Last May 7, a day bago siya lumipad patungong Hawaii para sa Wowowee, nakatsikahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Valerie Concepcion sa Tomas Morato Ave., Quezon City.
Excited nga raw si Valerie sa first time niyang pagpunta sa Hawaii.
Dati raw kasi ay nagpunta na siya sa Singapore noong parte pa siya ng show na Click! ng GMA-7, ngayon naman daw, Hawaii naman ang pupuntahan niya.
"Bongga! Sosyal! Ha-ha-ha! Excited ako, super! Kasi marami kaming time to make pasyal dahil sa [May] 10 yung pinaka-work, yung May 11, 12, and 13 bakante na yun," excited pa niyang pagkukuwento sa PEP.
IT'S DESTINY. Hiningan ng PEP ng komento si Valerie tungkol sa lipatan issues pa rin ng mga artista ng magkalabang network na GMA-7 at ABS-CBN. Si Valerie rin naman kasi ay isa sa mga artistang lumipat ng istasyon.
"Basta ako, sa sarili ko makakapagsalita na I'm happy with what's happening with my career right now. Pero for others I'm in no position to answer yung question na yun. Kasi hindi ko naman alam kung bakit sila lumipat."
Nakausap nga raw ni Valerie noon si Cristine Reyes noong pinag-iisipan pa lang ang paglipat mula Siyeta papuntang Dos.
"Sabi ko, ‘Ikaw, nasa sa ‘yo naman ‘yan, e. Kung gusto mong lumipat.' Kasi ako, naging maganda yung results nung paglipat ko. Pero ano ‘yan, e, kanya-kanyang destiny ‘yan, e."
BLESSED NINE MONTHS. Nine months na pala ang binilang mula nang lumipat si Valerie ng network. Kumusta naman?
"Sa nine months, nakagawa na ako ng pelikula with Vhong [Navarro]. Malakas naman, kumita. ‘Tapos I have Wowowee, ‘tapos ngayon makakapunta pa ako for the first time sa U.S. Sobrang sulit! ‘Tsaka sobrang...parang I can't ask for more, kasi yung mga rakets lalong marami, kasi puwedeng hosting, so yun. I feel so blessed."
Pero hindi ba siya naghahanap ng gaganapang soap opera sa Dos?
"Gusto ko... minsan nami-miss ko yung acting. So far, gusto kong mag-soap, pero if desisyon ng management na mas gusto nila ako sa Wowowee, wala akong magagawa. Pati I'm happy naman with Wowowee."
WOWOWEE GIRLS. May tsismis na nag-iisnaban at nagpapatalbugan daw sila ng isa pang Wowowee girl na si Mariel Rodriguez, how true?
"Oo, lahat naman, e. Pati nga si Ate Pokie [Pokwang], pati si RR [Enriquez], bonding kami," birong sagot ni Valerie.
So, ibig sabihin nga'y wala silang sapawan issue sa Wowowee?
"Meron ba? Siguro hindi naman maiiwasan na ipag-compare kami dahil siyempre every day kami yung nakikitang magkakasama sa Wowowee. And we all have our own personality.
"So parang depende na lang sa tumitingin kung sino yung mas nakakaangat o hindi. ‘Tapos feeling nila parang nagpapatatalbugan kami, pero sa amin naman, deep inside, it's just us, it's just who we are.
"Hindi kami... katulad ko, hindi ako nagiging bubblier... yung bungisngis, because gusto ko silang talbugan or gusto ko, ako yung mas mapansin na masayahin ako. It's just me, ganun talaga ako.
"So wala talagang isyu. Siguro kung magkakasama kami, ‘tapos itanong sa amin ‘yan, magtatawanan lang kami."
RENEWING CONTRACT. PEP asked her about her contract with ABS-CBN.
"Sa ABS, wala, sa Wowowee, till August," sagot ni Valerie.
Hindi ba siya pipirma sa mismong network?
"Hindi ko alam, e. Hindi ko pa alam kay Tita Becky [Aguila, her manager]."
Pero sana nga raw ay makapirma siya ulit ng kontrata with Wowowee.
Pero paano kung papiliin siya between signing for Wowowee at pagsali sa isang soap opera, ano ang pipiliin niya?
"Hindi ko alam. Kailangan ng hard thinking. Ang hirap, e. But it's ano... I miss being an actress. Pero yun lang, longer ang ano [hosting for Wowowee], kaya ang hirap, ang hirap talaga.
"Parang everything has it's own advantages and disadvantages, so, I cannot say na mas gusto kong mag-soap, or I can't say na mas gusto kong mag-Wowowee. Kung puwede nga lang pareho talaga, kasi nga everything has it's own... parang good stuff and bad stuff."
Ngayong araw na ito, Miyerkules, 2:30 ng hapon ang balik ni Valerie sa Pilipinas galing Hawaii.
