PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marvin Agustin cancels European vacation for "Gaano Kadalas Ang Minsan"

Marvin became an instant fan of the late Dindo Fernando after watching the original Gaano Kadalas Ang Minsan.
by Rose Garcia
Published Jun 21, 2008
"Ay, naku naman, worth it! Paano mo naman ipagpapalit ang show na ito sa ibang bagay? Kahit nga ano ibibigay ko rito," says Marvin Agustin about his latest GMA show Gaano Kadalas Ang Minsan.

Hindi pa man tuluyang namamaalam sa ere ang Babangon Ako't Dudurugin Kita, may bago na namang series ang actor na si Marvin Agustin—ang Sine Nobela ng GMA-7, Gaano Kadalas Ang Minsan. Marvin will play the same character na ginampanan ng namayapang aktor na si Dindo Fernando sa movie version nito.

IT'S GMA-7'S "FAULT." Kalabisan na nga sigurong sabihin na napakasaya ni Marvin being given the chance to portray challenging drama roles tulad ng sa BADK at ngayon naman ay sa Gaano Kadalas Ang Minsan. Sinasakyan na lang din nito ang biro sa kanya ng entertainment press sa presscon na ginanap sa Mandarin Suites ng Gateway Mall, sa Cubao, Quezon City, kahapon, June 20, na feeling desirable siya sa mga nagiging role dahil parehong pinag-aagawan siyang palagi ng mga babae.

Natatawang sagot nga niya, "Kasalanan ‘yan ng GMA, e. Ang sarap ng kasalanan na ginagawa ng GMA sa akin, sana palaging ganito. Araw-araw, Pasko!" sabi nga niyang natatawa habang kausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pabiro pa rin ang sagot niya when asked tungkol sa iba't ibang love scenes na ginagawa niya simula pa lang sa Babangon...at hanggang ngayon nga sa Gaano Kadalas Ang Minsan kunsaan, sina Diana Zubiri at Camille Prats naman ang kaeksena niya.

"Tumaas nga ang bill ng toothpaste ko, chewing gum, at saka mouthwash."

Seriously, aminado si Marvin na masuwerte siya bilang Kapuso dahil hindi siya nawawalan ng project and in fact, mabibigat na role pa ang naibibigay sa kanya.

"Ay sobra, masuwerte talaga! Kaya pinipilit ko ngang suklian at mas higitan pa ang expectations nila sa akin. I'm very happy," sey pa niya. Walang-wala raw siyang regret sa ginawang pagmu-move from Kapamilya to Kapuso.

Pakiramdam ni Marvin, babawi raw siya sa bago niyang Sine Nobela. Napakakontrabida raw kasi niya sa Babangon.

"Alam n'yo, very adult naman ang plot namin. Hindi siya yung usual na mabait. Tulad nga ng sinabi ni Direk [Gil Tejada], yung plot dito, pinahiram na asawa at makikita nila kung gaano naman ka-believable na ginawa na puwedeng mangyari sa totoong buhay kung ganoon kabigat ang sitwasyon. Kaya yung sitwasyon na yun, abangan n'yo."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Worth it daw na ipinagpalit niya ang European vacation niya para sa taping ng Gaano.

"Ay, naku naman, worth it!" mabilis niyang pagsang-ayon. "Ayoko na nga sanang umalis noon for Rome dahil sa show na ito, pero, kailangan kasi it was for GMA also. Pero

"'Yung supposedly mag-e-extend pa ‘ko, hindi na namin itinuloy kasi naman, paano mo naman ipagpapalit ang show na ito sa ibang bagay? Kahit nga ano ibibigay ko rito."

INSTANT DINDO FAN. Nang malaman daw na gagawin nga niya ang remake ng movie, pinanood niya ang DVD copy nito and instantly, he became a fan of the late actor, Dindo Fernando.

"I became a fan of Dindo Fernando dahil pinanood ko yung pelikula. And to be honest, hindi ko kasi siya naabutan at hindi ko rin napanood yung mga pelikula niya. Hindi ako nagkaroon ng interes na panoorin.

"Kaya noong pinanood ko ‘to, grabe, ganoon pala ang acting niya, ‘no? Parang hindi nagka-climax. Pero hindi nga lang puwedeng gawin ‘yung acting niya sa TV kasi, medyo boring, parang ibang level ang drama ng TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOVE LIFE. Isa rin sa pinag-usapan sa naturang presscon ay ang isyung nag-swimming sila ni Diana sa bahay niya sa White Plains, kunsaan, sinadya raw na iwan ng huli ang ginamit na bathing suit.

Bagama't lie ang naging resulta ng lie-detector machine na ginamit sa Showbiz Central nang sumalang siya sa "Don't Lie To Me" portion ng show, nagsasabi raw siya talaga ng totoo na hindi lang silang dalawa ni Diana ang magkasamang nag-swimming.

"Hindi po ako nag-lie do'n. Ang lie dun, si Corpuz, yung nag-aayos," nakangiti niyang sabi. "Ina-attest ko, hindi po talaga ako nagkamali roon."

Ayon kay Marvin, magkaibigan lang daw talaga sila ni Diana.

"Sa Asian Treasures magkatrabaho na kasi kami. Almost every day nagkikita kami sa Asian Treasures. Kahit walang trabaho, nagkakaimbitahang lumabas. E, ako nga hindi naman ako lumalabas, so, sa bahay lang talaga usually.

"'Tapos, isa pa, kapitbahay ko si Diana. Sa lahat ng iniimbita ko, siya lang ang pumupunta. Matagal ko na siyang katrabaho and I'm very comfortable with Diana. Nagkakasabihan na rin kami ng mga problema."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

After his relationship with Pauleen Luna, wala pa rin daw siyang nagiging girlfriend na masasabi niyang seryosohan talaga.

"Wala pa talagang naging serious. At saka, hindi naman ganoon kabilis. Ang pag-ibig naman hindi yan palagi. Of course, meron kang magugustuhan. But it's not somebody na magiging girlfriend mo talaga.

"Siyempre, kapag tumatanda ka, hindi naman lahat gusto mong i-girlfriend. May level of relationship. After Pauleen, wala pa talaga."

At 28, para kay Marvin, hindi pa rin daw love life ang priority niya.

"Probably, hindi pa rin po ako ganoon ka-ready. At saka, hindi naman po ako naghahanap. Ang relationship ko, dumarating naman ng kusa sa akin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ay, naku naman, worth it! Paano mo naman ipagpapalit ang show na ito sa ibang bagay? Kahit nga ano ibibigay ko rito," says Marvin Agustin about his latest GMA show Gaano Kadalas Ang Minsan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results