Unang napabalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang tungkol sa pag-e-endorse ng young actor na si Dingdong Dantes ng shoe brand na Mario D' Boro, kung saan kasama ng GMA-7 leading man ang Kapamilya leading lady na si Angelica Panganiban.
Pero aside from the said shoe brand, nakarating sa PEP na halos sunud-sunod pa ang endorsements na gagawin ni Dingdong. May balita pa ngang isa rito ay pagsasamahan nila ng leading lady niya sa Dyesebel na si Marian Rivera, pero parehong quiet lang ang kampo ng dalawang stars sa bagay na ito. May patakaran kasi na ang product endorsements ay nananatiling confidential hangga't hindi pa inilalabas.
Pero tiyak na raw na bukod sa Mario D' Boro ay may isa pang malaking produkto na ie-endorse ni Dingdong na lalabas next month with a TV commercial.
ENDORSER IN HIGH DEMAND. Sa pagpasok ng maraming endorsements para kay Dingdong, tinanong ng PEP ang young actor kung ano ang nararamdaman niya being tagged as one of the most in-demand—if not the top—celebrity endorsers ngayon. Kailan lang din kasi lumabas ang Bench Body at Medicol endorsements niya.
"Meron namang mga nagtitiwala, pero it's hard to say 'top,'" sagot ni Dingdong. "Sa tingin ko, nagkakataon lang. Sa tingin ko, if there's someone you can say na top endorser, it's someone who [has] always been reliable all throughout the year. Masasabi mo na palaging nandiyan. And talagang very bankable.
"Ako, I would say that I'm just starting in this field, at talagang gusto kong sabihin that I am worthy of their choice. So it's really a long way to go. Pero siyempre, nagpapasalamat ako for the trust, yung pagtitiwalang ibinibigay nila sa akin, sa mga kumpanyang nagtitiwala sa akin."
Patuloy niya, "Siyempre, I've been waiting long for this thing to come and finally, dumarating siya. Because, simply, I am just being myself. Wala naman akong pretensions, wala naman akong itinatago. I'm not projecting any image naman. Ako lang."
10TH YEAR ANNIVERSARY. This year ay ise-celebrate ni Dingdong ang kanyang 10th year anniversary sa showbiz. So far, wala pa raw siyang alam kung may selebrasyon bang magaganap. Sa sarili niya raw, nandoon yung celebration na kahit paano, narating na niya ang ika-sampung taon ng kanyang showbiz career.
Ayon pa kay Dingdong, hindi niya masasabing naging madali lang ang lahat para ma-achieve niya ang narating niya sa loob ng sampung taon.
"Hindi siya naging madali, e. I could say na it was really, really a slow burn. I went through everything. Lahat ng puwedeng gawin, lahat ng puwedeng pinagdaanan, ginawa ko. And in everything na pinagdaanan ko, I think naman in some part, nag-excel ako sa mga bagay na yun. I learned from everything and I had a chance to choose kung saan talaga ako," pahayag ng young actor.
Ano naman ang masasabi niya sa palagay ng ilan na sumikat lang siya nang husto dahil sa Marimar?
"Totoo yun!" pagsang-ayon niya. "It is really because of Marimar. Kaya nga sabi ko, slow burn at mas gusto ko yun. And with Marimar, it's true because it was the right project to show my [versatility] na, before, hindi ko masyadong naipapakita.
"Before siyempre, like sa TV, iba-ibang demands. Siyempre ‘pag fantasy, hindi mo naman maibibigay yung mga ganoong klaseng performance sa hinihinging requirements. Sabi ko nga, maganda ang project, clean slate sa akin, walang hang-ups. Tapos, parang anything goes. Like before kasi, marami akong restrictions sa sarili ko na, ‘Hindi ko kayang gawin ‘yan. Ayokong gawin ‘yan.' Nagkataon lang din na nagkasabay-sabay lang lahat ng ito.
"I believe naman na hindi ako nagbago. Kung ano ako noong simula, siguro I I'm still the same person. Ganoon pa rin," pahabol niya.
BEST DIRECTOR NOMINATION. Masayang-masaya rin si Dingdong sa nominasyon na natanggap niya bilang Best Director sa Star Awards for Movies para sa isang episode ng trilogy film na Angels na idinirek niya. Ito raw kasi ang isang bagay na wala siyang anumang expectation, na puwede pala siyang ma-nominate bilang direktor.
Naaliw ang PEP nang i-reenact ni Dingdong ang moment nang una niyang nalaman ang pagkakasama niya sa listahan ng Best Director nominees.
"Muntik na akong malaglag sa inuupuan ko, literally ha!" natatawa niyang sabi. "I was having drink with my friends nang matanggap ko yung text message. So, parang totoo ba ‘to? Hindi ko na-expect, it was unexpected kasi unang-una na, my episode was just a part of a trilogy. So paano magiging possible na entry yun?"
Pero isang bagay raw 'yon na nakapagpasaya sa kanya at nakapagpa-inspire lalo sa kanya.
"Hindi ako makapaniwala!" bulalas niya. "Pero alam n'yo, halos gabi-gabi napapanaginipan ko yung award. Well, I don't want to expect, but the fact na nominated ako at yung mga kasama ko ay mga respetadong directors at hinahangaan kong award-winning directors, parang alam mo yun, pini-picture ko na yung moment.
"If ever, this will gonna be my first [award] for a film. Kasi dati, may recognition ka, popular na ganyan... Pero iba yung may recognition ka for your work na talagang for your talent at hindi dahil sa stature mo. So, ito talaga, for my hard work."
Dahil ba sa natanggap niyang nomination ay na-inspire siyang magdirek ulit?
"Yes... mas na-inspire akong maging magaling na artista," sagot niya. "Yung pagdidirek, hindi ko sineset-aside ‘yan, pero mas gugustuhin ko na maging magaling na artista dahil yun talaga ang gusto kong mangyari.
"Pero to be recognized as a good director, ang sarap ng feeling! Kasi noong ginawa ko yun [Angels], hindi ako nagpaka-commercial. So, it's a symbolism na there's a chance for young director, for young filmmaker... Actually, meron naman. Pero kung bata ka at hindi ka natatakot gumawa ng ganoon, gawin mo, explore it."
"I'm not expecting [to win], but I'm really happy. Ako, nominated, ayos na. But I will still continue to dream on that moment," pagtatapos ni Dingdong.
