"Ako naman, sabi ko naman sa kanya, okey lang, naiintindihan ko. Kasi, nagugulat na lang kami sa mga lumalabas na kami na raw. Obvious na obvious na raw kami," kibit-balikat niyang sabi.
Nasabi ng PEP kay Maja na baka kasi may nakikitang kakaibang closeness sa kanila ni Jon kaya ganoon ang nagiging impression ng ilan?
"Hindi ko po alam. Kasi, kami namang lima sa Kapitan Boom, close naman kaming lahat, so, hindi ko nga po alam kung bakit kami ni Jon ang nasusulat. Pero hindi naman po kami lumalabas. Kahit text po, wala rin. Siguro, gentleman lang talaga si Jon na nami-misinterpret ng iba."
Hindi na rin niya alam kung ano ang nangyari sa supposedly team-up naman nila ni Rayver Cruz. Aniya, "si Rayver po...ewan ko ba kung ano ang nangyari. Pero meron naman po kaming movie ni Rayver, yung Kelly-Kelly under Star Cinema. Parang ang sponsor niya, Rexona.
"Nagawa na po namin yun at ipinapalabas sa mga province, sa mga schools. Parang ano po siya, High School Musical. Movie po siya, pero sa TV ipinapalabas. "
Ayon kay Maja, pareho raw walang katotohanan ang mga pagli-link sa kanya kay Jon at kay Rayver.
"Alam n'yo, ewan ko talaga...wala naman kasi talaga. Like si Rayver, nakaka-text lang kaming dalawa, dahil lang talaga sa iPhone. As in, iPhone lang talaga. Wala pa po kasi yung talagang...nanliligaw, yung ganoon, wala pong talaga."
MAJA-CARLO BREAKUP ISSUE. Sa huli, pinabigyang-linaw rin ng PEP kay Maja ang katotohanan sa isyung breakup daw nila ni Carlo Aquino. Pero maagap agad ang reaction niya. "Paano kami magbi-break, e, hindi naman naging kami?!
"Ngayon, biglang nawala yung communication naming dalawa. Matagal na. Basta matagal na pong talaga. Focused ako sa career kasi. Sunud-sunod po yung shooting ng Kelly-Kelly, Kapitan Boom...parang wala akong time na mag-reply sa mga text, sa mga tawag."
Tumigil na nga ba si Carlo sa pagsasabing nanliligaw sa kanya?
"Hindi naman...parang desisyon ko rin naman na tama na muna. Siyempre, ayoko rin naman paasahin siya. Parang ang pangit naman, di ba? Basta, hindi naging kami. Walang breakup. Kumbaga, yung communication lang po talaga ang nawala."





