Action superstar Rudy Fernandez, who died last June 7, was finally laid to rest at 3 p.m. today, June 12, at the Heritage Park, Taguig City.
Goodbye, Daboy
Thursday, June 12, 2008
02:25 PM
Ngayong Araw ng Kalayaan ay araw rin ng libing ng action star na si Rudy Fernandez.
Hinatid na sa kanyang huling hantungan si Rudy kaninang bandang alas-tres ng hapon, June 12, sa Heritage Park & Crematorium sa may Fort Bonifacio, Taguig City.
Pero ilang oras bago ang misa ay pinatugtog ang awiting nilikha ni Tirso Cruz III para sa yumaong aktor. Karamihan ng mga dumating para sa libing ni Rudy ay naka-puti, sa pangunguna siyempre ng kanyang maybahay na si Lorna Tolentino at ang kanilang mga anak na sina Ralphe at Renz, at ang dating karelasyon ng aktor na si Alma Moreno at ang kanilang anak na si Mark Anthony Fernandez.
Naroroon din siyempre ang pinakamalalapit na kaibigan nina Rudy at Lorna na sina Jinggoy Estrada and wife Precy Ejercito, Bong Revilla and wife Lani Mercado, Phillip Salvador, Tirso Cruz III and wife Lyn Ynchausti, Christopher de Leon and wife Sandy Andolong, Amy Austria, Gina Alajar, Fanny Serrano, Isabel Rivas, at ang manager nina Rudy at Lorna na si Lolit Solis. Mababanaag sa mukha ni Lolit ang masidhing kalungkutan.
Bukod sa kamag-anak at mga malalapit na kaibigan ng pamilya Fernandez, namataan din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina former President Joseph Estrada, Susan Roces, Kris Aquino, Robin Padilla, Raymart Santiago and Claudine Barretto, Boots Anson Roa, Gabby Concepcion, Jackie at Beaver Lopez, Edgra Mortiz, Jestoni Alarcon, Ernie Garcia, Rez Cortez, at ang buong Gutierrez family.
Eksaktong ala-una ng hapon nagsimula ang misa para kay Rudy sa loob ng pinag-isang apat na chapels ng Heritage Park. Si Fr. Sonny Ramirez ang nagbigay ng Homily.
Pagkatapos ng misa ilang minuto bago mag-alas dos ay lumapit sa harapan ng kabaong ni Rudy ang kanyang misis na si Lorna at ang mga anak ng aktor para sa final viewing. Habang nagmimisa ay composed na composed si Lorna, pero hindi na rin niya napigilang maiyak pagkatapos.
Pagkatapos nina Lorna at ang mga anak ng aktor, lumapit na rin ang mga kamag-anak at kaibigan ni Daboy. Si Senator Jinggoy Estrada ay walang tigil sa pag-iyak habang minamasdan ang kanyang yumaong best friend.
Bandang 2:30 p.m. naman nang ilabas ang mga labi ni Rudy papunta sa paglilibingan niya sa loob din mismo ng Heritage Park. Inilagay ang kabaong ng aktor sa isang horse-drawn carriage para sa martsa papunta sa kanyang himlayan.
Pagdating sa mismong paglilibingan ay nagpaalam na sa huling pagkakataon ang pamilya, kamag-anak, at mga kaibigan ni Rudy. Naglagay rin sila ng mga bulaklak sa kabaong, na binalutan ng Philippine flag.
Bago tuluyang ilibing ang mga labi ni Rudy ay nagkaroon din ng gun salute at nagpalipad din ng mga puting kalapati bilang pagpupugay sa isang mabuting anak, asawa, ama, kaibigan, at alagad ng sining.
Yumao si Rudy noong June 7, 2008, pagkatapos ng halos dalawang taong pakikipaglaban sa sakit na cancer. Fifty-six years old ang aktor nang bawian siya ng buhay.
Nawala man si Daboy ngunit ang mga magagandang alaala na iniwan niya sa lahat ng taong nagmamahal sa kanya at maging sa kanyang mga tagahanga, sa pamamagitan ng kanyang mga pelikula at palabas sa telebisyon, ay mananatili habambuhay.
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just key in PEP ON and send to 4627. Available to all Sun, Globe, and Smart subscribers.
More News
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 8): Four new shows make strong impact on the ratings game HOT
- Bing Loyzaga dismisses malicious rumor linking her to Jake Cuenca
- Richard Gutierrez and PEP finally find peace HOT
- Angelica Panganiban wants to settle down with boyfriend Derek Ramsay someday
- Sam Milby has separate projects with Anne Curtis and Maja Salvador
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top HOT
-
Looking Back
Paulo Avelino admits he almost courted Jennica Garcia
Paulo moves to leading-man status via "Ina, Kasusuklaman Ba Kita?"
-
Controversies
The daughter of QC Mayor Sonny Belmonte hails from the NGO sector.
-
Television
The PBB Double Up Big Five will face a series of "Big Events" this week
These events will help viewers determine the Big Winner this season.
-
Fashion and Beauty
FASHION FAD: The thing to WATCH out for!
Join Dimples Romana and Megan Young on their watch-shopping.
Most Popular
- Sharon Cuneta on her adopted son: "I think yung nag-iba lang, hindi siya lumabas sa akin. But I chose to be his mother."
- Shaina Magdayao speaks up about her split with John Prats
- Pokwang answers some issues about Wowowee
- Jolina Magdangal revamps herself with new look; changes manager
- Piolo Pascual admits KC Concepcion is part of his birthday wish
- PEP EXCLUSIVE: PART I Marlene Aguilar narrates the "violent environment" her son Jason Ivler grew up in
- Maricel Soriano returns from hibernation after her mother's death
- PEP EXCLUSIVE: Part III Marlene Aguilar: "Jason's fan club will change the world."
- AGB Mega Manila TV Ratings (Feb. 5-7): May Bukas Pa finishes on top
- Bayani Agbayani is thankful to GMA-7 for opening its door to him again
Advertisement


