PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann and Ryan fail to attend London premiere of "Caregiver"

Sharon cuts her trip to attend Rudy Fernandez's wake.
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 10, 2008
Judy Ann Santos and boyfriend Ryan Agoncillo (inset) were not able to attend the premiere of Sharon Cuneta's movie, Caregiver, in London. According to a report, Ryan had to rush back to Manila because of a family emergency.

By this time ay posibleng dumating na ng Pilipinas ang Megastar na si Sharon Cuneta mula sa successful premiere ng Caregiver sa Rome, Italy. Pinutol ni Sharon ang pamamasyal sa Rome, pati na ang pagkikita sana nila ng asawang si Senator Francis "Kiko" Pangilinan" at mga anak na sina Frankie at Miel sa U.S.

Bago ang screening ng Caregiver sa Rome ay nanggaling naman si Sharon sa London, kung saan kinunan ang 80 percent ng pelikula. Sa London ay inasahan ang pagdating sana ng magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nagpunta sina Judy Ann at Ryan sa Europe after ng birthday ni Juday last month for a vacation. Nangako raw si Juday na manonood ng pelikula ng kanyang Ate Shawie sa London. But sad to say, hindi sila nakarating sa isa man sa screenings ng Caregiver sa London.

Mula sa TFC Global Limited na si Mickey Muñoz na nasa Europe, kinumpirma niya ang report na hindi nga nakapanood sina Juday at Ryan ng Caregiver sa London.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Mickey, "Ang alam ko invited sila ni Mega to watch, pero nagpasabi na days before the screening na hindi makakarating because of conflict of schedule. Pero dinalaw nina Juday and Ryan si Mega sa hotel the night before the premiere.

"Si Ryan is also supposed to appear in the TFC Hour sa Fiesta in Dubai and Milan this week, pero kinailangan niyang umuwi sa Pilipinas. I think a close friend or relative ay nag-aagaw buhay kaya napauwi siya sa Pilipinas nang mas maaga. Dapat sa Tuesday pa ang uwi nilang lahat. Pero hindi ako masyadong sure sa reason ni Ryan. Basta sabi niya, may family emergency siya sa Manila."

Going back to Sharon, bumiyaheng mag-isa si Sharon pabalik ng Pilipinas sakay ng Thai Airways. Dapat ay sa Cathay Pacific siya sasakay along with JD Ching ng Star Cinema, si Penny na kanyang secretary, at si Peachy na kanyang makeup artist.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi raw kasi na-confirm ang mas maagang Cathay Pacific Flight nila pabalik ng Pilipinas kaya napilitan siyang humanap ng ibang flight. Bumiyaheng mag-isa si Sharon para lang makapunta agad sa burol ng kaibigang si Rudy Fernandez. Wala na rin kasing available three slots para sa tatlo pa niyang kasama.

Tinext ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Ryan na si Noel Ferrer para alamin kung may nangyari sa pamilya o kaibigan ng boyfriend ni Juday. But at press time, wala pa kaming natanggap na reply from Noel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos and boyfriend Ryan Agoncillo (inset) were not able to attend the premiere of Sharon Cuneta's movie, Caregiver, in London. According to a report, Ryan had to rush back to Manila because of a family emergency.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results