PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Director Brillante Mendoza explains frontal nudity of Coco Martin in "Serbis"

"There was no breach of trust," says Direk Dante.
by Dinno Erece
Published Jun 10, 2008
"Ilang taon na ba si Coco? Wala pa si Noel [Ferrer, Coco's manager] sa buhay ni Coco, marami na ang pinagsamahan namin ni Coco. In fact, kaming dalawa nga ang nagtutulungan para sa career niya," says director Brillante "Dante" Mendoza (left) about frontal nudity of Coco Martin (right) in the film Serbis.

"It's not a big issue," sagot ni director Brillante "Dante" Mendoza sa alleged frontal nudity ni Coco Martin for the Cannes competition movie Serbis.

Mga Filipino na nasa France at nakapanood sa pelikulang Serbis during the Cannes International Film Festival ang unang mga nag-post sa pagkakaroon ng frontal nudity ni Coco for the said movie. Kumalat ito sa Internet kung kaya't hindi pa man nakababalik ang contingent of the movie who went there, may advance buzz na agad ito.

Nagkita kami nina Coco and his manager Noel Ferrer sa Starbucks Tomas Morato the night Coco arrived from France. Dala pa ni Coco ang mga magazines at diyaryo na featured ang pelikula nilang Serbis.

Tinanong agad namin si Coco kung totoong nagkaroon siya ng frontal nudity, pero si Noel na ang sumagot para sa alaga niya. Ang explanation ni Noel, there was a "breach of trust" daw. In not so many words, there was supposed to be no such scene in the movie dahil wala ito sa usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

To downplay this, Noel said tutal hindi naman daw ito maipapalabas sa Pilipinas-meaning the frontal nudity scene-so why talk about it.

Kaninang tanghali, June 10, nagbigay ng interview si Direk Dante for Serbis na ipalalabas na rito sa June 18.

Sunud-sunod ang naging tanong namin sa direktor. Na sa tono nina Noel at sa non-talking ni Coco, halata silang may tampo kay Dante. Na may breach of trust daw sa pagkakaroon ng frontal ni Coco. At na wala raw ito sa script.

"There was no breach of trust," sagot ni Dante. "Ilang taon na ba si Coco? Wala pa si Noel sa buhay ni Coco, marami na ang pinagsamahan namin ni Coco. In fact, kaming dalawa nga ang nagtutulungan para sa career niya."

Both the director and the actor's breakthrough project was Masahista. They also worked together for Siquijor and Tirador, all exhibited internationally.

"Siguro naman, basta project ko, hindi na namin kailangan pag-usapan ni Noel. Saka bakit sila magtatampo? Napanood na ba nila ang pelikula?" pahaya ni Direk Dante.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Coco allegedly did not watch the movie during the gala screening of the movie last May 18 and also the press preview done the day before.

"Nahagip lang kasi ito, hindi intentional. Ang eksena kasi, nagme-make love sila ni Mercedes [Cabral, a new actress]. Ang mga actors kapag umaarte na, hindi na nila pinapansin ang camera angle. Ako naman, maraming shots ito, hindi ko pa alam kung ano ang gagamitin sa final edit," paliwanag ng direktor.

Dagdag niya, "Hindi na ito dapat maging issue. Hindi naman ito ang highlight ng pelikula. I thought they would understand."

Surprisingly, there are more daring scenes in the movie that Coco's unintentional frontal would pale in comparison.

"Si Gina [Pareno] nga, first time niya ring napanood ang pelikula, nanlamig siya. May eksena kasing naliligo siya ng nakahubad pero nakatalikod lang. May isang eksenang kailangan doon na binabaan si Kristoffer [King] ng isang babae. Yun ang frontal at ginawa talaga, pero wala namang reklamo kay Kristofer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang dami kong iniisip noon. Mahahabol ko ba ang movie sa deadline ng Cannes? Matatanggap ba ito?

"Siguro ang pinakamalaki kong pagkakamali, hindi ko nasabi sa kanila [Coco and Noel] na, ‘O, merong eksena na mahahagip ang harap mo a."

We asked Dante kung ipalalabas ba ito pati na rin ang iba pang daring scenes this June 18.

"Kung papasa sa MTRCB," sagot niya.

Nabili na ng Fortissimo ang international distribution rights ng Serbis. Nagkita na raw sila ni Coco at maayos naman ang naging usapan nila. Regular pa rin daw ang communication nila ni Coco through text.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ilang taon na ba si Coco? Wala pa si Noel [Ferrer, Coco's manager] sa buhay ni Coco, marami na ang pinagsamahan namin ni Coco. In fact, kaming dalawa nga ang nagtutulungan para sa career niya," says director Brillante "Dante" Mendoza (left) about frontal nudity of Coco Martin (right) in the film Serbis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results