Ipinakita sa Entertainment Live! kahapon, June 28, ang paghaharap at pagkikita ng dalawa sa hottest young female stars ngayon na sina KC Concepcion at Angel Locsin sa birthday party ni Ruffa Gutierrez last June 21. Nakunan ang paglapit ni Angel kay KC para bumati. Kaagad namang niyakap ni KC si Angel.
Sabay rin silang nagpa-interview at sinagot ang pang-iintriga sa kanila dahil kay Richard. Si Angel ang kapareha ni Richard noong nasa GMA-7 pa ang young actress, samantalang si KC naman ang katambal ng young actor sa unang pelikula ni KC.
Ayon kay Angel, "Si Chard, trabaho yung ginagawa namin pero hindi talaga kami. Si Chard talaga yung may chance na makapagtrabaho sa ibang network, ‘tapos nagtrabaho rito. So finally, mangyayari na nga ‘yon kaya I'm happy for them."
Sabi naman ni KC, "Angel has always been very supportive and I'm here also to support her. So, you know...and we're friends. I mean, okay kami ni Angel kapag nagkikita."
Sinabi rin nina KC at Angel na hinahangaan nila ang isa't isa.
"Lagi akong nanonood ng Lobo at ang galing-galing niya!" papuri ni KC kay Angel.
Sabi naman ni Angel, "Si KC nakikita ko na siya yung tao na kung ano yung nakikita ninyo sa TV, kung panao siya ka-nice, ganun talaga siya."
Dagdag ni KC, "Kung meron mang ibang tao na gustong siraan kami or anything, hindi na lang kami nagpapaapekto. Alam naman namin between me and Angel, na we respect each other."
Sinagot din nina Angel at KC ang posibilidad na magkasama-sama silang tatlo nina Richard sa isang proyekto.
"Anytime, kahit na guest lang ako, susuporta ako for her," sagot ni Angel.
Sagot naman ni KC, "Sa future movie ni Angel, nandun ako."
Naging masaya raw ang lahat sa paghaharap nina Angel at KC. Naging mahigpit din daw ang yakapan nina Angel at Richard nang magkita sila sa birthday party ni Ruffa.
Kuwento ni Angel, "Nagkumustahan lang kami. Siyempre ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Siyempre na-miss ko rin siya. Kahit papaano, ang dami naming ginawang projects. Ayun, nagkumustahan lang kami. Yun lang, simpleng batian lang."
Inamin naman ni Richard sa Entertainment Live! na inspirado siya ngayon, at isa si KC sa nagpapasaya sa kanya.
