PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chynna Ortaleza just waiting for chance to do TV hosting

But Chynna doesn't feel bad if she is not given a TV hosting job.
by Rose Garcia
Published Jun 6, 2008
"Sa akin naman kasi, hindi naman kasi nila tinatanggal ang pagiging actress ko. Alam naman nilang matagal ko rin namang pinaghirapan. Binibigyan naman nila ko ng mga corporate events kung saan ako ang kadalasan na ipinapadala nilang host. Pero yun, sana nga, mabigyan din nila ko ng opportunity sa hosting sa TV din," says Chynna Ortaleza.

Nang magkaroon ng image plug ang GMA Artist Center, nilinya ang young actress na si Chynna Ortaleza as host. Pero kung mapapansin, tila napakatagal na yata since her last hosting job on television.

Ayon kay Chynna, naghihintay lang siya kung kailan siya mabibigyan ng Artist Center ng pagkakataon sa TV hosting. Pero alam naman daw ng management niya na isa ito sa mga gusto niyang gawin.

"I don't know... I'm just waiting for them to give me a hosting stint. But then, they opted to give me drama, ito ngang sa Codename: Asero, which is also good kasi it's primetime."

Dugtong pa niya, "Sa akin naman kasi, hindi naman kasi nila tinatanggal ang pagiging actress ko. Alam naman nilang matagal ko rin namang pinaghirapan. Binibigyan naman nila ko ng mga corporate events kung saan ako ang kadalasan na ipinapadala nilang host. Pero yun, sana nga, mabigyan din nila ko ng opportunity sa hosting sa TV din."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Anong nararamdaman ni Chynna kapag instead na siya, ibang artista ng Artist Center ang inilalagay sa mga project na host ang kailangan? Isang halimbawa na rito ang Pinoy Idol Extra. Marami ang nagsasabi na sa packaging sa kanya, puwedeng-puwede siyang isama kay Karylle as host, rather than Rhian Ramos, na actress naman ang linya.

Ayon kay Chynna, may ilan na nga raw na nagsabi sa kanya nito at ilang comments din na nabasa kahit dito sa PEP. Pero katuwiran niya, "Sa totoo lang, nakaka-flatter kung may nag-iisip na puwede akong maging host tulad sa Pinoy Idol Extra, if ever. Naniniwala ako na magandang hosting job yun. Pero simple lang din yun, e. Hindi sa akin, so bakit ko pa iisipin?"

May tampo ba siya kapag hindi siya ang nabibigyan ng priority sa mga trabahong puwede naman niyang gawin?

"Wala!" mabilis niyang sagot. "Kasi kapag ganoon, nakakapagod kapag may tampo kang nararamdaman or may bad vibes. Mas lalong bumibigat ang pasok ng blessing. So, dedma na lang. Naniniwala kasi akong kapag akin talaga, sa akin talaga ibibigay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
Read More Stories About
Chynna Ortaleza, Rhian Ramos
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa akin naman kasi, hindi naman kasi nila tinatanggal ang pagiging actress ko. Alam naman nilang matagal ko rin namang pinaghirapan. Binibigyan naman nila ko ng mga corporate events kung saan ako ang kadalasan na ipinapadala nilang host. Pero yun, sana nga, mabigyan din nila ko ng opportunity sa hosting sa TV din," says Chynna Ortaleza.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results