PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Karylle is happy to be back in theater

Karylle turned down a soap opera to be able to do "West Side Story."
by Rose Garcia
Published Jun 27, 2008
"Actually, in any play naman, kasi araw-araw yun... Para kang bumalik sa school, may dala kang tape recorder, may dala kang music sheet. Parang every day kayong magkakasama, ‘tapos yung mga break n'yo, five minutes lang. So yung bonding, at the end of it, masaya," shares Karylle about working in a musical play.

Bagamat ilang araw pa lang nakakapag-rehearse sina Karylle at Christian Bautista para sa forthcoming production ng Stages of Broadway's West Side Story, nagpakitang-gilas na agad ang dalawa when they sang and acted excerpts from the said musical play.

Kahit wala pa silang masyadong rehearsal, pinalakpakan nang husto ang dalawa dahil sa ipinakita nilang husay. Sinorpresa rin ni Karylle ang marami with her soprano voice.

Ibang experience para kay Karylle ang music rehearsal nila dahil hands-on daw ang direktor nilang si Menchu Lauchengco-Yulo kahit rehearsal pa lamang.

"Nakakatuwa, kasi si Ms. Menchu, siya kasi yung Maria [her role] before. Nakakatuwa lang na music rehearsal pa lang, nandoon na siya. Kasi hindi naman nangyayari na ganoon palagi. Although maganda kapag ganoon kasi mino-motivate niya kami.

"And when you see her there, yung passion niya talaga for work, sobra! Even with me, kung ano ang mali ko, kino-correct na niya talaga," lahad ni Karylle tungkol sa kanyang experience with her director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman daw nai-intimidate si Karylle sa presence ng kanilang director, since considered big name na rin ito in terms of theater. Malaking bagay raw na after niyang mag-workshop for The Little Mermaid, nag-Trumpet Playshop siya at nakapag-workshop siya nang one-on-one with Menchu.

"Nakakatuwa lang din na seeing her again now, kapag pinupuri niya ako or sasabihin niya what I have to work on... E, she's very animated kapag nag-motivate. Siyempre theater, so ako, parang mas nae-excite ako," masaya niyang pahayag.

Next week pa lang daw ang actual rehearsal nila for the choreography and blocking.

CHRISTIAN & JOANNA. Tungkol naman sa kanyang leading man na si Christian, sinabi ni Karylle na even before ay magkaibigan na sila.

"Dati pa kaming friends, noong contest pa ni Mama [Zsa Zsa Padilla], yung Star In A Million. E, Stages siya [Christian] ‘tapos ako naman, may ginagawang play noon for Trumpets. Sobrang payatot pa niya noon... Actually, payat pa rin naman siya, pero siyempre, mas payat pa siya before," natutuwang kuwento ni Karylle.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Okey kay Karylle ang ideya na ang mga bida ng West Side Story—aside from West End Star Joanna Ampil as her alternate for the role of Maria—ay nanggaling sa magkalabang giant networks. Napagsama ng Stages ang dalawang artists ng magkalabang networks sa musical play na ito; si Karylle ay from GMA-7 while Christian is with ABS-CBN. Nagkataon ding ang kanilang musical-variety shows ay magkatapat din—si Karylle ay nasa SOP samantalang si Christian naman ay mainstay ng ASAP '08.

"Parang ang konti na nga lang ng artists sa Philippines, mag-aaway-away pa ba?" sabi ni Karylle. "At saka, ili-limit pa ba natin yun? Kita n'yo nga, nahihirapan na nga ang Stages to find people who can dance, act, and sing, ‘tapos ili-limit pa ba natin yun? ‘Tapos sasabihan pa natin na bawal yung ganito kasi sa kabila ka? Bakit, di ba?"

Nag-warning na kaagad ang executive producer ng West Side Story na si Audie Gemora na hindi raw dapat i-compare ang dalawang Maria na sina Karylle at Joanna. Sa theater daw kasi, hindi nagpapatalbugan kundi nagtutulungan pa ang bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

When asked kung hindi ba siya nape-pressure or nai-intimidate na isang beterano at kinikilala pagdating sa theater ang ka-alternate niya, nagbiro na lang si Karylle.

"Well, sabi ko nga, siya from the West at ako naman, from Broadway...Centrum!" tawa niya. "Actually, yun na lang ang iniisip ko since bata pa lang ako, sinasamahan ko na ang mama ko sa GMA Supershow.

