PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla to do a movie for Star Cinema this year

Bong contemplates the effect of Rudy Fernandez's death.
by Julie E. Bonifacio
Published Jun 27, 2008
"Ako, naniniwala ako na if it's your time, it's your time. Ako, ganun ang ano ko. Kaya ako, do good things na maaalala ka ng mga tao na mamahalin ka. And siguro ang Panginoon, nakikita yung ginagawa mong kabutihan at Siya na ang bahala mag-ano sa ‘yo, na dapat humaba pa ang buhay mo dahil marami ka pang matutulungan, di ba?" says Senator Bong Revilla.

Masayang ibinalita ng actor-politician Ramon "Bong" Revilla sa isang get-together dinner with some members of the press last Wednesday, June 25, na gagawa siya ng pelikula this year with Star Cinema. Magbabalik si Bong sa bakuran ng Star Cinema after almost 15 years. Matatandaan na si Bong ang bida ng kauna-unahang pelikulang ginawa ng Star Cinema, ang Adan Ronquillo noong 1993.

"Hinahanda pa nila. Magmi-meeting kami anytime this week or next week," lahad ni Bong.

This time, artista lang daw talaga si Bong sa pelikula at hindi sila magko-co-produce ng Star Cinema. Wala namang ideya si Bong kung ipapasok ito ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa darating na Disyembre.

"Hindi ko lang alam kung nai-submit nila yung script, or before MMMF yun siguro, or before the end of the year or early next year."

Wala rin daw siyang pelikula na prinodyus for MMFF pagkatapos ng Resiklo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sayang nga, e. Masyado akong naging busy. Na-overlook ko yung deadline nung June 19. Pagka-ano ko, June 19 na. E, hindi kami naka-prepare. Nakakahiya naman i-extend yung [deadline] just because of me. Ayaw ko naman na gamitin ang power ko," sabi ng actor-politician.

Nasanay na rin kasi ang Pinoy audience na meron siyang pelikula tuwing Pasko.

"Oo nga, e, kaya yung ibang prpoducer na gusto akong kunin, I'm free, di ba?" nakangiti niyang sabi.

"IF IT'S YOUR TIME, IT'S YOUR TIME." Naging busy rin kasi si Bong sa burol ng kaibigan niyang si Rudy Fernandez. Marami rin daw siyang bagay na na-realize Bong sa pagkamatay ni Daboy.

"There's no such as ano, e, yung tipong ano... No matter how strong you are, how healthy you are, kapag dinapuan ka ng sakit na talagang nasa system mo na, bibigay at bibigay ka. Si Daboy, napakaalaga sa katawan nun. Napakalinis nun. Yun nga siguro ang mahirap sa isang tao kapag sobrang malinis ka, mahina yung antibodies mo. Yun ang isa sa nakita ko.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Napakabait na tao... Hindi mo talaga masabi. Kagabi [June 24], nanonood kami ni Lani [Mercado, his wife]. Nag-usap nga kaming mag-asawa. ‘Alam mo,' sabi ko, ‘ang buhay ng tao hindi mo masabi. Anytime, anytime, go. Do you think, ikaw ba mararamdaman mo?' Sabi sa akin, nag-usap kaming dalawa, ‘Ikaw ba do you think nakikita mo ba na tayo magkasama tayo hanggang pagtanda natin?'

"Yun bang ganung usapang mag-asawa. Sagot ko, ‘Alam mo, I don't know. Only God knows kung anong mangyayari.' So while we're alive, might as well do good things sa mga tao na maaalala ka kapag wala ka na. Yung maiiwan mo sa anak mo, apo mo, that will mark. Like what Daboy did, FPJ [Fernando Poe Jr.] did, di ba? Yung mga bagay na yun na magmamarka sa puso ng bawat tao.

"Hindi naman nila maaalala na ikaw mayaman ka. Ikaw yung mayaman na ganun. Yumayaman ka, sikat ka, anong nagawa mo sa bayan? Anong nagawa mo sa kapwa mo? Anong nagawa mo sa kaibigan mo? Marami kang responsibilidad. Ako, sabi ko nga, kahit ganito lang ako, marami akong pamilya. Sabi nila, ‘Bakit, sinong pamilya mo?' Ako? ‘Yung isa mo, yung ganun-ganun?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko, ‘Hindi, ang pamilya ko, yung mga taong sumusuweldo sa atin na tinutulungan natin, yung nabigyan natin ng trabaho. ‘Pag nawala tayo dito, wala na rin sila. Sila yung mga taong dapat din nating tulungan, kaagapay.'

"Ako, masyado akong emosyonal kagabi. Kasi hindi mo pa masasabi kung hanggang kailan tutuldukan ka. Sabi ko, ‘Ako, do you think tatanda pa ako? Sa mga pinagdaanan ko, vice-governor, governor, VRB (Video Regulatory Board], doon na lang sa tatlong ano...ang dami kong nasagasaan, ang dami kong kaaway. Hanggang ngayon, hindi ako puwedeng makapag-alis ng security. May mga threat pa rin ako, e. Dahil titingnan nila, ‘Eto masyado naman itong security conscious.' Magugulat ka nga, yung mga vice-mayor ngayon, biglang binabaril na lang. Kahit gaano ka kabait, still, politics. Nandiyan yung kapatid ko pa rin, still active in Cavite.

"Yung mga nasasagasaan natin na ilegal. Yun na lang sa drugs na biggest hole na nasagasaan namin noon. Hangang ngayon, ha. Yung mga nasagasaan ko sa piracy, bilyun-bilyon din yun. Hindi mo alam kung kailan ka nila gustong pitasin. So you can never tell. You'll just have to be ready in a given time na kung dumating yun, handa ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ako, naniniwala ako na if it's your time, it's your time. Ako, ganun ang ano ko. Kaya ako, do good things na maaalala ka ng mga tao na mamahalin ka. And siguro ang Panginoon, nakikita yung ginagawa mong kabutihan at Siya na ang bahala mag-ano sa ‘yo, na dapat humaba pa ang buhay mo dahil marami ka pang matutulungan, di ba?" mahabang pahayag ng senador.

VP IN 2010? May balita na tatakbo si Sen. Bong bilang Vice-President sa susunod na halalan sa 2010. Totoo ba ito?

"Kung darating ang pagkakataon," ngiti ni Bong. "Napag-uusapan sa partido namin ‘yan, sa Lakas. Yun nga, na tumkabo ako ng Vice, napupusuan. Sabi ko nga, malayo pa naman ‘yan. Let's see kung magugustuhan ba ng taong-bayan na tumakbo ako, e, di yun. And, why not?"
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako, naniniwala ako na if it's your time, it's your time. Ako, ganun ang ano ko. Kaya ako, do good things na maaalala ka ng mga tao na mamahalin ka. And siguro ang Panginoon, nakikita yung ginagawa mong kabutihan at Siya na ang bahala mag-ano sa ‘yo, na dapat humaba pa ang buhay mo dahil marami ka pang matutulungan, di ba?" says Senator Bong Revilla.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results