"Gusto ko yung wala munang ibang iniintindi. Trabaho lang. Enjoy rin ako sa ganito. Hindi ko hinahanap ang love life," says Carla Humphries.

Photo: Noel B. Orsal

Nag-celebrate ng kanyang 20th birthday si Carla Humphries noong May 20 habang nagtatrabaho. She opted to be busy with work kaysa naman magpa-party pa siya. Sinalubong niya ang nakaraang kaarawan niya sa taping ng Ligaw na Bulaklak at doon ay binati siya ng mga katrabaho niya, pati ang production staff, kaya parang nagkaroon na rin ng party sa set.

"I guess, mas okey yung ganoon, na nagbe-birthday ako habang nagtatrabaho. Ibig sabihin, I will have more work to do. Na yun lang naman ang gusto ko, habang hindi pa talaga nagpi-peak ang career ko," sabi pa ni Carla.

LOVE TRIANGLE. Masaya si Carla dahil maganda ang role niya sa Ligaw na Bulaklak, bilang kaimbyernahan ni Roxanne Guinoo. Magkakaroon ng twist sa bandang huli ng teleserye at magiging magkaibigan sila ni Rox sa istorya.

"Ang makaka-triangle ko talaga rito, sina Erich Gonzales at Matteo Guidecelli," sabi pa ni Carla.

"Okey naman sila. Si Matteo naman, parang bata. I'm not saying na batang-isip siya, pero he's still a kid for me. Pero, mabait siya. Magaan silang katrabaho ni Erich.

"At saka, talented si Matteo. Magaling pa siya sa sports racing. Astig," patuloy ng aktres.

Si Carla rin ang latest endorser ng Tangerine, isang brand of statement shirts. Nagpa-pictorial pa siya recently for Preview Magazine kasama ang ibang ABS-CBN talents. May mga kasama rin silang GMA-7 artists like Lovi Poe, Glaiza de Castro, at Rhian Ramos para sa concept ng pictorial.

"Sayang nga, dahil separate kinunan yung para sa ABS-CBN talents. Maganda sana kung sama-sama kaming lahat," napapangiti na lang si Carla.

NO LOVE LIFE. Kinumusta namin ang love life niya. Mula nang mag-split sila ni Janus del Prado, parang na-trauma na ba siyang makipagrelasyon?

"No, hindi naman," paliwanag agad ni Carla. "Alam naman siguro ninyong hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Janus.

"'Pag nagkikita nga kami, naaalangan pa kaming lumapit sa isa't isa. Lalo na noon, parang iniisnab pa niya ako. At least, may kanya-kanya na kaming buhay, kaya huwag na lang nating pag-usapan.

"I'm happy this way. Especially now, a year has added on to my life, mas gusto kong mag-concentrate muna sa career ko. Hindi naman sa ayoko nang makipagrelasyon uli sa isang taga-showbiz, pero mas gusto ko yung tahimik na muna ang buhay ko.

"Gusto ko yung wala munang ibang iniintindi. Trabaho lang. Enjoy rin ako sa ganito. Hindi ko hinahanap ang love life," aniya pa.

NOTHING WITH VICTOR. Kumusta na sila ni Victor Basa? Pinanood nga raw niya ang Coverboys show sa Music Museum, and Victor thanked her personally.

"He made an effort to invite me, and I was there for him. Okey naman kami ni Victor, pero hindi talaga kami naging mag-on. As in, wala, kahit mutual understanding," at saka natawa si Carla.