Pooh impersonates Manny Pacquiao and Mike Velarde cautiously

Julie Bonifacio
Tuesday, June 03, 2008 @ 11:47AM  |  9912 views

 

"May mga impersonator na ginagawang talagang...dinidikdik na nila nang husto ang kanilang ini-impersonate. Ako naman, hindi. Ginagaya ko talaga kung paano siya magsalita. ‘Tapos dinadagdagan ko na lang para mas nakakatawa," says comedian Pooh about his style in impersonating well-known people like boxing champ Manny Pacquiao.

Photo By: Noel B. Orsal














Mahilu-hilo ang komedyanteng si Pooh nang mapanood namin siya sa rehearsal ng show nila ni Pokwang, na pinamagatang Poohkwang, sa Music Museum. Panay kasi ang lifting sa kanya ng dancers para sa opening number ng show. Magsisimula na ngayong June 6, Friday, ang Poohkwang at ipalalabas sa lahat ng Friday at Saturday ng buwan na ito.

"Kaya ‘yan," paniniyak ni Pooh na mape-perfect din niya ang 20-minute opening number nila ni Pokwang sa show. "At least, kahit papa'no napatunayan ko na marunong din pala akong magsayaw."

Hindi kaya magsapawan sila ni Pokwang sa show?

"Wala, walang sapawan. Napag-usapan namin nang maaga pa. May suggestions siya sa akin. May suggestions din ako sa kanya, ‘O, ‘eto ang isagot mo. ‘Eto ang sasabihin ko. ‘Eto ang sasabihin mo, ‘eto ang isasagot ko.'

"Biglaan lang. Habang nagre-rehearse kami may nadadagdag. May nadadagdag na spiels na talagang nakakatawa po."

THE NEW AI-AI AND ALLAN K. Ayon sa direktor ng show, si Andrew del Real na kilalang mentor ng mga sikat na komedyante ngayon at dating comedy-bar host din, inihahalintulad niya sina Pokwang at Pooh sa tandem noon nina Popoy at Poleng.

Dagdag pa ni Andrew, sila na rin daw ang susunod na Ai-Ai delas Alas at Allan K ng showbiz.

"Hindi kaya mukhang mayabangan tayo niyan? Ambitious, ganun?" tanong ni Pooh kay Pokwang sa presscon ng Poohkwang.

"Actually, magagaling naman po talaga ang mga yun. Sobrang hinahangaan namin sila kaya okey rin lang. Tanggapin na natin," sabi niya ulit kay Pokwang.

Ano kaya ang tingin ni Pooh sa sarili kapag nagpe-perform siya?

"Inaano ko na sulit yung bayad nila. Kailangan ibigay ko yung best at hangga't maaari ayokong sila yung magiging...kukunin ko para mapagtawanan.

"So, ang ginagawa ko, ang sarili ko talaga ang pinagtatawanan ko. Ganun po. Gusto ko yung ganyan, tulad ng sinabi ni Pokwang. Nagbayad, pumasok, manonood...parang ganun po."

FROM REY TO POOH. Sino ang nagbigay sa kanya ng pangalan niya na Pooh?

"Ah, yung sa akin, yung Pooh kasi...naaalala ko sa Nota't Kwela—isang napakaliit na sing-along bar sa Caloocan na hindi talaga siya nakilala, pero wala na rin po—hinahanapan ako ng pangalan. Ang tunay ko po kasing pangalan Reynold Garcia. So, dati po, meron dating talent si Mamu [Andrew del Real] na Rey.

"So, kung magre-Rey ako, may Rey na, si Rey Kilay. So, sabi niya mag-alyas ka na lang ng kahit na ano. E, naalala ko, high school pa lang nagko-collect na ako ng Winnie the Pooh. So, doon ko pa siya kinuha, yung Pooh. Ayoko namang mag-Winnie kasi hindi naman ako babae."

1  2  3  Next »

Related Articles

Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name