"I've always been a strong believer of Filipinos. And the fact that there's so many of us abroad, it's such a big deal. And for her [Joanna] to actually come back after getting famous there, parang wow! It's a great thing to share her talents here.

"I think, there will always be comparison," patuloy ni Karylle. "But I am more excited to actually start rehearsing with her and learning with her. I'm sure naman she's a great person. I mean, the fact that she's coming here and I'm sure, it's a great learning experience for us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BACK TO THEATER. Aminado si Karylle na hindi niya puwedeng sabihing relax lang siya with her new musical play kahit sabihin pa na nakapag-theater na siya before.

"Hindi talaga!" pagsang-ayon niya. "Kasi maraming aaralin, pero masaya. Actually, in any play naman, kasi araw-araw yun... Para kang bumalik sa school, may dala kang tape recorder, may dala kang music sheet. Parang every day kayong magkakasama, ‘tapos yung mga break n'yo, five minutes lang. So yung bonding, at the end of it, masaya."

Four hours daw every day ang rehearsal nila at siyempre pa, bawal ang ma-late.

"Naku, kanina, na-flat tire pa ako! Naglakad talaga ako, talagang, ‘Halika na! Lakad na!' Parang feeling ko, nasa school ako!" natatawang kuwento niya.

Isa raw talaga sa gustong gawin ni Karylle ay ang bumalik sa theater.

"Wala lang, parang at the back of my mind, I was like, ‘Kailan kaya ulit ako makakapag-play?' I'm just happy that I'm finally back in theater."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa panonood ng movie na West Side Story, marami pa raw siyang preparation na ginagawa. "Nag-i-start pa lang ako ulit mag-jogging. Nagbabasa ako ng mga Spanish books. Siyempre, vocalization."

Sa pagdya-jogging ay nakakasama raw ni Karylle ang boyfriend na si Dingdong Dantes kaya nagiging bonding na rin daw nila ito.

"E, siya naman talaga ang mahilig mag-jogging-jogging. Ako walking, ‘tapos siya naman jogging. Yung sa kanya, para sa Araneta Coliseum [Bench's Blackout]."

Sa puntong ito, nagkaroon ng kantiyawan from the press when Karylle was asked kung sino ang voice teacher niya. When she answered na si Teacher Kitchie Molina, "PDA!" ang naging sigaw ng mga press. Karylle kasi is hosting Pinoy Idol Extra while Teacher Kitchie is one of the mentors of Pinoy Dream Academy.

Natawa na lang din si Karylle dahil, aniya, alam daw niyang ganoon ang posibleng maging reaction. Pero siyempre, pangit naman daw if she will deny the person.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THEATER OVER SOAP OPERA. Halos lahat ng magagandang bagay ay nangyayari ngayon sa career ni Karylle. Pagkatapos daw niyang tanggapin ang West Side Story, saka naman may pumasok na offer for a soap opera, pero kinailangan na niya itong i-turn down.

"Well, actually, after we did the call back, Tito Audie Gemora asked me, ‘Karylle, are you committed to do this?' So parang ako naman, I gave my word. I said yes and I want to do this. After that, doon dumating yung offer for the soap. So siyempre, nasabi ko na sa kanya na oo. Siyempre, palabra de honor and I really want to do West Side Story dahil paminsan-minsan lang sila mag-stage ng ganito. Kita n'yo naman, may orchestra pa.

"Yung soap, baka after meron pa rin naman. Actually, we tried to work it out, pero imposible lang talaga, especially bawal magpuyat kapag nagre-rehearsal. Kahit yung rehearsal namin, 12 p.m. to 4 p.m. lang every day."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
When it comes to kissing scenes sa kanilang stage play, bago pa man daw niya tinanggap ang role ay alam na ni Dingdong na meron. Kaya nang makausap namin si Karylle, nagulat pa siya na tila nakalimutan ni Dingdong na nasabihan na niya ang boyfriend.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, in any play naman, kasi araw-araw yun... Para kang bumalik sa school, may dala kang tape recorder, may dala kang music sheet. Parang every day kayong magkakasama, ‘tapos yung mga break n'yo, five minutes lang. So yung bonding, at the end of it, masaya," shares Karylle about working in a musical play.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results