"Ang role namin ni Matt sa Iisa Pa Lamang, mala-Romeo and Juliet ang ipinagbawal na pag-ibig. Kasi ang mga pamilya namin, magkakaaway dahil sa pulitika. Yung role namin, hindi na ito pa-cute. Binigyan talaga kami ng chance ng ABS-CBN para maipakita sa tao yung acting skills namin," lahad ni Melissa sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 8, pagkatapos ng ASAP '08, kung saan mainstay ang young actress.
Bilang paghahanda sa Iisa Pa Lamang ay nagkaroon sila ng acting workshop. Puring-puri ni Melissa ang comebacking actor na si Gabby.
"Sobrang bait talaga ni Gabby, sobrang approachable," sambit ng young actress."
Aware ba si Melissa na sikat na sikat dati si Gabby?
"Naikukuwento lang sa akin ni Mommy. Si Gabby Concepcion, daddy nga raw ni KC, ganyan. Pero hindi ko talaga siya napapanood sa movies. Baby pa lang yata ako nung sikat na sikat siya at yung love team nila ni Sharon [Cuneta]. Kaya hindi ko nga siya napapanood," saad ng 18-year-old na Melissa.
MATT IS NOT HER SUITOR. Hiwalay na si Matt sa girlfriend nito at co-housemate sa Pinoy Big Brother Teen Edition Season 1 na si Olyn Membian. After raw makipaghiwalay ni Matt kay Olyn ay niligawan niya si Melissa. Pero hindi raw pinalad si Matt na mapasagot ang ka-love team. In other words, basted daw si Matt kay Melissa. Gaano ito katotoo?
"Huh!" gulat na reaction ni Melissa. "Hindi naman nanligaw sa akin si Matt kaya paano ko siyang binasted? Walang ganun. Promise! Si Matt, close lang talaga kami. Hindi siya nanligaw o nanliligaw sa akin. Nang-aasar lang 'yan. Makulit lang kasi talaga siya."
JINX AWARD. Si Melissa ang itinanghal na Best New Female TV Personality sa 2005 Star Awards For Television ng Philippine Movie Press Club. May mga nagsasabi noon na sa pagkapanalo ni Melissa ay hindi siya sisikat at biglang mawawala sa sirkulasyon. Jinx daw kasi ang naturang award.
"May mga nagsasabi nga sa akin noon na malas yung award. Sabi ko, huwag naman sana. After kong manalo, si Marian [Rivera] ang sumunod sa akin, di ba? Tingnan n'yo naman siya, sikat na sikat ngayon at nagbibida na. At ako naman, sa awa ng Diyos, tuluy-tuloy pa rin naman ang mga project ko sa ABS-CBN at nabibigyan nila ako ng magagandang role. So, hindi malas yung award," pahayag niya.
Ano ba ang dream role ni Melissa?
"Ang gusto ko naman yung inaapi ako, sinasaktan, at sinasabunutan. Yung mala-Kristine Hermosa na role," sagot ng young actress na produkto ng Star Circle Quest.
