PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle changes her image to sexy TV host

Karylle will host Pinoy Idol Extra with Rhian Ramos.
by Ruel J. Mendoza
Published May 22, 2008
"It's a big change for me kasi you don't get to see me on a daily basis, di ba? Kapag Sunday lang talaga nila ako napapanood. Now, magkakaroon nga ako ng adjustment because they will watch me from Monday to Thursday, tapos sa weekends may participation din kami ni Rhian [sa Pinoy Idol]," says Karylle about hosting Pinoy Idol Extra.

Marami ang nagulat sa napaka-sexy na suot na damit ni Karylle sa launching ng Top 24 Pinoy Idol contestants na ginanap sa Teatrino sa Greenhills kagabi, May 21. Sanay na ang lahat na makitang nakasuot ng miniskirt si Karylle sa SOP tuwing Linggo, pero kagabi ay iba ang glow ng girlfriend ni Dingdong Dantes.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle sa backstage ng Teatrino, natawa lang ang singer-actress-TV host dahil narinig niya na nagbubulung-bulungan ang mga reporter na nasa loob ng venue nang lumabas siya na suot ang sexy green dress niya.

"Nagtataka ako because this is not the first time na nagsuot ako ng ganitong sexy na damit. I always wear miniskirts sa SOP, sa mga production numbers namin. Pero I guess mas napansin lang nila ako ngayon kasi wala akong ibang girls na kasama. Kumbaga, na-highlight ang suot ko tonight," nakangiting saad ni Karylle.

NEW IMAGE. Sina Karylle at Rhian Ramos ang napili ng GMA-7 to host Pinoy Idol Extra. Ipapakita sa naturang show ang mga backstage and unguarded moments ng Top 24 Pinoy Idol contestants bago sila ma-trim down to 12.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Karylle, required daw siya na magmukhang sexy parati dahil gustong ilabas ng GMA-7 ang bagong image niya as a TV host.

"Yun nga ang sabi nila sa akin, na I have to be like this because it will be a new image for me," sabi niya. "They said na it's my time to shine sa center stage. Okay naman sa akin ‘yon, e. It's a big change for me kasi you don't get to see me on a daily basis, di ba? Kapag Sunday lang talaga nila ako napapanood. Now, magkakaroon nga ako ng adjustment because they will watch me from Monday to Thursday, tapos sa weekends may participation din kami ni Rhian [sa Pinoy Idol]."

Dahil sa magiging hectic na ang schedule ni Karylle ay tinanggihan niya ang offer sa kanya para maksama sa isang soap opera.

"Sayang nga yung soap drama, pero I really have to choose, e. Or else, ako rin ang mahihirapan. Mas nauna kasing dumating itong Pinoy Idol Extra and okay naman ang magiging exposure ko because main host ako ng daily show na ito. At mukhang fun-fun ang magiging work ko because I will get to interact with the contestants para makilala natin sila nang husto," paliwanag ni Karylle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DINGDONG KNOWS. Alam ba ni Dingdong na ganito ang magiging image niya ngayon as a TV host? May approval ba ito ni Dingdong?

"Oo naman. Dong knows na suot ko ito!" malakas na tawa ni Karylle. "Sa lahat naman ng mga ginagawa ko, alam ni Dong and he's not against a lot of things. May mga konting restrictions siya, pero okay lang naman ‘yon. Hindi naman unreasonable ang mga bawal sa kanya.

"When it comes naman to my career, like this one in Pinoy Idol Extra, he's all out sa pagsuporta sa akin. He's the one pa saying na he's proud of me because he knows na kaya ko. That's how he's supportive sa akin. Alam naman niya na I also support his career and I am very happy sa mga nangyayari sa kanya ngayon," pagwawakas ng singer-actress-TV host.

Read Next
Read More Stories About
Karylle, Dingdong Dantes
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"It's a big change for me kasi you don't get to see me on a daily basis, di ba? Kapag Sunday lang talaga nila ako napapanood. Now, magkakaroon nga ako ng adjustment because they will watch me from Monday to Thursday, tapos sa weekends may participation din kami ni Rhian [sa Pinoy Idol]," says Karylle about hosting Pinoy Idol Extra.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results