The friendship between Kaputol ng Isang Awit stars Lovi Poe (left) and Glaiza de Castro (right) is reportedly under pressure because of their show. The two play rival singers in the said GMA-7 afternoon soap.

Photo: Courtesy of GMA-7

Hindi na kailangang mag-ingay pa ang Sine Novela ng GMA-7 na Kaputol Ng Isang Awit nina Glaiza de Castro, Lovi Poe, Jolo Revilla, at Marky Cielo. Bukod kasi sa patapos na ito in four weeks, napakataas pa rin ng tinatamasang official Mega Manila ratings nito based on the reports released by AGB Nielsen Philippines.

 

The seventh Sine Novela is creating its own record. Consistent ang over- 20-percent rating nito since last week and for two days in a row, Thursday (May 15) and Friday (May 16), nag-25 percent ito.

 

Patapos na rin ang taping ng Kaputol ng Isang Awit dahil advanced taping ito sa direction ni Mike Tuviera. Ngunit kung kailan nga magtatapos ang soap ay saka kami nakakarinig ng mga bagong issues involving the stars.

 

Tunay na magkaibigan sina Glaiza de Castro at Lovi Poe, playing Sarah and Joanna, respectively. Pero dahil sa nalalapit na musical showdown ng dalawa sa ending ng series, tila nagkaka-pressure ang friendship nila at parang nagiging totoo ang rivalry nila.

 

Ayon sa isang source na konektado sa Kaputol ng Isang Awit, hanggang "hi and hello" lang daw ngayon ang dalawa sa set at kung hindi man nila dinidedma ang isa't isa, hindi naman sila nag-uusap nang tulad ng dati.

 

Showdown daw talaga kasi ang mangyayari sa last part of the soap at magtatagisan ng talento sa pagkanta sina Glaiza at Lovi, both accomplished singers naman. Dagdag ng aming kausap, siguro raw ay nakadagdag sa tensiyon ng dalawa na magkahiwalay sila ng taping units during the last days of taping.

 

Pero may narinig kami na part of the rivalry ay ang mismong co-star nilang si Marky. Si Lovi ang unang naka-partner ni Marky noon sa Bakekang at Zaido. Hindi rin naman ito ang first partnership nina Glaiza at Marky dahil nagkasama na sila noon sa last part ng Fantastikids at sa Boys Nxt Door.

 

Balitang cool off daw ngayon sina Lovi at Jolo dahil may dagdag pressure din sila sa ina ni Lovi that they're becoming too close.

 

Samantala, hinahanda na rin ang magiging kasunod na Sine Novela ng GMA-7 when Kaputol ng Isang Awit ends next month. Ito ay ang 1982 Viva Films movie Gaano Kadalas ang Minsan?—which starred Vilma Santos, Hilda Koronel, and the late Dindo Fernando—na at press time ay wala pang final cast.