PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Anne Curtis now tagged as "Dyosa ng Kagandahan"

Anne admits that Sam Milby is the closest man to her right now.
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 17, 2008
"Sulit! I mean, sobrang nag-e-enjoy ako sa taping ko. Yung bawat character talagang minamahal ko," beams Anne Curtis about her three different roles in ABS-CBN's Dyosa.

Mababanaag ang sobrang kaligayahan ni Anne Curtis sa panayam sa kanya ng The Buzz last Sunday, June 15, para mag-promote ng pinakabagong fantaserye ng ABS-CBN na pagbibidahan niya, ang Dyosa. Dahil dito, may bagong title na nga raw si Anne bilang "Dyosa ng Kagandahan."

Kaya tinanong si Anne ng hosts ng The Buzz na sina Ruffa Gutierrez, Cristy Fermin, at Boy Abunda kung ano ang pakiramdam kapag tinatawag siyang dyosa?

"Nakakatuwa? Nakakatuwa! Super-Thank You talaga!" todo-ngiting sagot ni Anne.

Hindi lang dyosa ng isa kundi tatlong aspeto ng kalikasan ang gagampanan ni Anne sa bago niyang programa sa ABS-CBN. Nagta-transform siya from being a human sa pagiging ibon, kabayo, at sirena.

"Mahirap po talaga," pahayag ni Anne tungkol sa kanyang role sa Dyosa. "I guess kailangan talaga mahal mo ang ginagawa mo. Kasi mahirap talagang tiiisin, yung oras mahaba. Kailangan may patience."

Saan ba siya mas nahirapan sa tatlong roles na ginagawa niya sa Dyosa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro yung pinakamahirap yung kabayo. Kasi matigas yung...mahirap talaga siya. It's very, very hard. It's fiber glass yung katawan niya," lahad ng young actress.

Sa kabila nito, sulit naman daw ang pagod ni Anne.

"Sulit," pagsang-ayon ni Anne. "I mean, sobrang nag-e-enjoy ako sa taping ko. Yung bawat character talagang minamahal ko. Actually, yung isa bilang bird, wala na yung red wig."

THREE LEADING MEN. Tatlo rin ang leading men ni Anne sa Dyosa—sina Sam Milby, Zanjoe Marudo, at Luis Manzano. Ngayon pa lang ay curious na ang audience malaman kung kanino siya mapupunta kina Sam, Zanjoe and Luis.

"Naku! Hindi ko puwedeng sabihin!" sambit niya.

Ibinalik ni Ruffa ang tanong kay Anne kung sino ba ang nagmamay-ari ng kanyang puso.

"In real life ba ito?" tanong naman ni Anne kay Ruffa.

"Si Sam ang real life, di ba? Nagho-holding hands na kayo dito [sa The Buzz]," pambubuking ni Ruffa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"As of now, yes," pag-amin naman ni Anne. "He's the closest to me and what we're going through right now, I mean, even though it's...hindi pa kami together. I want to clear that, we're not together yet. But you know, the cross of path we're taking, it's a beautiful experience."

Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis, Dyosa, Sam Milby
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sulit! I mean, sobrang nag-e-enjoy ako sa taping ko. Yung bawat character talagang minamahal ko," beams Anne Curtis about her three different roles in ABS-CBN's Dyosa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results