PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Prince Stefan harbors no ill feelings about Lovi-Jolo closeness

Prince only asks Jolo not to hurt Lovi.
by Ruel J. Mendoza
Published May 10, 2008
"Siguro nga, hindi kami nakatakda ni Lovi for one another. Siguro nga si Jolo ang nararapat sa kanya. But I am happy for the both of them." says Prince Stefan about Lovi Poe and Jolo Revilla.

Marami ang nagtanong sa StarStruck 4 finalist na si Prince Stefan kung nagkita na ba sila ni Lovi Poe after na ma-link ito kay Jolo Revilla.

Sagot ng young actor from Iloilo ay hindi pa raw dahil hindi naman sila nagkakasabay sa mga guestings sa GMA-7.

Pero kung sakaling aksidente silang magkita ay babatiin naman daw niya ito at kung may time pa ay makikipagkuwentuhan pa siya rito.

HEARTBROKEN? Marami ang nag-akala na baka dinamdam nang husto ni Prince nang mas piliin ni Lovi si Jolo Revilla. Naging masigasig kasi si Prince sa panliligaw noon kay Lovi at maraming umasa na magkakatuluyan sila since bagay silang dalawa.

"Hindi naman po ako na-heartbroken. Wala naman pong gano'n," ngiti ni Prince. "Sport naman po ako. Naniniwala naman ako na in the game of love, may the best man win, 'di ba? Nagkataon na si Jolo yung nanalo.

"Before pa naman mabalita si Lovi kay Jolo, tumigil na ako sa pagligaw sa kanya. Si Lovi na rin ang nagsabi na maging friends na lang kami kasi gusto raw niyang mag-concentrate sa career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey lang naman sa akin iyon kasi mahal ko talaga si Lovi at kung gusto lang niyang maging friends kami, gagawin ko iyon. Nirerespeto ko ang mga gusto niyang gawin."

Pero hindi naman itinago ni Prince na nagulat siya nang biglang pumasok sa eksena si Jolo. Hindi naman daw nababanggit ni Lovi na nanliligaw din si Jolo sa kanya.

"Well, to be honest, nagulat din ako noong may magsabi sa akin. Noong una, hindi ako naniwala. Pero bigla silang nabalita sa TV, ‘tapos nabasa ko pa sa mga newspapers. So totoo pala yung mga nakarating sa akin.

"Siguro nga, hindi kami nakatakda ni Lovi for one another. Siguro nga si Jolo ang nararapat sa kanya. But I am happy for the both of them.

"Huwag lang pabayaan ni Jolo si Lovi kasi mabait siyang tao at ayokong mabalitaang masasaktan si Lovi."

WITH IDOL DENNIS. Kasama si Prince sa bagong GMA Sine Novela na Magdusa Ka bilang kapatid ni Dennis Trillo na si Sonny. Huling napanood si Prince sa Mga Mata ni Anghelita. Excited nga si Prince dahil first big exposure niya raw sa soap drama ang Magdusa Ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Happy ako kasi makakatrabaho ko na ang isa sa mga idol ko na si Dennis Trillo. Marami kaming eksenang magkasama kasi nga magkapatid kami rito. Marami akong natutunan kay Kuya Dennis kasi mahusay siyang artista.

"Proud din akong makatrabaho si Direk Maryo J. delos Reyes. Nakatrabaho ko na siya before sa isang acting challenge namin sa StarStruck at mabait siya sa aming lahat. Pero pagdating sa trabaho, kailangang serious kami para hindi raw kami paulit-ulit sa isang eksena."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Siguro nga, hindi kami nakatakda ni Lovi for one another. Siguro nga si Jolo ang nararapat sa kanya. But I am happy for the both of them." says Prince Stefan about Lovi Poe and Jolo Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results