Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Carmina Villarroel na si Tita Dolor Guevarra sa press preview ng Iisa Pa Lamang sa Cinema 2 in The Block ng SM North EDSA, Quezon City. Nandoon din kasi si Dolor kasama ang kanyang husband na si Direk Boots Plata dahil kasama sa Iisa Pa Lamang ang isa sa mga talent niya na si Ms. Susan Roces.
CARMINA, NOT TRANSFERRING. Binigyang-linaw ni Tita Dolor ang naisulat dito sa PEP na lilipat na diumano si Carmina sa ABS-CBN. Paano kasi'y nakita sa loob ng ABS-CBN compound si Mina kaya nagkaroon ng ispekulasyon na lilipat na nga ng istasyon ang isa sa mga hosts ng Sis.
Pinabulaanan naman ng mismong manager ni Carmina ang ispekulasyon na ito.
"Hindi totoong lilipat si Carmina. Nandoon kami para sa promotion ng Colgate. At sa Wowowee! lang siya nag-guest. Promo yun kaya hindi puwedeng hindi siputin," tila naiiling na paliwanag nga niya.
Ayon pa kay Dolor, ang naturang promo guesting daw ay naipagpaalam pa nila kay Ms. Wilma Galvante (GMA SVP for Entertainment), kung kaya't very much aware at may approval pa nito ang naturang guesting ni Mina.
NO TELESERYE IN DOS. Itinanggi rin ni Dolor ang lumabas na balitang gagawa ng teleserye si Mina sa Dos. Nakita raw kasi sila pareho diumano sa 3rd floor ng ABS-CBN. Sa palapag na ito raw kasi madalas ginagawa ang mga story conference for a new teleserye.
Wala raw gagawing teleserye si Carmina sa Kapamilya Network dahil kasama ito sa bagong series ng GMA-7 na Codename: Asero.
"Wala kami sa 3rd floor, nasa 2nd floor kami kunsaan, nag-recording si Carmina," pagko-correct pa ni Tita Dolor tungkol sa pagkaka-spot sa kanila sa teritoryo ng Dos.
Ang kontrata raw ni Mina sa Kapuso Network is not an exclusive contract but a per show contract. So, as it is, mananatili pa rin Kapuso ang actress at patuloy pa ring mapapanood sa kanyang mga programa tulad ng Sis at sa bagong primetime series na Codename: Asero.