PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Comedienne K Brosas plays contravida role in her first project with ABS-CBN

K Brosas talks about possibly co-hosting "Wowowee" regularly.
by Nonie Nicasio
Published May 18, 2008
"Nakakapanibago, pero nakaka-excite din. Challenge din ito, e. Parang bagong bahay at bagong buhay ito, e," says comedienne K Brosas about being a Kapamilya.

Isa ang singer-comedienne na si K Brosas sa mga bagong lipat sa ABS-CBN mula GMA-7. Kasama siya sa Pinoy adaptation ng hit Koreavovela series My Girl, na pinangungunahan nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

Nakapanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si K last Friday night, May 16, nang mag-guest siya sa victory celebration ng Press Freedom party at iba pang mga nahalal na lider ng National Press Club sa Intramuros, Manila. Sinabi ni K na ibang klaseng challenge ang nararamdaman niya ngayon sa unang proyekto niya sa Kapamilya Network.

"Korek, Kapamilya na rin ako!" bulalas ni K.

Nilinaw ni K na wala siyang kontrata ngayon sa ABS CBN. Pero ang pangunahing rason daw niya ng pagpunta sa Kapamilya Network ay dahil sa magandang offer na maging kontrabida sa My Girl at maipakita pa ang ibang aspeto ng kanyang pagiging aktres.

"Wala akong kontrata sa Dos. Kahit naman sa GMA ay wala rin akong kontrata before," saad niya habang nagpapatila ng ulan dahil masama ang pakiramdam niya at nilalagnat siya that night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ibig bang sabihin ay puwede pa rin siyang lumabas sa GMA-7?

"Hindi ko lang alam, siguro hindi na. Pero wala akong problema sa pag-alis ko, walang issue whatever. Maayos ang pag-alis ko doon," sagot ni K.

Ngayong lumipat na si K sa Dos, sa tingin kaya niya ay mami-miss din niya ang mga Kapuso niya dati?

"Oo naman siyempre," mabilis niyang tugon. "Wala naman kasi akong naging problema e. Hindi nagkasamaan ng loob at maayos ang pagpunta ko sa Dos.

"Sa Siete ako nagsimula at wala akong masasabi talaga sa kanila. Sila ang nagbigay sa akin ng break at tinatanaw ko itong malaking utang na loob. Ang utang na loob ko sa GMA, hindi mawawala ‘yon kahit na ano'ng mangyari," seryosong pahayag ni K.

NEW HOME. Ano ang feeling niya sa kanyang bagong tahanan?

"Nakakapanibago, pero nakaka-excite din. Challenge din ito, e. Parang bagong bahay at bagong buhay ito, e. Ang ano kasi rito, magandang role yung ibinigay sa akin sa My Girl. Hindi ako magko-comedy dito, talagang isang kakaibang opportunity ang ibinigay sa akin at ibang K Brosas ang mapapanood nila dito. Kontrabida ako dito kaya isa na akong ganap na aktres!" nakatawang saad niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nilinaw ni K na walang nag-trigger ng kanyang paglipat.

"Wala namang nag-trigger, talagang maganda lang yung offer na My Girl. At the same time, wala na rin akong show sa kabila, e. Hindi ko naman hiningi yung role na ito, talagang dumating lang siya. And siguro, it's about time na raw, ngayon na raw ang panahon ng pagbabago," pahayag ng singer-comedienne.

Ibig bang sabihin ay magpapaka-aktres na siya ngayon at saka na muna ang pagkanta?

"Ay, hindi mawawala yung singing!" sambit ni K. "Karugtong na ng buhay ko ‘yan, e. Mapapanood pa rin ako sa Zirkoh Greenhills every Wednesday at sa iba pa. Pero hindi rin natin alam kasi kung ano ang mangyayari, kung ano ang ibigay ng Diyos. Bahala na."

Sinabi rin ni K na welcome development sa kanya ang bagong karakter niya at hindi niya iniisip na mahirapang mag-adjust mula sa pagiging komedyante sa pagiging kontrabida.

"Hindi naman, hindi ko iniisip ‘yon. Welcome sa akin ang opportunity na ito, kakaibang challenge kasi ito sa akin, e. Para naman malaman ng mga tao na marunong din akong umarte. Charot!" nakatawang hirit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang tingin ni K kay Kim na siyang gaganap na bida sa My Girl?

"Napaka-sweet niyang bata," sagot ni K. "Actually, lahat ng bagets na kasama ko sa My Girl, napakalalambing at mababait sila, walang reklamo sa trabaho, magagaling sila. Siyempre ako yung medyo nahihiya dahil bagong lipat, e, samantalang sila ay magkakakilala na. Pero mabuti na lang at mabilis akong maka-adapt at naging close ko agad sila."

K IN WOWOWEE. Lately ay ilang ulit lumabas sa Wowowee si K. Ibig bang sabihin nito ay posibleng maging regular na rin siya sa programa ni Willie Revillame?

"Guest-guest lang, bale nakaka-apat na ako dun. Kung magiging regular ako, oo naman, gusto ko, why not? Basta ako, kung saan may trabaho ay go lang nang go!" sabi ni K.

Dahil sa Eat Bulaga! siya nagsimula noong year 2000, hindi kaya siya makantiyawan o maisyuhan niyan dahil katapat nito ang Wowowee?

"Actually, ginawan talaga ng parang isyu nang nag-guest ako sa Wowowee noong unang lumabas ako. Parang nakantiyawan tayo, pero okay lang ‘yon. Pero trabaho lang naman ‘yon at walang personalan. Mahirap ang buhay ngayon kaya kung saan dumating ang trabaho, doon siyempre tayo," pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi kaya sila magkasawpawan ni Pokwang sakaling maging co-host siya ng Wowowee?

"Ay hindi!" mabilis niyang tugon. "Never, and in fairness to me, may iba siyang atake at iba rin ako. Magaling si Pokwang kaya dapat ay hindi yung sapawan, dapat ay nagko-compliment kami, dapat ay nagbibigayan.

"And napansin ko nang nag-guest ako sa Wowowee, wala akong masasabi kay Pokwang. Ako kasi, medyo naiilang pa ako, e, pero siya, talagang binibigyan niya ako ng pagkakataon, sobrang inalalayan niya ako. Kaya hindi uso yung sapawan at nagpapasalamat ako kay Pokwang talaga."

Read Next
Read More Stories About
K Brosas, Pokwang
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakapanibago, pero nakaka-excite din. Challenge din ito, e. Parang bagong bahay at bagong buhay ito, e," says comedienne K Brosas about being a Kapamilya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results