PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

First movie of Piolo Pascual and Angel Locsin to be filmed in Australia

Piolo and Angel had an exciting show at The Block to promote "Lobo."
by Julie E. Bonifacio
Published May 20, 2008
Piolo Pascual and Angel Locsin will begin shooting their first movie together for Star Cinema after they finish taping their teleserye Lobo.

Dinumog ng mga fans sina Piolo Pascual at Angel Locsin sa mall show ng teleserye nila sa ABS-CBN na Lobo sa The Block ng SM North Edsa last Sunday, May 18. Sabay na dumating sina Piolo at Angel past four in the afternoon sa The Block.

After ng exclusive interview nila para sa The Buzz, nagpaunlak ng kani-kanilang song numbers sina Piolo at Angel. During Angel's song number, muntik nang mahila pababa ang black-and-white tube blouse blouse ni Angel dahil sa mga fans na gusto siyang mahawakan. Pero nailayo naman agad si Angel ng maagap na production staff ng Star Cinema.

Sa kabila ng pangyayari, hindi pa rin umalis si Angel na enjoy na enjoy sa pagkaway sa mga nagtitilian at nagkakagulong fans. Pagkatapos ay nag-autograph signing pa sina Piolo at Angel sa stage sa mga bumili ng DVD copy ng first season ng Lobo.

Nagkaroon din ng parlor games at trivia questions na nasagot naman ng mga fans, tulad na lang nang isa-isahin ang major characters ng show bukod kina Noah (Piolo) at Lyka (Angel). Very much aware din ang fans sa mga kaganapan sa show, tulad ng mamamatay na importanteng character this week sa Lobo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inihayag na rin Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na right after ng Lobo ay magsisimula na sila ni Piolo ng kanilang first movie together sa Star Cinema. Excited na, ngayon pa lang, si Angel lalo na nang malaman niyang sa Australia sila magsu-shoot ng movie nila ni Piolo.

So far, 'yon pa lang ang ibinigay na detalye ni Angel tungkol sa pelikula nila ni Piolo. Hindi pa raw puwedeng sabihin ang title, plot, at pati kung sino ang magiging direktor nila. Sa ngayon, naka-focus muna sila ni Piolo sa taping ng mga susunod pang episodes ng Lobo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Piolo Pascual and Angel Locsin will begin shooting their first movie together for Star Cinema after they finish taping their teleserye Lobo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results