Sam [Milby] noon, but we broke off nang maging Christian na ako.

"But now, Sam is the first guy who courted me in this manner. He is really following the guidelines ng pagiging Christian at ng book na When Boy Meets Girl. We're dating, but no commitments. No responsibilities between us."

Tiyak na dahil magkalayo sila ni Sam, magiging busy kaya ang cellphones nila?

"Hindi po. When I'm out of the country, ayaw ko po namang nakadikit lagi ang cellphone sa tenga ko. Siguro, paminsan-minsan, pero mas gusto ko po talagang mag-concentrate sa pamamasyal ko."

FRUSTRATED SINGER. Isa si Anne sa top endorsers ng different products among celebrities. In fact, while she will be away, may dalawa pa siyang bagong TV commercial na lalabas. May movies, at TV shows din siyang ipapalabas. Bukod kasi sa Dyosa, kasama rin siya sa gag show na Banana Splitz.

May frustration pa ba si Anne sa pagiging artista niya?

"Yes po, ang magkaroon ng magandang voice. Gusto ko po kasing maging singer. Pero tanggap ko na pong hindi ako magiging singer dahil sa eleven years ko nang artist ng Viva Films, never po akong nakatanggap ng offer mula sa Viva Records," nagtatawang wika ni Anne.

« Prev  1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name