Very emotional si Ruffa Gutierrez nung birthday niya last Tuesday, June 24. Gusto na raw kasi niyang mag-move on sa episode ng buhay niya kung saan dumaan siya ng labis na sakit, especially sa kanyang love life. Kaya ayaw na raw muna niyang mag-entertain ng admirers na dumating nung birthday party niya last Saturday, June 21, courtesy of Dr. Vicki Belo.
ONLY GENTLEMEN ALLOWED. “Actually, ang peg ko para sa aking future na magiging bagong malapit na kaibigan, ang peg ko talaga will be my dad [Eddie Gutierrez]. Kailangan isa siyang parang isang tunay na gentleman katulad ni Eddie Gutierrez. So, ‘pag hindi po kayo gentleman, huwag na po kayong pumorma dahil basted agad kayo,” natatawang sabi ni Ruffa habang kausap ang PEP (Philippine Entertainment Portal).
Binati ba siya ng mister niyang si Yilmaz Bektas nung birthday niya?
“Oo, grineet na niya ako ng happy birthday.”
Ano regalo sa kanya ni Yilmaz?
“Naku, ang gusto ko lang gift mula sa kanya, sana peace. Sana huwag niya akong awayin.”
UPSET BY YILMAZ. Inaaway pa rin daw siya ni Yilmaz dahil sa mga nababalitaan niya sa mga news through TFC (The Filipino Channel) at sa Internet.
“Dahil sa news, lagi pa rin niya akong inaaway. Sana huwag na niya akong awayin. Sana he’ll find peace in his heart and ‘ayun, yun ang wish ko for him.”
Nag-react na ba si Yilmaz sa bago niya diumanong manliligaw na basketball player, si Reda Rhalimi, na kasamahan ni James Yap sa Purefoods TJ Giants?
“Nag-react na! Kaya upset ako. Oo, ang daming stress from all angles. May stress mula doon sa malayo, may stress sa bahay. Kaya siguro magtatrabaho na lang ako.”
Kaya ba naikuwento niya na napaiyak siya kamakailan, dahil ba yun sa reaction ni Yilmaz sa bago niyang manliligaw?
“Hindi, napaluha ako dahil lagi akong pinapahiya ng mommy ko. Binubuking-buking ako lagi," sabi ni Ruffa.
Ano naman ang assurance na ibinigay niya kay Yilmaz?
“Ang assurance ko sa kanya is I’m still not ready to open my heart, dahil ang nasa puso ko lang ngayon ay talagang wala—it’s empty and it’s dark. Buti na lang marami akong trabaho. So, kahit na minsan [‘pag] nalulungkot ako, my kids are still with me.”
Bakit siya napaluha?
“Ay, napaluha ako nung ka-chat ko siya. Kasi nagre-reminisce siya. Hindi, kasi nagre-reminisce kami ng mga old times namin. Yung ginawa niyang pagsu-surprise sa akin three years ago and sabi niya, two years na tayong hindi magkasama.
“Actually, three years na kaming hindi magkasama sa birthday ko. This year, last year na ginawa sa Alchemy [Pasig City] at saka three years ago. Kasi during that time he was held in custody, di ba?
“So, yun ang pinakamalungkot kong birthday. So, parang naisip ko lang yung mga nangyari noon,” kasunod ang hindi na napigilang pagluha ni Ruffa.
“Ayun, naging emotional lang ako. Hindi pa talaga ako ready,” naiiyak pa rin na sabi ni Ruffa.
“Ayun, saka yung wish ni Lorin and Vince na, ‘I wish my Mom and my Dad will get married again.’ Hindi ko ma-explain sa kanila kung bakit hindi puwede,” hagulgol na ni Ruffa.
“Ayun, kaya ako nagiging emosyunal. My God! Bakit ba ‘ko napaiyak?” Bawi naman bigla ni Ruffa na tila kino-compose ang sarili. “Siguro birthday ko, di ba? Hayaan ninyo na,” tila pakiusap naman niya pagkatapos.
CHANCE FOR RUFFA AND YILMAZ. Kuwento pa ni Ruffa, recently raw ay nagpunta ng Saudi Arabia si Yilmaz. Naalaala ni Ruffa na noong magkasama pa sila, madalas siyang niyayaya nito na pumunta sila sa Saudi. Gusto rin daw niya sanang sumama kung hindi lang sa kanyang mga commitments.
Sabi pa nga raw niya kay Yilmaz, “‘Malay mo, this will be a good start para maging happy na tayo.’ Matagal na yung lagi siyang nagagalit. I’m just so happy na natuloy siya without me. At least, natuloy pa rin siya kahit late. Yun nga lang, nakakalungkot dahil hindi na ako kasama.”
Wish kaya niya na magkabalikan sila ni Yilmaz?
“Hay, alam ninyo, there’s still, while you’re still alive… I mean, there’s always hope. Siyempre may chance. Yung ibang tao nga after 15 years nagkakabalikan.”
Ibig sabihin, hoping pa rin talaga siya na magkabalikan sila ni Yilmaz?
“I’m not hoping anymore. Kumbaga, isinara ko na yung chapter [na yun] sa buhay ko, but siguro kailangan ko lang mag-heal nang tuluyan. Kasi siyempre, may pamilya kami. May mga anak kami, so kailangang mag-heal fully yung mga wounds from the past.
“And I think with him din, nothing makes me happy. Kahit anong gawin niya, sabi niya, he’s building his dream house now. Ang nakakalungkot, hindi niya kami kapiling. So, nandiyan yung mga instances na malungkot pa rin.
“And then, sabi niya na, you know, birthday mo, ang dami mong mga kaibigan dahil you’re successful now. Pero ang importante, sinong kasama mo when you’re on your way down. Sabi ko, ‘I don’t want to go on my way down. Bakit napaka-negative mo naman?’
“So yun, I just hope and pray na maging peaceful at maayos pa rin yung relationship namin for the sake of my husband.”
MISSING EACH OTHER. Nagsabi ba sa kanya ng "I love you" si Yilmaz pagkatapos siyang i-greet?
“Hindi naman. Pero nag-‘I miss you’ siya sa akin.”
Nami-miss din ba niya si Yilmaz?
“Ewan ko. Basta nalulungkot lang ako. Alam mo kasi kapag galit siya sa akin, I hate him. ‘Pag mabait siya…naiiyak ako,” kasunod ang pagtulo ng luha ulit ni Ruffa.
“Ano ba ‘yan? Bakit siya ang naging topic. ‘Di ba, dapat My Monster Mom? Hay naku, ano bang nangyari? Mula sa manliligaw ko nagpunta sa ex and everything? Ayokong umiyak, ha.”
SPENDING BIRTHDAY WITH MOM. Noong eve daw ng kanyang birthday, nasa bahay lang si Ruffa.
“Ang nag-asalto sa akin kagabi, mommy ko. Kaming dalawa, kumakain ng ice cream sa sofa. So kaming dalawa ang magkatabi sa birthday ko.”
Takot ba ang mommy niya na magkabalikan sila ni Yilmaz?
“Ewan ko sa kanya kung ano ang fear niya. Ayaw niya akong tumanggap ng admirers. Ayaw din niya akong makipagbalikan. Gusto niya ‘ata siya lang ang love ko, ‘no. Nakakaloka!
“Ayaw niya akong magkamali ulit. There’s no time to make mistakes, pero you still have time to think of anything else, di ba? Focus muna sa work,” pagtatapos ni Ruffa.
