"Oo naman, kinakabahan ako nang bongga! But for me, it's all about enjoying what you are doing. It's also, parang expecting na rin positive and negative feedback. Ganoon naman, e, parang you cannot please everybody," says Anne Curtis about Dyosa.

Photo: Noel Orsal
 

Nagkataong sa Marikina lang ang taping ng Dyosa at hindi out-of-town kung kaya't kasama ang Corporate Communication ng ABS-CBN, nakadalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa location taping ng naturang teleserye, kung saan human ang character ni Anne this time.

           

Contrary to earlier reports na tatlo ang characters na gagampanan ni Anne bilang Dyosa, apat ang gagampanang characters ng young actress—ang human as Josephine Sinukuan and her three goddesses characters: Dyosa Cielo (Goddess of the Heavens), Dyosa Tierra (Goddess of the Earth), at Dyosa Aqua (Goddess of the Seas).

           

Sa apat na ito, aminado si Anne na ang Dyosa Tierra ang pinakamahirap niyang ginagawa dahil sa costume. Ang Dyosa Aqua naman ang pinakapabarito niya dahil, ever since, pangarap na raw niyang talaga ang gumanap na isang mermaid.

           

"Enjoy talaga ako sa mermaid kasi dream ko!" natutuwa niyang sabi. "So, kahit hindi siya Dyesebel na mermaid, yung Dyosa Aqua, mermaid pa rin. And I get to play other characters pa."

           

May balitang first week of July sana ang pilot ng Dyosa, but the latest we heard, na-move na ito in a more later date at mas mauuna na ang teleseryeng Iisa Pa Lamang. Pero magkaganunman, pareho lang daw kay Anne ang kabang nararamdaman ngayong malapit nang iere ang pinakamalaking teleseryeng ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network.

           

"Oo naman, kinakabahan ako nang bongga!" bulalas ni Anne. "But for me, it's all about enjoying what you are doing. It's also, parang expecting na rin positive and negative feedback. Ganoon naman, e, parang you cannot please everybody.

           

"So far, so good. I think, mas pambata yung show namin. Kasi yung mga bata, yun na ang tawag nila sa akin. Based pa lang sa trailer, ‘Dyosa!' Ganoon na ang tawag nila sa akin, talagang wow!"

 

Sabi pa ni Anne, isang title raw ito na talagang "bonggang-bongga" niyang tatanggapin.

           

"I don't mind, wala akong problema!" tawa niya. "Nakakatuwa lalo na kapag may mga bading na tumatawag sa akin. Sinasabi nila, ‘Isa ka talagang Dyosa!' Kaya tawang-tawa talaga ako. So, it's a title that I think I would love."

           

Obviously, ayaw maintriga ni Anne with the other Kapamilya young actresses. When asked how does it feel sa importance na ibinibigay sa kanya ng kanyang home network, napatili ang young actress ng: "May ganoon?"

           

Pero aniya, "Ako, I'm just thankful siguro that they gave me this project. Kasi aside from the fact na it's my dream talaga to portray a role like a mermaid, may iba pa kong character na ginagawa. So super-super big talaga siya and I'm really thankful. It's a really dream come true for me.

           

"And I believe naman, kami naman kasi sa ABS, lahat naman ng mga artist nila, may kanya-kanya kami. Like si Bea [Alonzo], she's Betty La Fea naman, and we call her na nga 'Bea La Fea.' So you know, it's nice talaga."

 

THREE LEADING MEN. Tatlo ang leading men ni Anne sa Dyosa—sina Luis Manzano, Zanjoe Marudo, at Sam Milby. Although kung tutuusin, iba ang closeness niya kay Luis ever since at mas lalong iba naman with Sam, hindi raw nangangahulugan yun na tila dehado si Zanjoe sa dalawa.

           

"Of course not," sabi niya. "Although kasi, wala pa talagang taping na magkakasama kaming tatlo. Pero no, kasi si Z [Zanjoe] naman, nagkasama na rin kami sa Maalaala Mo Kaya and maganda naman yung naging chemistry namin doon. In fact, isa yung episode namin sa may mataas na rating. 

 

"At saka dapat may gagawin kaming soap talaga ni Z, yung The Wedding. Nakapag-tape na rin kami, nakapag-workshop, pero inuna na ang Dyosa. I guess it's something to look forward to, as well.

 

"At saka mapapansin n'yo, it's a good thing na iba-iba yung chemistry ko sa tatlo. Ako kasi, ayoko rin ma-tag sa isang loveteam lang. Gusto ko rin na iba-ibang nakakapareha ko."

           

When it comes to Sam, wala raw silang dine-deny at wala pa naman daw silang aamining talaga.

 

"Actually, open naman ako. Basta nasa point na yun ang totoo, sinasabi ko. Kung meron, sasabihin ko na.

           

"Before we dated, then we broke it up because of my walk with God. And then, we started the courtship. We're still there and it's a beautiful journey na hindi mo naman kailangan na madaliin, kasi nandoon naman na ang security of courtship. So, why force it na kaagad?" nakangiti niyang pahayag.

           

Nakausap din ng PEP ang director ng Dyosa na si Wenn Deramas. Naikuwento nito habang ipinapakita sa amin ang ilang pictures ng iba't ibang katauhan ni Anne sa kanyang laptop na napansin daw niyang nag-init ang ulo ni Sam pagkakita kay Anne as Dyosa Aqua sa isa sa mga nauna nilang taping.

           

Topless kasi si Anne at sa unang tingin, iisipin mo raw talagang wala siyang suot. Pero naging maagap naman si Anne when she said to Sam, "It's an illusion!" After that, napansin ni Direk Wenn na naging okey at relaxed na si Sam.