PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Piolo Pascual keeps his love life private to avoid publicity

Piolo defends "Lobo" leading lady Angel Locsin against criticisms.
by Melba R. Llanera
Published Jul 2, 2008
"You know what, I'd like to keep it private kasi mahirap na ma-publicize o pag-usapan ng publiko. If I'll get romantically involved, siguro I'll keep it to myself first then we'll see what will happen," says Piolo Pascual about his love life.

Sa loob ng matagal-tagal na panahon, isang isyu na pinag-usapan ay ang alitang namagitan kina Piolo Pascual at sa magkasintahang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo. Natuldukan ang alitan ng tatlo nang aksidente silang magkita sa burol ng ama ng young actress na si Maja Salvador.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo sa ginanap na Star Magic Ball para sa 16th anniversary ng Star Magic. Nagbigay ng mensahe ang aktor kaugnay ng engagement nina Judy Ann at Ryan.

"Nababasa ko lang ‘yan sa diyaryo, but wala pang nagko-confirm sa akin. But if ever it's true, I'm happy for them. It's about time for them to get married, I wish them the best."

LOVE TALK. Sa ibang balita, sa past interviews kay Ruffa Gutierrez ay naging open ang actress-TV host sa pagsasabing panay "press release" lang daw ang pagsasabi ni Piolo na crush siya nito. Kasi nga, hindi naman gumawa ng kahit na anong move para lang mag-text o yayain siyang mag-dinner.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

According to Piolo, ang mga personal na bagay sa kanyang buhay ay napagdesiyunan na lang niyang itago muna sa kanyang sarili.

"You know what, I'd like to keep it private kasi mahirap na ma-publicize o pag-usapan ng publiko. If I'll get romantically involved, siguro I'll keep it to myself first then we'll see what will happen," saad ng matinee idol.

Aminadong naging lesson na kay Piolo ang nangyaring pagkakaudlot sa sinasabi niya noong taga-Victory Fellowship na balak niya sanang diskartehan. Wala mang love life ay nangako naman si Piolo na ito ang magiging prayoridad niya ‘pag na-meet na niya si "Ms. Right."

"Yun na nga, it was preempted because I spoke too soon," sabi niya. "So I decided kung magkakaroon man ako ng inspirasyon na bago, tatahimik na lang muna ako, let it flow in a natural way.

"As of now, wala pa rin akong love life but I'll just wait for that. When she comes, yun ang magiging priority ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANGEL'S DARING PICTORIAL. Naging malapit na magkaibigan sina Piolo at Angel Locsin sa pagsasama nila sa teleseryeng Lobo ng ABS-CBN. Ngayong binabatikos ng ilang moralista ang aktres dahil sa pag-pose nang topless para sa isang jeans ad, nagbigay naman ng suporta niya si Piolo sa kapareha.

"I can't comment about it but I can say na may karapatan naman si Angel. As the saying goes, ‘If you have it, flaunt it.' It's part of the campaign and magandang-maganda naman yung kuha, hindi naman malaswa o bastos," pahayag ni Piolo.

In two weeks time ay matatapos na ang Lobo, pero siniguro ni Piolo na kaabang-abang ang mga nalalabi pang araw ng pinagbibidahang fantaserye.

"Last two weeks. Maganda, mahirap, nakaka-excite kasi talagang pinaghirapan at ginastusan ng network, and I'm happy about the outcome. I'm so thankful dahil ang daming sumuporta, not just in the Philippines but also in TFC abroad."

Kinumpirma rin ni Piolo na isang pelikula under Star Cinema ang pagsasamahan nila ni Angel right after Lobo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
"We're doing a movie as soon as matapos kami sa Lobo, dire-diretso na kami mag-shoot. I'm going to Paris to attend a filmfest. Pero as soon as I come back, training na ako for the movie, and then diretso na kami ng Bukidnon to shoot," pagtatapos ng aktor.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"You know what, I'd like to keep it private kasi mahirap na ma-publicize o pag-usapan ng publiko. If I'll get romantically involved, siguro I'll keep it to myself first then we'll see what will happen," says Piolo Pascual about his love life.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results